Um-order ng maraming pagkain si Martin sa restaurant na kinainan nila ng dinner kasama ang dalawang magkaibigan na sina Andrea at Gretta para ibigay 'yon sa mga taong nasa kalye na hindi pa kumakain ng dinner. Pumunta rin sila sa isang fast-food chain para um-order rin ng ibang mga pagkain na ibibigay nila. Tulong-tulong naman silang tatlo. Nang makumpleto na nila ang ipamimigay nilang pagkain ay simulan na nilang ibigay 'yon isa-isa sa mga taong nasa kalye. Binigyan lang nila ang mga taong walang makain. Pati ang mga nakatira sa ilalim ng tulay ay binigyan nila. May iilan rin na mga matatanda na sa kalye natutulog na binigyan ni Martin ng pera. Hindi lang pagkain ang ibinigay niya kundi pera na kailangan nito. Hindi mapigilan ng mga matatanda na hindi mapaluha sa kabutihan na ibinigay ni Martin sa kanila. Hindi rin maiwasan nina Andrea at Gretta ang maluha sa nakikita nila. Nadudurog ang puso nila sa nakikita na may mga matatanda na namamalimos para lang mabuhay na sa kalye na rin n
"May narinig kasi kami ng papa mo na paparating na sasakyan na huminto sa tapat ng bahay natin. Nang silipin namin ay nakita namin na kayo ngang dalawa ang nandito sa tapat ng bahay natin kaya lumabas na kami. Hindi mo man lang ba kami ipakikilala sa kasama mo, Andrea?" wika ni Merla sa anak niya na si Andrea. Muling nagkatinginan sina Andrea at Martin pagkasabi ni Merla. Humugot nang malalim na buntong-hininga si Andrea bago niya ibinuka ang kanyang bibig para magsalita sa kanyang mga magulang na hinihintay ang sagot niya."Puwede po na sa loob na lang tayo mag-usap? Nakakahiya naman po kung dito tayo sa labas mag-uusap," sagot ni Andrea kay Merla. Humarap siya kay Martin at nagsalita, "Okay lang ba sa 'yo na pumasok ka muna sa bahay namin? Wala ka naman sigurong lakad ngayon, 'di ba?" Kaagad naman na tumango si Martin kay Andrea at nagsalita, "Okay lang naman sa akin, eh. Wala naman na akong lakad pa ngayong gabi na 'to. Uuwi na rin ako sa condo unit pagkatapos."Kung si Andrea ang
"Hindi po ako magkaka-interes sa magiging anak ko. Hindi nangangahulugan na nag-donate ako ng semilya sa kanya at nagkaroon kami ng anak na dalawa ay magkaka-interes na ako sa bata. Hindi 'yon ganoon, hindi ko gagawin 'yon. Tumutulong lang naman ako sa kanya at hanggang doon lang 'yon. Wala po 'yon sa kasunduan namin na magkaka-interes ako sa magiging anak namin. Sooner or later ay magkakaroon rin po ako ng sariling pamilya. Magkakaroon po ako ng anak sa babaeng mapapangasawa ko. Kailanma'y hindi ko na po pakikiaalaman pa o pagkakainteresan ang magiging anak namin kahit sabihin na galing ang batang 'yon sa akin. Wala na po 'yon sa akin pagkatapos ng lahat ng 'to,'' paliwanag ni Martin sa kanila lalo na sa ina ni Andrea na nais na marinig 'yon na sagot niya. Habang sinasabi 'yon ni Martin ay hindi maiwasan ni Andrea na hindi makaramdam ng kirot sa puso niya na hindi niya malaman kung bakit ganoon. Siguro dahil sa siya lang ang mag-isang bubuhay sa magiging anak niya. Nand'yan naman ang
"Huh? Ano'ng ibig mong sabihin ng hindi inaasahan? Ano'ng ibig sabihin nun, huh?" nakakunot noo pa rin na tanong ni Andrea sa kaibigan niya na si Gretta na patawa-tawa lang sa harap niya. Nagpakawala muna ito nang malalim na buntong-hininga at saka nagsalita sa kanya."Ang ibig kong sabihin ay kung hindi kayong dalawa nag-sex muli kagabi. Iyon ang ibig kong sabihin na hindi inaasahan. Hindi ba n'yo ginawa 'yon, huh? Kayong dalawa na lang ang magkasama, 'di ba?" sagot ni Gretta kay Andrea."Ano ba'ng pumapasok sa isipan mo at ganoon ang tanong mo sa akin, huh? Sa tingin mo ba gagawin 'yon namin kagabi? Of course not. Hindi namin ginawa 'yon, 'no? Gretta, ikaw ha lumalabas na ang pagiging mahalay mo. Kahit hindi naman nangyayari ay iniisip mo!" singhal ni Andrea sa kaibigan."Grabe ka naman kung makapagsalita ka na lumalabas na ang pagiging mahalay ko. Grabe ka naman, Andrea. I hate you na! Hindi mo naman kasi masisisi kung ganoon ang naiisip ko. Posible naman kasi na mang
