Share

I THINK, I'M LOST

PABABA NA SA DALA niyang sasakyan si Taj nang matanaw niya sa kabilang bahagi ng parking lot si Tori. Kaagad na umasim ang mukha niya nang makilala niya ang lalaking kasama nito pagkuwa’y dumako ang mga mata niya sa batang nakatalikod na inaalalayan ni Tori na maka-akyat sa kotse nito. Hindi alam ni Taj kung saan nanggaling ang kabang bigla na lamang sumalakay sa kanya. May bahagi ng pagkatao niya na gustong humakbang palapit sa bata, isang bagay na hindi niya maintindihan.

“Hon, what’s wrong?”

Napapitlag si Taj nang marinig niya ang boses ni Kara. Muntik na niyang makalimutan na kasama nga pala niya ang babae.

Kasalukuyan silang nasa Kainan sa Manggahan, isang restaurant na nagse-serve ng mga authentic filipino foods. Kilala ang restaurant sa buong Guimaras, magiging sa Iloilo kung saan mayroon nang branch ang Kainan sa Manggahan.

“Oh, nothing,” sagot niya kay Kara bago siya umikot patungo sa kabilang bahagi ng sasakyan para pagbuksan ng pinto ang babae. “let’s go…” aniya rito pagka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status