Share

I'M GONNA FIGHT FOR YOU

MAGKASUNOD NA TUMIGIL sa harapan ng ancestral house ng mga Herrera ang kotseng sinasakyan ng ina ni Taj na si Alyssa kasama si Kara at ang pick-up truck na minamaneho ni Landon kung saan nakalulan sina Claudia at Oxygen. Halos magkasunod din silang bumaba mula roon.

“Mom, itigil mo ito, ano ba!?” pigil ni Claudia sa ina na tila wala namang narinig. Mabilis ang mga hakbang na naglakad ito papasok sa bakuran ng mga Herrera.

Bukas ang maliit na gate kaya malayang nakapasok ang babae kasunod si Kara na kalmadong-kalmado ang anyo ngunit sa loob ay lihim siyang nagbubunyi. Kapag kasi nakuha ng ina ni Taj ang anak ni Tori ay wala nang dahilan para muling magkalapit ang dalawa.

Eksaktong nakapasok na sila sa loob ng bakuran nang sabay silang mapatingin sa kalsada. Dinig kasi nila ang tunog ng paparating na sasakyan at sa bilis ng takbo niyon ay walang kalaban-labang nagliparan sa hangin ang mga alikabok.

“Oh, thank goodness!” bulalas ni Claudia nang makilala niya ang kulay pulang Land Rover n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status