Share

Kabanata 003

“Alam mo wag kang feeling okay?! Grupo mo lang ang pinaka maingay dito kaya talagang lahat ng tao mapapatingin sa inyo.” Pagpapalusot kong sabi sa kanya.

“Okay Miss sabi mo eh! (Nakangiti naman nitong sagot sa akin) oo nga pala ako si James?! Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?!” Sabi naman niya sakin

“Alam mo gusto kong mapag isa kaya pwede wag mo na kong idamay sa trip niyong magkakaibigan. Quota na ko ngayong araw sa sakit. Kaya kung pwede lang ibang babae na lang ang pagpustahan niyo, wala kang mapapala sakin.” sabi ko naman sa kanya. Tumungga lang ako ulit ng tequila at inirapan kong muli ito.

“Miss hindi ka namin pinagpupustahan, nakita mo diba umalis na ang mga kaibigan ko! oh sige ganito na lang. Hayaan mo lang ako dito sa tabi mo makipag inuman sayo, at kung sino ang unang gagawa ng hindi magandang ikikilos ay siyang magbabayad ng lahat. (Sabi nito sakin) Waiter (pagtawag niya sa waiter, lumapit naman ito kagad samin.) ikaw ang saksi. Kung may gagawin akong masama sa magandang babaeng ito tumawag ka kagad ng pulis at sakin mo i charge lahat ng magiging order namin ngayong gabi. Ito ang card at ID ko. (Inabot niya ang buong walllet niya sa waiter, natatawa naman ang waiter sa kaniyang ginagawa, hindi ko alam pero mukhang malapit ang waiter na ito sa lalaking nasa harapan ko) okay na ba miss? May tiwala ka na ngayon sakin?” tanong niya sakin natawa na din ako sa pagiging OA niya sa sitwasyon.

“Oo na! sige na ! Basta no attachment , kailangan ko lang ng makakasamang mag inom. Kung sino gumawa ng kalokohan siya ang magbabayad ng lahat.(inabot ko din ang buong wallet ko sa waiter)” sagot ko naman sa kanya.

Tinawag naman ng waiter ang kanyang manager upang ipaalam ang aming naging usapan. Pumayag naman ito at ngumiti sa amin. Mukhang malakas itong si James sa mga tao sa resort na iyon dahil pinayagan siya nitong gawin ang ganuong bagay na kung tutuusin ay bawal mag iwan ng personal belongings sa kahit saang lugar.

Lumalalim ang gabi at patuloy lang kami sa aming pag-uusap, maririnig naman ang malulutong na halakhakan sa pagitan naming dalawa. Hindi ko maintindihan pero sa ilang oras naming pag-uusap ni James ay gumaan na ang loob ko sa kanya at nakukuha na din nito ang aking tiwala. Mali ang naging interpretasyon ko para sa kanya. Kung kanina ay bwisit ako sa pagiging mabilis nito ngayon ay parang ayaw ko namang matapos ang aming pagkukwentuhan.

Muli kaming umorder ng aming maiinom, napaparami na din ang alak na aming inorder. Nararamdaman ko na ang pagkukulitan namin ni James na nauwi sa pagsabay namin sa pagsasayaw sa mga tugtugin.

Lahat ng tao ay naghihiyawan sa malakas na pang disco music ng biglang baguhin ng DJ ang kanyang pinapatugtog. Bigla itong naging Love Song, nailang naman ako ng ayain ako ni James sumayaw, inilatag niya ang kanyang kamay tanda ng pag-anyaya niya saking sabayan namin ng pagsasayaw ang tugtugin. Pinaunlakan ko naman ang kanyang paanyaya. Sinabayan namin ang malambing na musika ng pagsayaw, nakakapit siya sa aking bewang habang ang aking braso ay napayakap sa kanyang likod, napasandal naman ako bigla sa kanyang dibdib ng bigla na lang tumulo ang aking mga luha, hindi ko inaasahang babalik ang sakit na aking nararamdaman ng marinig ko ang musika na plano sana naming patugtugin sa magiging kasal sana namin ni Michael. Napahinto naman kami sa pagkilos at nag-aya na akong bumalik sa aming inuupuan.

“Tara na James maupo na lang tayo. ayoko ng ganyang mga tugtog” hinawi ko ang luha sa mga mata ko at pilit na ngumiti sa kanya.

