Share

WOUNDED

MALAKAS ang buhos ng ulan sa labas na sinundan pa ng malalakas na kulog at pagguhit ng matatalim na kidlat sa kalangitan, ngunit hindi iyon sapat na dahilan para hindi mahagip ng paningin ni Oxygen ang pigurang nasa labas ng bahay nila. Kasalukuyan siyang nasa tapat ng bintana ng kanyang silid na nakaharap naman sa kalsada. Nasa loob ng banyo ang asawa niyang si Lorie habang siya naman ay nanonood ng panggabing balita nang makarinig siya ng sunod-sunod na tunog ng doorbell.

Sinulyapan niya ang relong nakasabit sa dingding at nang makita niyang halos mag-alas dos na ng madaling-araw ay napuno ng pagtataka ang isip niya. Hinawi ni Oxygen nang mabuti ang makapal na kurtina para matingnan kung tama ba ang nakikita niya. Sumilip siya sa labas ngunit dahil sa lakas ng ulan ay hindi na halos niya makilala ang tao sa labas kahit pa nakasindi ang ilaw sa tabi ng gate na bakal.

Naniningkit ang mga matang mas lalo pang sinipat ni Oxygen ang pigurang nakatayo sa labas ng bakod nila. Bahagya pa si
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mirasol Andales
pa unlock pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status