Share

STRUGGLING, BROKEN, LOST, AND SCARED

Pagkagaling ni Tori sa press conference ay tumuloy siya sa suking flower shop para bumili ng bulaklak. Kagaya ng kanyang inaasahan ay nakahanda na ang mga bulaklak na maayos na naka-arrage sa yantok na basket. Pinaghalong matingkad na kulay pula at puti ang mga iyon na siyang madalas niyang bilhin simula pa noong umuwi siya sa Pilipinas.

"Magandang araw, Miss Herrera," may magiliw na ngiti sa mga labi na bati ng may-ari ng flower shop kay Tori nang pumasok siya sa loob.

Kasalukuyang nag-aayos ng mga bulaklak ang babaeng marahil ay nasa kuwarenta mahigit na ang edad. Kaagad nitong itinigil ang ginagawa nang tumunog ang wind chime at nang malingunan si Tori ay mabilis siya nitong sinalubong.

"Magandang araw din ho sa inyo, Mrs. Torres," tipid ang ngiti sa mga labi na tugon naman niya sa kaharap.

"Nakahanda na ang mga bulaklak mo," ang sabi ni Mrs. Torres bago niya sinenyasan ang babaeng ilang taon na rin niyang katu-katulong sa shop. "Aida, 'yong order ni Miss Herrera," aniya rito
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status