Share

Chapter 44

"Good morning."

"Hello."

"Magandang umaga po."

Halos hindi matapos si Troy sa kakabati sa mga empleyado kong nakakasalubong namin. Kaunti na lang ay iisipin ko nang kakandidato siyang mayor sa bayan namin.

Siya ang pinapunta ni Mr. Theodere Montalban sa opisina upang dumalo sa board meeting. Hindi lamang kasi kami mag-su-supply ng cacao sa bakeshop nila ngunit nais din ng kan'yang mga magulang na ibenta ang mismong tsokolate namin sa ibang bansa kung nasaan ang mga branches nila.

Ngayon nga'y ililibot ko siya sa Hacienda Miraflor at pagawaan ng Armira Chocolate. Hindi ko lang inaasahan na para pa lang artista o pulitiko itong si Troy dahil halos lahat ng babaeng empleyado ko ay tumigil sa pagtipa sa kanilang mga laptop ng dumaan kami sa harapan nila upang batiin siya.

Alam niya naman ang daan patungong Hacienda Miraflor kaya't nagkan'ya-kan'ya na lamang kaming sasakyan.

Bukas na ang maikling daan patungo doon kaya mabilis kaming nakar

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status