Share

SHE'S DOING FINE

ILANG oras na ring nakaupo sa labas ng emergency room si Taj kasama si Kara at Oxygen pati ang asawa nitong si Lorie. Naghihintay sila sa paglabas ng kaibigang si Kalil na siyang nag-asikaso kay Tori. Nakaupo sa tabi niya si Kara na kanina pa tahimik habang panay ang sulyap sa kanya pero wala rito ang atensiyon niya. Nakatuon ang isip niya sa babaeng nasa loob ng emergency room at kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan.

Kanina lang ay may mga pulis na ring dumating sa hospital para imbestigahan ang nangyaring aksidente. Doon din dinala ang mag-asawang sakay ng kotseng nakabanggaan ni Tori.

"Gaano pa ba katagal ang operation?" naiinip na untag ni Lorie na kanina pa palakad-lakad sa harapan nila.

"It's been four hours," turan naman Oxygen sabay sulyap sa suot na relong-pambisig.

Bumuga ng hangin si Taj bago tahimik na tumayo at kagaya ni Lorie ay nagsimula na ring maglakad nang pabalik. Isang tanawin na hindi na kayang tagalan ni Kara kaya tumayo na rin siya.

"Uh, love," tawag-pa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status