Share

IT'S OVER

"THAT was great, Tori!" malapad ang ngiti sa mga labi na puri kay Tori ng manager niyang si Ember.

Nakasunod ito sa kanya at ang iba pang staffs habang naglalakad sila palabas ng studio ni Crizzan, ang kilalang TV host at siya ring publicist ni Tori simula nang bumalik siya sa Pilipinas a month ago.

"Just take me back to my house, please," walang ganang sabi ni Tori sa manager na kaagad namang natigilan. "I'm tired, Ember." dugtong niyang pilit na pinapatatag ang boses kahit ang totoo ay kanina pa niya gustong bumigay.

Naroon sila sa R4 network dahil kailangan ni Tori na sagutin ang lahat ng mga katungang ibinabato sa kanya ng marami. At kagaya ng inaasahan ay tila kabuteng biglang nagsulputan ang mga bashers niya na mabilis na sinamantala ang pagkakataon. Ah, para siyang ibinalik sa eskandalong kinasangkutan niya limang taon na ang nakakaraan.

"Okay, okay..." sang-ayon ni Ember habang nakasunod pa rin kay Tori.

Nang tuluyang makalabas ng dumiretso na sila sa elevator at bumaba sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status