"Hindi naman sa ganoon. Pumayag ka na kasi na mag-dinner tayong tatlo mamaya. 'Wag ka nang mag-inarte pa. Chance na 'to para magkakilala kami sa personal ni Martin na lalaking naka-devirginize sa 'yo. Ang suwerte mo talaga, Andrea," nakangusong sagot ni Gretta kay Andrea. Wala namang nagawa si Andrea pa kundi ang pumayag na lang na mag-dinner silang tatlo mamaya. She took a deep sigh and slowly opened her mouth to speak to her friend Gretta who is waiting for her answer."Okay, fine. Papayag na ako na mag-dinner tayo mamaya kasama ka. Alam mo kung hindi lang sa 'yo ay hindi naman ako papayag na mag-dinner kami mamayang gabi kasama ka," sagot ni Andrea kay Gretta. Pumayag na rin siya sa wakas. Tuwang-tuwa naman si Gretta nang marinig niya ang sinabi ng kaibigan niya na si Andrea tungkol sa pagpayag nito na mag-dinner sila mamaya kasama si Martin."Very good, Andrea. Sa wakas ay pumayag ka na mag-dinner tayo kasama si Martin. Excited na akong makita siya mamaya. Magkakaharap na rin kam
Habang kumakain silang dalawa na magkaibigan ng lunch sa labas ay hindi pa rin nawawala ang inis na nararamdaman ni Gretta tungkol sa sinabi ni Antonette na mapo-promote si Clarissa for a higher position. She couldn't believe it."Kahit walang confirmation 'yon ay malakas ang kutob ko na totoo ang sinasabi ni Antonette. Hindi lang 'yon basta-basta tsismis lamang, Andrea. Totoong-too 'yon! I couldn't believe na Ang isang kagaya ni Clarissa na palaging late at wala namang ginagawa sa loob ng opisina ay mapo-promote na mabigyan ng mataas na position sa loob ng kompanya na 'to. Hindi ako makakapayag na mangyari 'yon. Unfair naman 'yon sa mga kagaya natin na nagtatrabo ng maayos tapos siya na papetik-petiks lang ay mapo-promote into a higher position. It can't be. She doesn't deserve to be promoted for a higher position. Alam mo 'yan, Andrea. Iyon ang ikinaiinis ko. Actually, hindi lang ikinaiinis ko, eh. Nagagalit ako. Iyon ang pinuputok ng butse ko ngayon. Kung kailangan na magprotesta t
Nakita sila ni Ella Marie na may kasamang lalaki. Kasama nito ang kaibigan na si Clarissa. Gusto sana ni Ella Marie na lapitan sila ngunit hindi na nito ginawa dahil kasama nito si Clarissa na alam niya na galit sa dalawang magkaibigan. Mabilis naman silang pumasok sa sasakyan ni Clarissa at pinaharurot 'yon palayo sa lugar na 'yon."Si Ella Marie 'yon, 'di ba? Nakita niya kaya tayo?" tanong ni Gretta kay Andrea habang si Martin ay sinunsundan pa rin ng tingin ang sasakyan na sinakyan ni Ella Marie kasama ang kaibigan nito.Kaagad naman na tumango si Andrea sa harap ng kaibigan niya. "Siya nga 'yon. Kasama niya ang kaibigan niya na bruha," nakangusong sagot ni Andrea. Kinukumpirma niya na si Ella Marie nga 'yon at wala nang iba pa."Nakita niya kaya tayo?" tanong pa ni Gretta kay Andrea na napakibit-balikat bago sumagot sa kanya. "Hindi ko alam kung nakita niya tayo. E, ano naman kung nakita niya tayo? Wala namang problema, 'di ba?" tugon ni Andrea sa kaibigan at napatingin kay Marti
Um-order ng maraming pagkain si Martin sa restaurant na kinainan nila ng dinner kasama ang dalawang magkaibigan na sina Andrea at Gretta para ibigay 'yon sa mga taong nasa kalye na hindi pa kumakain ng dinner. Pumunta rin sila sa isang fast-food chain para um-order rin ng ibang mga pagkain na ibibigay nila. Tulong-tulong naman silang tatlo. Nang makumpleto na nila ang ipamimigay nilang pagkain ay simulan na nilang ibigay 'yon isa-isa sa mga taong nasa kalye. Binigyan lang nila ang mga taong walang makain. Pati ang mga nakatira sa ilalim ng tulay ay binigyan nila. May iilan rin na mga matatanda na sa kalye natutulog na binigyan ni Martin ng pera. Hindi lang pagkain ang ibinigay niya kundi pera na kailangan nito. Hindi mapigilan ng mga matatanda na hindi mapaluha sa kabutihan na ibinigay ni Martin sa kanila. Hindi rin maiwasan nina Andrea at Gretta ang maluha sa nakikita nila. Nadudurog ang puso nila sa nakikita na may mga matatanda na namamalimos para lang mabuhay na sa kalye na rin n
