Kabadong naglakad si Tori nang tuluyan siyang makalabas ng comfort room. Wala siyang ideya kung sa plano ni Everett para ma-distract si Sid. Wala na siyang sapat na energy dahil ang utak niya nakatuon lamang kay Taj at sa magiging usapan nila kapag nagkaharap sila ng asawa niya mamaya. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaction nito kapag nagkaharap na sila o kung magkaka-ayos ba sila kaagad pagkatapos ng mga nangyari. Sa laki ng damage na nagawa ng mommy niya at ni Sid ay nagdududa din siya kung makakausap niya nang matino si Taj. Kilala niya si Taj at sa ugali nitong nawawala sa katwiran kapag nagseselos at galit, tiyak niyang mahaba-habang paliwanagan ang mangyayari pero naniniwala siyang pakikinggan siya ng asawa. Mahal siya ni Taj kaya hindi siya nito matitiis. Pagkatapos ng dalawang linggo simula nang mangyari ang gulo sa Itadakimasu, ngayon lang uli sila magkikita ng asawa. Kahit kasi sa hospital ay hindi siya nito napuntahan. Marahil ay kagagawan ng mommy niya.Lumunok n
Habang kausap ni Sid ang bagong talent ng Crystal Music na si Jonas ay sandali siyang napasulyap sa suot niyang relong pambisig. Kaagad na nagsalubong ang mga kilay niya nang makita niyang halos bente minutos na ang nakakalipas simula nang magpaalam si Tori na pupunta ito sa rest room. Natakasan na ba siya ng babae? No way!"Okay lang po ba kayo?" tanong ni Jonas kay Sid nang mapansin niyang hindi mapakali ang kaharap na big boss ng Crystal Music.Sumeryoso ang anyo ni Sid pagkuwa'y tumango. Ngumiti rin siya ngunit napansin ni Jonas na tabingi iyon. Hindi rin nakaligtas sa edad bente-uno na binata ang maya't-mayang pagsulyap nito sa suot na relong pambisig."You know what," maya-maya ay sabi ni Sid na sinabayan pa ng tayo. "I gotta go, Jonas. Just call my secretary if you need something, alright..." aniya saka niya binigyan ng magaang tapik sa balikat ang lalaki.Ngumiti naman nang maluwag si Jonas sabay tango."Yes, boss! Thank you so much," tugon niya kay Sid.Hindi na sumagot si Sid
“WILL YOU BE OKAY HERE?” Mula sa pagtanaw sa labas ng bintana ay lumingon si Tori para tingnan si Everett. Nasa loob pa rin sila ng sasakyan nito at kasalukuyang nakaparada sa tapat ng apartment ni Taj. Alam ni Tori na nasa loob ang asawa dahil naroon sa garahe ang secondhand na kotseng ipinahiramm dito ni Landon.Ngumiti ng tipid si Tori bago tumango. “Yeah…I’ll be fine,” turan niya habang mahigpit na nakahawak ang kamay sa suot niyang seatbelt.Napatitig si Everett kay tori pagkuwa’y isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawala. Labis ang pag-aalala niya para sa babae. Sana lang ay maging maayos na ang lahat pagkatapos nitong mag-usap ng lalaking mahal nito.Isang pinong kirot sa puso ang nadama ni Everett nang sumagi sa kanyang isipan ang naging pag-uusap nila ni Tori. Ah, ano ba itong iniisip niya? Malinaw sa kanya ang lahat at tanggap niya iyon. ‘Pero valid naman siguro na makaramdam ka ng sakit, tama? After all, umasa ka na magiging kayo. Nabigo ka lang dahil may nak
“I'm leaving the country, mom. And please—just please don't do anything to make things worse. You and Sid have done enough damage already. Because if you do, I'm gonna get back to both of you, fair and square..."Are you threatening me? I am your mother, Victoria and I know what's good and what's not for you!""Don't use that mother card to me right now, mom. I'm not buying it anymore—not now. And do not ever tell me that you know what's good and what's not for me because you don't! And yes, you are my mother and right now, I am a mother too. So stop—just stop controlling my life already because I'm so done with it! Leave my fucking life alone!" Dalawang araw na rin ang nakakalipas simula nang madatnan niya si Taj sa apartment nito na may kasamang ibang babae. At wala rin siyang narinig o natanggap na kahit na anong balita mula rito. Kung gusto talaga siya nitong makausap ay p’wede nitong pakiusapan si Landon kagaya ng madalas nitong gawin. Masakit, sobrang sakit dahil ito ang unang b
