Share

WEDDING RING

PASADO alas onse na nang gabi at naghahanda na si Taj sa pagtulog nang biglang tumunog ang cellphone niyang nakapatong sa ibabaw ng maliit na bedside table. Kunot ang noong isinampay niya sa kanyang balikat ang tuwalya na ginamit niyang pangtuyo sa basa niyang buhok dahil katatapos lang niyang mag-shower. Humakbang siya patungo sa gilid ng kama dinampot ang cellphone. Mas lalo pang lumalim ang kunot sa kanyang noo nang makita ang pangalan ng security guard na naka-duty sa administration building ng Sebastian Plantation.

"Yes, Paeng," bungad ni Taj pagkatapos sagutin ang tawag. "may problema ba?" tanong niya at saglit na nakinig nang magsalita ang guwardiya.

"Wala naman, Sir," medyo nag-aalangan na sagot ng guwardiya kay Taj. "kaya lang kasi, kalalabas lang ng opisina ni Miss Herrera. Naglakad lang palabas ng plantation. Ihahatid ko sana pero walang maiiwan dito sa post ko kaya itinawag ko na lang sa-"

Nagsalpukan ang mga kilay ni Taj nang marinig niya ang sinabi ni Paeng. Sinulyapan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status