Share

Kabanata 63

DIEGO POV

Takip ang palad sa bibig ni Danica habang pigil ang paghagulgol.

"Diego... anong nangyari sa'yo? Nasaan si Vianna May?" tanong ni Danica, habang yakap na ako.

Hindi kaagad ako nakasagot. Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Bumaling ang tingin ko kay Nelson na pasimpleng nagpunas ng mga luha kasabay ng pag-iwas ng tingin.

Gusto ko sanang magtanong kung bakit nandito ang pinsan ko? Kung bakit niya sinabi na nandito ako? Alam naman niya na ayokong mag-alala ang pamilya ko. Ayokong sabihin sa kanila ang kalagayan ko. Ang kalagayan namin ng asawa ko.

Gusto kong makuha ang sagot niya, mabasa man lang sana sa mga mata niya ang kasagutan, pero agad siyang nag-iwas ng tingin.

Niyakap ko na lamang ang pinsan kong humahagulgol pa rin at ayaw na akong pakawalan. Kasabay din no'n ang pagpatak ng luha ko na agad ko namang pinahid.

Hangga't maari ayokong makita niya ang hinagpis ko. Ang sakit na nararamdaman ko, pero hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ba na magtapang-tapangan.

"D
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nan
Mabuti Kong Ang doctora Ang magsasabi Kay Deigo Kong saan tinago ni Romeo si Vienna May at maligtas na ito excited Ako sa next update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status