Share

IT'S GOING TO BE ALRIGHT

“NASAAN na ang apo ko?” kaagad na bungad ni Alyssa Consunji-Lopez nang makarating ito sa bahay ni Taj.

Pasado alas-tres na ng hapon at abala ang lahat para sa gaganaping party para sa kaarawan ni Taj. Half day rin ang pasok sa opisina ng Sebastian Plantation kaya maagang umuwi ang mga empleyado samantalang ang iba naman ay nagpresentang tumulong sa pag-aayos ng malawak na solar sa harapan ng tatlong palapag na bahay ni Taj.

Tatlong taon na rin ang nakakalipas simula nang pumanaw ang kanyang Lolo Damian kaya silang dalawa na lamang ng kapatid niyang si Giorgia ang nakatira roon kasama ang dalawang kasambahay.

“Mom,” salubong ni Claudia sa bagong dating na ina. Hindi nito kasama ang asawang si Victor Lopez dahil kasalukuyang nasa Macau ang nnegosyante para sa isang malaking transaction na tiyak na makikinabang na naman ang Metropol casino, na pag-aari ng lalaki.

“Nasaan na ang Kuya mo?” tanong ni Alyssa sa anak habang umiikot ang mga mata sa paligid at nang hindi makita ang hinahanap ay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status