Tatlong araw na ang lumipas ngunit wala pa ring paramdam si Martin kay Andrea. Nakakapanibago lang na hindi na 'to tumatawag sa kanya para kumustahin ang ginagawa niya para magkalapit silang dalawa ni Ella Marie. Ni pinadalhan siya ng text messages ay wala siyang matanggap mula kay Martin. Tinatawagan niya ito ngunit hindi naman sinasagot ang tawag niya. Palaging naririnig niya ay out of coverage ang cell phone nito. Hindi tuloy maiwasan na hindi makaramdam ng lungkot si Andrea. Pakiramdam pa niya ay para bang may kulang sa araw niya. Kahit hindi niya nakikita si Martin basta nakakausap niya ito sa kabilang linya ay nawawala na ang lungkot niya, hindi kagaya ngayon na kulang na lang ay mabaliw siya. Hindi niya malaman kung ano'ng nangyayari sa binata. Gusto niyang malaman kung okay lang ba 'to. Nagiging matamlay tuloy siya.Napansin ni Gretta na tahimik lang siya simula pagpasok niya kaninang umaga."Ang tahimik mo ngayon, Andrea. Okay ka lang ba, ha?" tanong ni Gretta kay Andrea ha
Paulit-ulit sa isipan ni Andrea ang sinabing 'yon sa kanya ng kaibigan niya na si Gretta na kaya siya nagkakaganoon ay dahil mahal na nga niya si Martin. She couldn't believe it that her friend would say like that. Hindi na lang siya umimik sa harap ng kaibigan. Kahit nakauwi na siya sa kanilang bahay ay hindi pa rin maalis-alis 'yon sa isipan niya. Umaasa pa rin siyang tatawag sa kanya si Martin ngunit wala pa rin siyang matanggap kahit text mula rito. Hindi na niya malaman kung ano'ng gagawin. Napapaisip siya na siguro nga ay tama ang sinasabi ng kaibigan niya na si Gretta na mahal na nga niya si Martin, hindi lang niya ito maamin sa kanyang sarili. Sa buong buhay niya ay ngayon niya lang naramdaman ang ganoon na pakiramdam. Kinabukasan nang papaalis na siya sa kanilang bahay ay narinig niyang tumunog ang kanyang cell phone na kaagad naman niyang kinuha upang sagutin ang tumatawag sa kanya. Laking gulat niya nang mabasa ang pangalan ni Martin sa screen ng cell phone niya. Bum
"May itatanong lang ako sa 'yo, Ella Marie," dahan-dahan na sabi ni Andrea kay Ella Marie habang magkaharap silang kumakain ng lunch. Sumama muli ito sa kanilang dalawa na kumain dahil kasama ni Clarissa kumain ng lunch ang boyfriend niya kaya wala siyang makakasamang kumain. Wala naman ang kaibigan niya na si Clarissa kaya hindi naman nito makikita na sumasama pa rin siya sa dalawang magkaibigan. Pinagbabawalan na kasi si Ella Marie na sumama kina Andrea at Gretta. Sinasabi nito na bad influence lang silang dalawa ngunit nararamdaman naman ni Ella Marie na hindi naman ganoon ang dalawa.Iniangat kaagad ni Ella Marie ang kanyang ulo at ginawaran ng matamis na ngiti si Andrea bago nagsalita. "Ano 'yon, Andrea? Ano'ng itatanong mo sa akin?" tanong ni Ella Marie kay Andrea. Nagkatinginan muna ang magkaibigan na sina Andrea at Gretta."Nakita mo na ang kaibigan namin na si Martin, 'di ba?" mahinang usal niya sa harap ni Ella Marie na seryosong nakatingin sa kanya. Tumango ito pagkasabi ni
"Kanina ka pa ba naghihintay sa akin?'' tanong ni Andrea kay Martin pagkapasok niya sa loob ng sasakyan nito. Magkatabi silang dalawa ni Martin nakaupo sa unahan ng sasakyan. ''Hindi pa naman, Andrea. I think mga ten minutes pa lang ako nandito since dumating ako sa parking area n'yo dito sa labas ng opisina n'yo. Kumusta pala ang araw mo?" nakangising sagot ni Martin sa kanya. Ngumiti naman siya sa harap ni Martin. Bumibilis na naman ang tibok ng puso niya ngayon na magkasama silang dalawa ni Martin. Masayang-masaya na naman siya. Tumango si Andrea at nagsalita, "Ah, ganoon ba? Akala ko kasi kanina ka pang naghihintay sa akin dito sa parking area. Nagtatanong lang naman ako, Martin.""Yeah, I know. Alam ba ng kaibigan mo na si Gretta na magkikita tayo ngayong gabi, huh?" tanong sa kanya ni Martin. "Oo. Alam niya na magkikita tayong dalawa ngayong gabi na 'to. Sinabi ko kasi sa kanya. Sinabi ko rin sa kanya kung bakit ka hindi nagparamdam nitong mga nagdaang mga araw kasi nga ay nas