Papalabas na sana si Gretta mula sa restroom nang makarinig siya ng dalawang babae na nagtatalo papasok doon. Pamilyar sa kanya ang boses na naririnig niya. Siguradong-sigurado siya na sina Ella Marie at Clarissa 'yon. Makakasalubong niya ito papalabas kaya ang ginawa niya ay bumalik siya sa cubicle na nasa dulo at sinara 'yon. Narinig ni Gretta na pabagsak na sinara ang pinto ng restroom na 'yon. Ikinalma niya ang sarili niya at tumahimik sa loob ng cubicle na 'yon."I couldn't believe that you would do this to me, Clarissa. Akala ko ba ay magkaibigan tayo?! Bakit mo nagawa 'to, huh?!" humihikbing singhal ni Ella Marie kay Clarissa na matalim na nakatingin sa kanya. "Wala akong ginagawang masama sa 'yo, Ella Marie!" tugon ni Clarissa kay Ella Marie. "Will you please keep your mouth shut?!" "Ano'ng wala kang ginagawang masama?! Naririnig mo ba ang sinasabi mo sa akin ngayon, Clarissa?! Sa tingin mo ba ay tama ang ginagawa mo, huh?! May girlfriend na 'yung tayo tapos ganoon ang ginag
"Kanina ka pa ba na babae ka d'yan sa loob, huh?!" matigas na tanong ni Clarissa kay Gretta na matapang na hinarap siya. Tinaasan niya ito ng kanyang dalawang mga kilay at saka sinagot ito."Oo. Kanina pa ako nasa loob ng cubicle na 'yan, Clarissa. Rinig na rinig ko ang lahat sa inyo ni Ella Marie. Wala akong pakialam sa kung ano man ang ginawa mong kasalanan sa kanya! Ang kailangan ko lang ay ang tungkol sa ginawa mong paninira sa kaibigan ko na si Andrea! Napakawalang hiya mo rin, 'no?! Napakasama mo! Ikaw lang naman pala ang may gawa ng kasalanan na 'yon na sa kaibigan ko pa binibintang ng lahat! Tama si Ella Marie na napakawalang puso mo kahit kailan! Wala kang puso, Clarissa. Ang sama ng ugali mo!" bulyaw ni Gretta kay Clarissa. Galit na galit siya dito kaya isang malakas na sampal ang pinakawalan niya dito. Sasampalin rin sana siya ni Clarissa ngunit nahawakan niya ang kamay nito kaya hindi nito nasampal siya. Nagsukatan sila ng masamang tingin sa isa't isa. "May karapatan akon
Sinabi rin ni Gretta ang mga narinig niya sa loob ng restroom kanina kay Andrea bago sila pumasok muli sa loob ng department nila. Hindi makapaniwala si Andrea sa nalaman niya na 'yon. Napamura tuloy siya sa harap ni Gretta."Napakawalang hiya talaga ng babaeng 'yan kahit kailan. Mismong kaibigan niya ay ginawan niya ng kasamaan. Ang sarap kalbuhin ng babaeng 'yan. Nanggigigil ako sa sobrang galit sa kanya sa mga nalalaman ko. Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang babaeng 'yan," sabi ni Andrea sa harap ni Gretta na ganoon rin ang nararamdaman. They're both mad at her. "I agree with you, Andrea. Kung puwede lang talaga na gawin 'yon at wala tayo sa loob ng kompanya na 'to ay ginawa na natin 'yon sa sobrang galit na nararamdaman natin sa kanya. Hindi naman natin puwedeng gawin 'yon dahil baka mas lalong magkagulo at mawalan tayo ng trabaho. Matanggal tayo dito. Nasampal ko rin naman ang babaeng 'yon bago ka dumating kanina. Sasampalin sana niya ako pabalik ngunit hindi naman nangyari 'yon
Pagkarating na pagkarating pa lang ni Andrea sa bahay nila ay hindi na niya maipaliwanag ang ngiti sa mga labi ng mga magulang niya. She could feel something towards them. Nararamdaman niya na mukhang magandang balita ang sasabihin nito sa kanya. Pinaupo muna siya nito sa sofa na nasa sala nila. Magkatabi ang mga magulang niya habang nakaharap siya dito."Bakit masayang-masaya po kayo ngayon? Ano po ba'ng nangyari?" tanong ni Andrea sa mga magulang niya na nagkatinginan muna bago nagsalita sa kanya. "Pumunta kanina dito si Martin," anunsiyo ni Merla na ina niya sa kanya na ikinamilog ng mga mata niya. "S-sigurado po ba kayo? Pumunta dito si Martin kanina?" hindi makapaniwalang tanong ni Andrea kay Merla na kaagad naman na tumango sa kanya para kumpirmahin na totoo ang sinabi niya na pumunta sa bahay nila kanina si Martin."Oo. Pumunta siya dito kanina. Siguro mga pasado alas dos ng hapon. Hindi ka ba niya sinabihan na pupunta siya dito sa bahay natin, huh?" untag ni Merla sa kanya.
