Share

MESS

NANG MARINIG ni Tori ang mga ingay na nagmumula sa labas ng bahay nila ay kaagad niyang hinawakan ang kamay ni Hajie saka niya ito binuhat. Bago siya tuluyang umakyat sa hagdan ay tiningnan niya si Wanji at tinanguan. Mabilis namang nakaunawa ang lalaki dahil tumango lang ito bilang tugon bago tumalikod at naglakad patungo sa main door.

“Let’s go to our room first, love,” mahina ang boses na sabi ni Tori sa anak.

Tumango naman ang apat na taong si Hajie bago nito ipinulupot ang maliliit na mga braso sa leeg ng ina.

“Okay, Mama.” ani ng bata saka isinandal ang ulo sa kanyang balikat habang hawak sa isang kamay ang laruang robot.

Walang pagmamadaling umakyat sa hagdan si Tori habang karga ang anak. Mukha wala siyang na siyang choice kundi ipakilala na si Taj kay Hajie sa mismong araw na iyon. Ayaw niyang maipit ang anak niya sa iringan nilang dalawa ng dating asawa. At tila balak pang dumagdag sa sakit ng ulo niya ang ina ng lalaki kung pagbabasehan niya ang pagsugod nito sa bahay nila.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status