Share

GLIMPSE OF THE PAST 3(I NEED YOUR HELP)

ISANG linggo na rin simula nang makalabas ng hospital si Tori at sa loob ng mga araw na nagdaan ay nanatili lamang siya sa loob ng bahay, hindi dahil gusto niya kundi dahil bantay-sarado siya ng Mommy niya. Lumuwas din ng Manila ang Uncle Ansen niya kasama ang boyfriend nitong si Uncle Mon kaya mas lalo siyang nahirapang makatakas.

Gustong magtampo ni Tori kay Taj dahil ni hindi siya nito sinubukan puntahan o kumustahin man lang. Gayun pa man ay gusto niya pa ring bigyan ng dahilan kung bakit hindi man lang siya nagawang dalawin ng asawa. Marahil ay galit ito sa kanya dahil sa mga balita. Wala siyang ideya sa iba pang kasinungalingang hinabi ng kanyang ina dahil maging ang panonood ng TV ay ipinagbawal din sa kanya. Ipinatanggal ng Mommy niya ang TV na nasa loob ng kuwarto niya. Ni hindi rin siya makahawak ng cellphone. Kinasabwat pa nito ang mga nakapaligid sa kanya kaysa mas lalong hindi siya makakilos.

Simula nang lumabas siya nang hospital ay hindi pa ulit sila nag-usap ng Mommy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mae Nen Aurita
apaka tagal ng update...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status