Share

PAIN

IPINILIG ni Tori ang kanyang ulo para alisin ang masakit na alaalang nagsimula na sanang manariwa sa kanyang isipan. Hindi niya namalayang naubos na pala niya ang dalawang bucket ng beer na inorder niya kanina. Muli niyang tinatawag ang waitress at muling nagpahatid ng tatlo pang bucket ng beer. Ah, gusto niyang magpakalunod sa alak ngayong gabi. Baka sakaling mabawasan ang nararamdaman niyang sakit.

Lumipas ang ilan pang oras at marami nang nainom si Tori. Nang tingnan niya ang labas ng pub house ay kaunti na lang mga sasakyang nakaparada sa parking lot. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Sinulyapan niya ang suot na relong-pambisig para tingnan ang oras. Pasado ala-una na ng madaling-araw. Ganoon na pala siya katagal na nasa loob ng pub.

Inabot niya ang sumbrerong hinubad niya kanina at muling isinuot nang pabaliktad sa ulo. Tinawag niya ang waitress at inabot dito ang ilang perang papel. Sobra pa iyong pambayad sa mga nainom niya pero bale-wala iyon kay Tori. K
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status