Share

THIS IS GOING TO BE FUN

ISANG mabilis na sulyap sa malaking salamin ang ginawa ni Tori at nang makitang presentable na ang kanyang anyo ay dinampot na niya ang itim na purse na nakapatong sa isang tabi. Itinali lamang niya nang patalikod ang kanyang buhok. Naglagay lang siya ng manipis na lipstick at polbo sa kanyang mukha. Puting long-sleeved blouse na itinupi niya hanggang siko at pantalong maong na hapit sa kanyang mahahaba at makurbang hita at binti. Simple pero malakas pa rin ang dating.

Kalilibing lang ng kanyang Uncle Ansen kahapon pagkatapos ng tatlong araw na burol. Nalaman na rin niya mula kay Tiya Belen na isinangla pala ng Uncle niya kay Taj ang ancestral house dahil kailangan nito ng perang pampagamot sa sakit na cancer. Gusto niyang magalit sa Uncle niya dahil hindi ito lumapit sa kanya pero sa huli ay pinilit na lamang niya itong unawain. Kung siya nga na pamangkin lang nito ay hindi man lang ito nagawang dalawin o kamustahin sa loob ng limang taon, ito pa kaya? Ang hindi lang niya maintindih
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status