Share

EGGS AND HOTDOGS

NATITIGILANG umikot ang mga mata ni Tori sa paligid. Kumunot ang kanyang noo nang makumpirmang naroon na siya sa kanyang silid. What happened? Ang huling tanda niya ay naglalakad siya palabas ng Sebastian Plantation at—

Si Taj!

Mabilis na bumangon mula sa pagkakahiga si Tori nang sumagi sa kanyang isipan ang lalaki. Binuhat ba siya nito? Dahil sa isiping iyon ay napatayo siya at nagmamadaling naglakad palabas ng kanyang silid. Ni hindi na niya nagawang isinuot ang kanyang pambahay na tsinelas dahil sa sobrang pagmamadali. Halos patakbo siyang bumaba ng hagdan at nang makarating sa ibaba ay kaagad niyang hinanap ang dating asawa ngunit ni kapirasong anino nito ay hindi niya nakita maging sa kusina at sa labas ng bahay.

'What do you expect?' Untag ng isang bahagi ng kanyang isipan.

Nasapo ni Tori ang kanyang noo. Ano ba ang iniisip niya? Bakit parang umaasa siyang makikita niya si Taj pagkababae niya? Nagpapadala na naman siya sa kanyang katangahan. Hinatid lang siya ng lalaki ay muk
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status