Tinawagan kaagad ni Andrea si Martin nang matapos silang mag-usap ng mga magulang niya sa sala. Nasa loob na rin siya ng kuwarto niya. Sinagot naman siya kaagad ni Martin."Hi, Andrea. Kumusta ang araw mo ngayon sa trabaho?" tanong ni Martin sa kanya pagkasagot nito ng tawag niya. Kakasagot pa lang nito sa tawag niya ay kinikilig na siya pagkarinig sa boses nito. Segundo muna ang lumipas bago sumagot kay Martin sa kabilang linya. Hindi naman niya puwedeng sabihin ang nangyari kanina kaya ang sasabihin niya lang ay ang nararapat niyang sabihin dito. "Maayos naman ang naging araw ko ngayon. E, ikaw? Kumusta pala?" sagot nga niya kay Martin na narinig niyang humugot nang malalim na buntong-hininga."Okay naman ako. Naging maayos naman ang araw ko ngayon," nakangising sagot ni Martin sa kanya kahit hindi sila magkaharap. She could feel that he's smiling at that moment."Ganoon ba?""Yeah. Ba't ka pala napatawag? Nami-miss mo ako? Tatawagan na sana kita kaso naunahan mo na ako pero masaya
Pagkabukas pa lang ni Andrea sa pinto ng bahay nila para lumabas kinaumagahan ay natanaw kaagad niya ang sasakyan ni Martin sa labas. Naghihintay na ito sa kanya. Sinabihan kasi siya ni Martin kagabi bago sila matapos sa pag-uusap nila sa kabilang linya na ihahatid siya nito. Tinupad naman nito ang ipinangako sa kanya kagabi kaya nandito ito sa harap ng bahay nila na naghihintay sa kanya. Hindi maalis ang ngiti sa kanyang mga labi nang magkaharap na silang dalawa. Kaybilis na naman ng tibok ng puso niya pagkakita sa lalaking minamahal niya na aabot hanggang tainga rin ang ngiti na iginawad sa kanya."Hi, Andrea. Good morning! How's your sleep last night?" bati nga nito sa kanya na nakangisi kagaya niya. "Good morning too! Mahimbing naman akong nakatulog kagabi. Kanina ka pa ba naghihintay sa akin dito sa labas ng bahay namin, huh?" bati rin ni Andrea sa kanya na hindi pa rin maalis ang ngiti sa mga labi. Tinanong niya si Martin kung kanina pa ito naghihintay sa kanya. Ang aga nito ng
"Hiwalay na sina Ella Marie at Mr. Rodriguez. Nakipaghiwalay kahapon si Ella Marie sa kanya. Kalat na kalat na ang balitang 'yon dito sa loob ng kompanya na pinagtatrabauhan natin. Ngayon nga ay naghahanap ng panibagong secretary si Mr. Rodriguez dahil wala na siyang secretary," mahinang sagot ni Gretta kay Andrea."A-ano? Bakit naman siya naghahanap ng panibagong secretary? Hiwalay lang silang dalawa ni Ella Marie ngunit bakit kailangan na—" "Ella Marie resigned yesterday. Kasabay ng paghihiwalay nilang dalawa ang pagre-resign niya kahapon dahil sa nangyaring 'yon, Andrea. Hiwalay na nga silang dalawa. Nag-resign na rin si Ella Marie sa kanyang trabaho bilang secretary nito," paliwanag ni Gretta kay Andrea na kaibigan niya na hindi makapaniwala sa kanyang mga naririnig ngayon. Napatakip si Andrea ng kanyang bibig gamit ang isang kamay niya. May pagkadismaya sa kanyang mga mata."Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayaring 'to ngayon, Gretta. Masayang-masaya ako dahil sa nangyayari sa
Nalaman na ni Gretta kung bakit pinatawag si Andrea dahil sinabi 'yon nito pagkarating sa department nila. Tahimik lang silang dalawa na nag-uusap doon habang nagtatrabaho. Sinabi rin niya na may dinner date sila mamayang gabi ni Martin."So iniingit mo na ako ngayon na may dinner date kayong dalawa ni Martin?" wika ni Gretta sa kanya. Nagbibiro lang naman siya sa kaibigan niya. Napakagat labi tuloy si Andrea."Of course not. Hindi kita iniingit, 'no? Maiinggit ka pa ba n'yan sa amin, eh, may boyfriend ka naman, 'di ba?" tugon ni Andrea sa kanya. "Hindi naman kainggit-inggit ang gagawin namin na dinner date, eh. Kayo ang nakakainggit n'yan ng boyfriend mo at hindi kami." Tumawa tuloy si Gretta sa kanya. "Alam ko naman 'yon. Nagbibiro lang naman ako, eh. May date rin kaming dalawa ng boyfriend ko mamaya. Hindi ka lang ang may date mamaya. Meron din ako, 'no?" nakangising sagot ni Gretta sa kanya. Tumawa lang si Andrea sa kanya."Baka bukas n'yan ay malaman ko na sinagot mo na siya. Ma