"May narinig kasi kami ng papa mo na paparating na sasakyan na huminto sa tapat ng bahay natin. Nang silipin namin ay nakita namin na kayo ngang dalawa ang nandito sa tapat ng bahay natin kaya lumabas na kami. Hindi mo man lang ba kami ipakikilala sa kasama mo, Andrea?" wika ni Merla sa anak niya na si Andrea. Muling nagkatinginan sina Andrea at Martin pagkasabi ni Merla. Humugot nang malalim na buntong-hininga si Andrea bago niya ibinuka ang kanyang bibig para magsalita sa kanyang mga magulang na hinihintay ang sagot niya."Puwede po na sa loob na lang tayo mag-usap? Nakakahiya naman po kung dito tayo sa labas mag-uusap," sagot ni Andrea kay Merla. Humarap siya kay Martin at nagsalita, "Okay lang ba sa 'yo na pumasok ka muna sa bahay namin? Wala ka naman sigurong lakad ngayon, 'di ba?" Kaagad naman na tumango si Martin kay Andrea at nagsalita, "Okay lang naman sa akin, eh. Wala naman na akong lakad pa ngayong gabi na 'to. Uuwi na rin ako sa condo unit pagkatapos."Kung si Andrea ang
"Hindi po ako magkaka-interes sa magiging anak ko. Hindi nangangahulugan na nag-donate ako ng semilya sa kanya at nagkaroon kami ng anak na dalawa ay magkaka-interes na ako sa bata. Hindi 'yon ganoon, hindi ko gagawin 'yon. Tumutulong lang naman ako sa kanya at hanggang doon lang 'yon. Wala po 'yon sa kasunduan namin na magkaka-interes ako sa magiging anak namin. Sooner or later ay magkakaroon rin po ako ng sariling pamilya. Magkakaroon po ako ng anak sa babaeng mapapangasawa ko. Kailanma'y hindi ko na po pakikiaalaman pa o pagkakainteresan ang magiging anak namin kahit sabihin na galing ang batang 'yon sa akin. Wala na po 'yon sa akin pagkatapos ng lahat ng 'to,'' paliwanag ni Martin sa kanila lalo na sa ina ni Andrea na nais na marinig 'yon na sagot niya. Habang sinasabi 'yon ni Martin ay hindi maiwasan ni Andrea na hindi makaramdam ng kirot sa puso niya na hindi niya malaman kung bakit ganoon. Siguro dahil sa siya lang ang mag-isang bubuhay sa magiging anak niya. Nand'yan naman ang
"Huh? Ano'ng ibig mong sabihin ng hindi inaasahan? Ano'ng ibig sabihin nun, huh?" nakakunot noo pa rin na tanong ni Andrea sa kaibigan niya na si Gretta na patawa-tawa lang sa harap niya. Nagpakawala muna ito nang malalim na buntong-hininga at saka nagsalita sa kanya."Ang ibig kong sabihin ay kung hindi kayong dalawa nag-sex muli kagabi. Iyon ang ibig kong sabihin na hindi inaasahan. Hindi ba n'yo ginawa 'yon, huh? Kayong dalawa na lang ang magkasama, 'di ba?" sagot ni Gretta kay Andrea."Ano ba'ng pumapasok sa isipan mo at ganoon ang tanong mo sa akin, huh? Sa tingin mo ba gagawin 'yon namin kagabi? Of course not. Hindi namin ginawa 'yon, 'no? Gretta, ikaw ha lumalabas na ang pagiging mahalay mo. Kahit hindi naman nangyayari ay iniisip mo!" singhal ni Andrea sa kaibigan."Grabe ka naman kung makapagsalita ka na lumalabas na ang pagiging mahalay ko. Grabe ka naman, Andrea. I hate you na! Hindi mo naman kasi masisisi kung ganoon ang naiisip ko. Posible naman kasi na mang
Tatlong araw na ang lumipas ngunit wala pa ring paramdam si Martin kay Andrea. Nakakapanibago lang na hindi na 'to tumatawag sa kanya para kumustahin ang ginagawa niya para magkalapit silang dalawa ni Ella Marie. Ni pinadalhan siya ng text messages ay wala siyang matanggap mula kay Martin. Tinatawagan niya ito ngunit hindi naman sinasagot ang tawag niya. Palaging naririnig niya ay out of coverage ang cell phone nito. Hindi tuloy maiwasan na hindi makaramdam ng lungkot si Andrea. Pakiramdam pa niya ay para bang may kulang sa araw niya. Kahit hindi niya nakikita si Martin basta nakakausap niya ito sa kabilang linya ay nawawala na ang lungkot niya, hindi kagaya ngayon na kulang na lang ay mabaliw siya. Hindi niya malaman kung ano'ng nangyayari sa binata. Gusto niyang malaman kung okay lang ba 'to. Nagiging matamlay tuloy siya.Napansin ni Gretta na tahimik lang siya simula pagpasok niya kaninang umaga."Ang tahimik mo ngayon, Andrea. Okay ka lang ba, ha?" tanong ni Gretta kay Andrea ha