Share

REHEARSAL

"TORI, may tatlong araw ka na lang, baka nakakalimutan mo!"

Napapangiwi si Tori habang nakikinig sa walang katapusang litanya ng choreographer niyang si Zeus. Tama naman ito. Tatlong araw na lang ang natitira sa kanya bago ang mismong araw ng comeback concert niya sa Polaris Stadium.

"Oo na, ito nga. Nagbihis lang, eh," aniyang sinadya pang lambingan ang tinig habang nilalagay sa loob ng kanyang sports bag ang mga hinubad na damit.

Alas-onse y media na ng tanghali at lunch time na nila sa Sebastian Plantation pero sa halip na tumuloy sa canteen para kumain ay dumiretso si Tori sa comfort room para magbihis ng baon niyang jogger pants, maluwag na white t-shirt at sneakers. Hindi pa naman siya nagugutom kaya mamaya na lang siya kakain.

"Asus!" naka-ismid na turan ni Zeus kay Tori. Magkausap silang dalawa via video call sa iChat. "Buti pinayagan ka ni Taj Sebastian na mag-rehearse diyan." nakangusong ani pa ng choreographer.

Itinali ni Tori ang kanyang buhok sa likod at nang masigurong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status