“HON, NAIPAGTABI mo ba si Tori nong ginawa mong salad? Paborito niya’yon ‘di ba,”Tumigil sa ginagawang paglalagay ng dagdag ng mga plato si Cynthia nang marinig niya ang tanong na iyon ng asawa niyang si Raymond. Karga nito ang anak nilang si Kathleen na dalawang linggo pa lamang.Birthday ni Raymond kaya naghanda sila ng kaunti at isinabay na rin nila ang pasasalamat dahil maayos na nailuwal ni Cynthia ang anak nilang si Kathleen. Bukod sa mga kamag-anak ay imbitado rin ang ilang malalapit na kaibigan ng mag-asawa at mga ka-opisina. Isa kasing municipal engeneer si Raymond.“Oo naman, no,” aniyang muling itinuloy ang ginagawa. “Iyon pa ba naman ang makakalimutan ko, eh, ‘yong salad ko kaagad ang itinanong nong nag-usap kami nang nakaraang gabi.” malawak ang ngiti sa mga labi na aniya. Natutuwa si Cynthia na nagustuhan ni Tori ang patsambang salad na dinala niya minsan sa opisina nila. Ilang araw bago ang kanyang maternity leave ay naisipan niyang gumawa ng salad na pinaghalong pruta
Nakauwi na ang ibang bisita ng mag-asawang Cynthia at Raymond. Ang tanging natira na lamang ay ilang mga kamag-anak at ka-opisina ng mag-asawa na nag-iinuman at nagkakantahan.“Hon, darating pa ba si Tori?” tanong ni Raymomd kay Cynthia na kaagad namang tumango.“Oo, baka nga andito na iyon mamayang kaunti.”“Ano raw ba ang sabi? Nasaan na raw ba siya?” tanong na rin ni Oxygen. Alam niyang hinihintay ni Taj ang pagdating ng babae pero ayaw lang nitong magsalita kaya siya na ang nagtanong. “Ang huling sabi niya sa akin, eh, nasa pier na raw sila at kanina pa ‘yon.” “Sila?” hindi nakatiis at nagtatakang tanong ni Taj. “Ah, oo, Sir,” sagot ni Cynthia habang isinasayaw ang anak nitong tulog na tulog. “pero saglit lang daw rito. Idadaan lang daw niya ang anak niya sa bahay nila then tutuloy na sila rito.” dugtong niya.“Ay, kasama ni Tori ang anak niya…excited akong makita ang bata.” ani ni Sandra.“Hindi mo ba narinig?” sikmat ni Troy sa babae. “idadaan nga raw niya ang anka niya sa ba
PABABA NA SA DALA niyang sasakyan si Taj nang matanaw niya sa kabilang bahagi ng parking lot si Tori. Kaagad na umasim ang mukha niya nang makilala niya ang lalaking kasama nito pagkuwa’y dumako ang mga mata niya sa batang nakatalikod na inaalalayan ni Tori na maka-akyat sa kotse nito. Hindi alam ni Taj kung saan nanggaling ang kabang bigla na lamang sumalakay sa kanya. May bahagi ng pagkatao niya na gustong humakbang palapit sa bata, isang bagay na hindi niya maintindihan.“Hon, what’s wrong?” Napapitlag si Taj nang marinig niya ang boses ni Kara. Muntik na niyang makalimutan na kasama nga pala niya ang babae. Kasalukuyan silang nasa Kainan sa Manggahan, isang restaurant na nagse-serve ng mga authentic filipino foods. Kilala ang restaurant sa buong Guimaras, magiging sa Iloilo kung saan mayroon nang branch ang Kainan sa Manggahan.“Oh, nothing,” sagot niya kay Kara bago siya umikot patungo sa kabilang bahagi ng sasakyan para pagbuksan ng pinto ang babae. “let’s go…” aniya rito pagka
KUMUYOM ANG MGA PALAD ni Taj habang nagkikislutan ang mga bagang na tinitigan niya si Tori na blangko naman ang anyo na nakatingin sa kanya. Wala siyang makitang kahit na anong emosyon sa mukha nito at hindi rin niya mabigyan ng pangalan ang kakaibang kislap sa mga mata nito. Is it fear? Parang hindi naman kung pagbabasehan niya ang malamig nitong anyo. Galit ba ito? Pero bakit? Hindi ba't siya itong dapat na magalit dahil sa ginawa nitong pagtago sa anak nila.Damn it, pero araw-arawr silang magkasama sa opisina pero ni hindi nito nabanggit sa kanya ang tungkol sa pagkakaroon nila ng anak. All this time...Shit! Ano ba talaga ang nangyari noon? Kung gayon ay hindi ito nagsi-sinungaling nang sabihin nito sa lahat na hindi si Sid ang ama ng anak nito. All this time, isa palang Consunji-Sebastian ang bata!Ilang taon siyang nagmukhang tanga? Ni katiting ideya ay wala siyang alam na mayroon pala silang anak. Sa medya ba talaga itinatago ni Tori ang anak nila o sa kanya? But why? And how