Share

GLIMPSE OF THE PAST 2(I GAVE HER MY NAME)

NANG MULING idilat ni Tori ang kanyang mga mata ay sinalubong siya ng kulay puting kapaligiran. Nangunot ang kanyang noo lalo na nang mapuno ng amoy ng gamot ang ilong niya. Natigilan siya saka niya naalala ang huling nangyari bago siya nawalan ng malay.

"Taj!" bulalas ni Tori bago siya mabilis na bumalikwas ng bangon para lang muling mapabalik sa higaan nang may mga kamay na pumigil sa kanya.

"Relax lang ho kayo, Miss Herrera," anang malambing na tinig ng isang babae. Nang tingnan niya ito ay saka niya napagtanto na nurse pala ang pumigil sa kanya.

"No, kailangan kong makalabas," turan niya habang nagpupumilit na makabangon. "I need to talk to my husband." dugtong pa niya na tinugon naman ng nurse ng malawak na ngiti.

"Ah, huwag ho kayong mag-alala," Ani ng nurse habang inaayos ang pagkakahiga niya. "babalik po siya. May kinausap lang ho sa labas."

Natigilan si Tori at naguguluhang napatitig sa nurse. Ano ang ibig nitong sabihin? Alam na ba ng Mommy niya ang tungkol sa kanila ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status