Share

Chapter 70

Ginabi na kami sa daan pauwi ng mansyon. Maaga pa lamang ay sarado na ang ilang kabahayan na aming dinaraanan. Napakatahimik ng lugar.

Pagdating sa mansyon ay may nakahain ng hapunan sa hapag kainan.

“Tataba po yata ako dito Ginang Lorie,” biro ko.

Tumawa ang mag-asawa maliban kay Mateo na nanatiling blanko ang mukha.

Simula nang matapos ang tawag ko kanina kay Troy at Lesie ay hindi niya na ako kinulit. Nagsasalita na lamang siya kapag kausap ang mag-asawang Benito.

“Bukas ay bibisitahin naman natin ang dalawa pa’ng lupain.” Bahagya akong nabigla sa sinabi ni Ginoong Alfredo, kung gayon ay hindi lamang isa bagkus ay tatlong lupain ang pagtataniman ng mga cacao. Siguradong malaking tulong ito sa mga taga-rito at sa Hacienda Miraflor na din.

Katulad ng aking inaasahan ay masarap ang pagkain na inihain sa amin. Mabilis akong nabusog at dinapuan ng antok, pero nilalabanan ko iyon dahil nakakahiyang humikab ulit ako

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status