Tinawag ko ang waiter at sunod sunod ang naging pag order ko ng alak, kada hatid nito ay mabilis kong nauubos ang alak na nilalapag niya sa aking harapan, kaya naman humingi na ako ng isang buong bote ng whisky, Nakatingin lang sakin si James sa akin hindi niya ako kinulit na magtanong, nag-abot lang siya ng tissue sa akin at sabay na tumungga ng kanyang iniinom .

Kahit hindi pa siya nagtatanong ay ako na mismo ang nagkwento sa kanya ng ngyari sa akin ng umaga iyon dala na din siguro ng matindi kong kalasingan naging makwento na ako.

“Alam mo kayong mga lalaki ang sasama talaga ng ugali niyo. Huhuhu. Hindi ko kayo maintindihan, wala kayong kakuntentuhan.” Panimula kong sabi sa kanya habang walang tigil ang paglagok ko sa alak at pagtulo ng aking luha.

Nakatingin lang siya sa akin at tahimik na nakikinig sa mga kwento ko , panay din ang inom niya ng kanyang alak. “Alam mo ba James? Ang put*ng in*ng fiance ko? (Nabubulol kong sabi sa sobrang kalasingan) yung magaling na yun, binuntis lang naman ang kapatid ko! Oh diba ang galing galing hahahha (natatawa kong sabi habang umiiyak) ang masama pa nito alam pala ng Mama at Papa ko at sa bahay pa nila pinatira, hinayaan nila ang magaling na yun na ipagpatuloy ang katarantaduhan nila ! Limang buwan na palang nagsasama ang mga gag* sinayang niya ang 5 taon na piangsamahan namin.  Alam mo kung bakit pumayag sila Mama?” Hindi pa rin siya umiimik, nakatingin lang siya na sinasabayan ang bawat paglagok ko ng aking inumin. “Nakakainis ka naman kwentuhan hindi ka man lang umiimik!” Bagot kong sabi sa kanya

“Bakit nga ba?” Tanong niya sa akin.

“Eh kasi nga ako lang yung bumubuhay sa pamilya ko! Yung kapatid ko graduating na sana yun eh tanga, hindi niya daw sinasadya . Ang put* huhuhu (humahagulgol ako na tumatawa bahagya sa aking mga naalala) hindi naman kasi nila alam na uuwi ako ng Pinas ngayon. Sosorpresahin ko sana sila ayun pala ako ang masosorpresa sa kababuyan ng mga yun!” galit na galit kong kwento sa kanya.

Agad ko namang pinunasan ang luhang walang tigil na pumapatak sa aking mga mata. Binago ko bigla ang mood saming paligid. “Ay shocks ayoko ng umiyak, tama na ang drama Kate! Cheers na lang tayo James (inangat ko ang aking alak at nag toast na kami)”

“Ayan mag enjoy lang tayo. Kalimutan mo na muna ang problema mong yun! Makakasira lang yan sa gabi mo! Diba sabi mo kaya ka nagbabakasyon para mag enjoy. kaya mag-enjoy ka lang” Sabi pa niya sakin

“Oo nga tama ka! Wooooooh! Cheers para sa mga single na taong niloko!” Hiyaw ko pa.

Nagkaayan na kaming lumipat ni James dahil sa lumalalim na ang gabi at lumalamig na ang ihip ng hangin sa aming pwesto.

“Saan mo gustong lumipat?!, (tanong niya sa akin hindi pa siya nakakasiguro sa pangalan ko kaya nagtanong siya muli para makasigurado)Kate tama ba?!”

“Oo haha! Oo nga pala ako si Kate (binigay ko ang aking kamay upang magpakilala ng formal, kanina pa kami magkasama ngunit hindi pa nga pala ako nakakapagpakilala sa kanya.) ayoko na din sa bar , mejo malamig na din (hinubad naman ni James ang kanyang polo shirt at isinuot iyon sa akin, napangiti naman ako sa kanyang ginawa) oi ikaw aah baka na-i-inlove ka na sakin bawal yun!” tumatawa kong sabi ko sa kanya.

“Hay Kate iba ka talaga sa lahat (mahina niyang sabi sakin) so saan na nga tayo pupwesto?!” Tanong niya sakin.

“Kahit saan James!” Sagot ko sa kanya. Tawanan naman kami ng tawanan ng ilang beses kaming muntik madapa sa paglalakad dahil sa kalasingan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status