Share

ANNULMENT

FIVE YEARS LATER

NAPAPITLAG si Tori nang makarinig siya ng sunod-sunod na katok mula sa pinto ng banyo kung saan siya naroroon. Sinulyapan niya ang maliit na relong nakapatong sa maliit na marble table na nasa isang tabi. Pasado alas singko ng hapon. Mapait siyang napangiti. Dahil sa pagbabalik-tanaw ay hindi na niya namalayan ang oras.

"Miss Tori, tumawag po si Miss Ember, pinapa-remind po niya na tawagan daw po ninyo siya ngayon din daw po,"

Tinig iyon ni Anna, ang kasambahay na ipinadala sa kanya ng manager niyang si Ember.

"Okay," maikling tugon niya habang nilalaro ang mga bula na nakabalot sa katawan niya. Habang ginagawa iyon ay isang image ang biglang rumihestro sa kanyang isipan.

'Damn you, Taj...' Ani ng isang bahagi ng isipan ni Tori.

Ilang araw pa lang siyang nakakabalik ng bansa pero nagawa na kaagad nitong guluhin ang mundo niya. Kumuyom ang mga palad niya kasabay ng pagdaloy ng isang particular na alaala sa kanyang isipan.

"Tori, gaano katotoo ang balitang kasal ka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status