Share

PATIENCE

PANAY ang sulyap ni Tori sa suot niyang relo. Alas-otso y media ang flight niya patungo sa Manila kaya dapat ay nasa Iloilo na siya ng alas-sais at halos alas-kuwatro na ng hapon. Malapit na ang out nila.

"Tori,"

Nag-angat ng paningin si Tori at napatingin kay Cynthia na nakangiwi ang mukhang itinuro ang pinto ng opisina ni Taj. Mag-iisang linggo na siyang nagta-trabaho sa Sebastian plantation at kagaya ng kanyang inaasahan ay hindi naging madali ang lahat. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay palaging may nakikitang mali si Taj sa ginagawa niya. At tiyak niyang kaya siya ipinapatawag ng lalaki ngayon ay may nakita na naman itong palpak sa trabaho niya kaya malapit na ring maubos ang kanyang pasensiya.

Huminga siya ng malalim bago tumayo. "Galit ulit?" tanong niya kay Cynthia na napakamot na lang sa ulo bago tumango.

Sa loob ng ilang araw na nakasama niya ang babae ay naging magkasundo na silang dalawa. Nakakalungkot lang dahil huling araw na ni Cynthia sa trabaho. Na-extend ng ilan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status