Share

Chapter 112

Pinunasan ni Martin ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata ni Andrea matapos nilang maghiwalay sa pagkakayakap. Ginawaran niya ito ng matamis na ngiti. Ganoon rin naman ang ginawa ni Andrea kay Martin. Ngumiti rin siya rito.

"Iyon lang ba ang sasabihin mo sa akin, Martin? Iyon lang ba ang dahilan kung bakit gusto mo na magkita tayo ngayong hapon na 'to dahil sa gusto mo na humingi ng tawad sa akin, huh? Iyon lang ba 'yon, huh?" tanong pa ni Andrea sa kanya na namamaos ang boses.

Martin gasped for air and said, "Hindi lang 'yon ang dahilan kung bakit ko gusto na magkita tayong dalawa, Andrea. May iba pa, eh. May iba pa akong sasabihin sa 'yo na importante."

"Ano pa 'yon, huh? Ano pa ang ibang sasabihan mo sa akin, Martin?" tanong ni Andrea kay Martin.

Muling nagpakawala muna nang malalim na buntong-hininga si Martin bago sumagot kay Andrea.

"'Wag kang magugulat o mabibigla sa sasabihin ko sa 'yo, Andrea. 'Wag ka ring magtataka, okay?" mahinang sagot ni Martin sa kanya.

"Bakit naman?
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status