Share

Chapter 71

Maliwanag ang kabuuan ng kwartong tinutuluyan ko. Nakatalukbong din ako ng kumot at nakasuot ng earphones. Natatakot akong makarinig ng kahit anumang ingay katulad ng alulong, kaya mabuti nang makinig na lamang ng musika.

Ilang minuto na siguro akong pabaling-baling sa kama ngunit hindi pa rin ako nakakatulog. Marahil ay dahil sa liwanag at musikang pinapakinggan ko.

Sana'y kasi akong tahimik at malamlam ang ilaw o 'di kaya'y madilim kapag matutulog.

Pinalitan ko ang pinapakinggan sa nakakaantok na kanta. Unti-unti naman itong umepekto sa akin, subalit mabilis akong napabangon nang may maramdamang mahinang pagkalabit sa aking balikat.

Sisigaw sana ako sa takot kaya lang ay mukha ni Mateo ang sumalubong sa akin pagtanggal ko ng kumot, na tumatakip sa aking buong katawan.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" Nahihilakbot kong tanong.

Para akong aatakehin sa puso sa pambibigla ni Mateo. 

"Sorry. Pumasok na ako dahil hindi ka nagbubukas kanina

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status