Share

WORRIED SICK

NAPATIGIL sa akmang pagpasok sa kanyang opisina si Taj nang mapansing iba ang nakaupo sa p'westo ni Tori.

"Where's Miss Herrera?" kunot ang noong untag niya kay Jane, ang secretary ni Oxygen na siyang manager ng accounting department ng Sebastian Plantation.

Mula sa ginagawa ay nag-angat ng paningin si Jane. "Ah, tumawag daw po siya kay Sir Oxy kagabi, Sir. Masama raw Po ang pakiramdam kaya ako na muna ang pansamantalang pinapunta ni Sir dito.

Mas lalong lumalim ang gatla sa noo ni Taj. "Bakit hindi siya nagsabi sa akin?" mainit ang ulo na tanong niya.

Napakamot sa ulo si Jane. "Hindi ko po alam, Sir pero ang alam ko po, eh, nagsend daw po siya ng E-mail sa inyo sabi ni Sir Oxy."

Hindi na nagsalita si Taj. Tumuloy na siya sa kanyang opisina at nang makaupo ay kaagad niyang binuksan ang kanyang email. Sandali siyang nagscroll para hanapin ang email ni Tori at nang makita iyon ay kaagad niyang binuksan.

Napabuga na lamang ng hangin si Taj. Pinindot niya ang intercom sa kanyang tabi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status