Share

GLIMPSE OF THE PAST 7(HOW COULD YOU?)

“WILL YOU BE OKAY HERE?”

Mula sa pagtanaw sa labas ng bintana ay lumingon si Tori para tingnan si Everett. Nasa loob pa rin sila ng sasakyan nito at kasalukuyang nakaparada sa tapat ng apartment ni Taj. Alam ni Tori na nasa loob ang asawa dahil naroon sa garahe ang secondhand na kotseng ipinahiramm dito ni Landon.

Ngumiti ng tipid si Tori bago tumango. “Yeah…I’ll be fine,” turan niya habang mahigpit na nakahawak ang kamay sa suot niyang seatbelt.

Napatitig si Everett kay tori pagkuwa’y isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawala. Labis ang pag-aalala niya para sa babae. Sana lang ay maging maayos na ang lahat pagkatapos nitong mag-usap ng lalaking mahal nito.

Isang pinong kirot sa puso ang nadama ni Everett nang sumagi sa kanyang isipan ang naging pag-uusap nila ni Tori. Ah, ano ba itong iniisip niya? Malinaw sa kanya ang lahat at tanggap niya iyon.

‘Pero valid naman siguro na makaramdam ka ng sakit, tama? After all, umasa ka na magiging kayo. Nabigo ka lang dahil may nak
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status