KATE POV
SA BORACAY RESORT Tugstugstugs Nakakabinging tugtugin ang sumalubong sa akin ng magtungo ako sa isang beach front bar dito sa Boracay. Dito ako dinala ng aking mga paa matapos ang aking mga nalaman tungkol sa pagkabuntis ng aking kapatid na si Charlotte sa fiance kong si Michael. Sinasabayan ko ang malakas na tugtugin ng pagsaway ng sexy dance. Walang hiya kong ginilingan ang posteng nasa ibabaw ng entablado sa bar na nakapwesto sa gilid ng dalampasigan. Hindi ko alintana ang paghihiyawan at tinginan ng mga tao sa aking paligid dahil sa malandi kong paggiling na nakadagdag atensyon sa mga kalalakihan . Suot ko lamang ang manipis na telang tumatabing sa aking puting 2 piece. Kitang-kita ang hubog ng aking katawan sa tuwing sisipol ang hangin sa dalampasigan kasabay ng aking pagsayaw. Wala na akong pakielam sa lahat. Nagbakasyon ako para mag enjoy. Kaya hindi ko ito sisirain ng dahil lang sa mga taong pinagkatiwalaan ko ng husto ngunit ang mga ito din pala ang dudurog sa akin. Worst pa nito ay sarili ko pang kapatid ang aking naging karibal. Hinahampas ko ang aking ulo sa hangin at nakikisabay sa hiyawan sa mga taong nakikisaya sa akin. “WOOOOHHHHH ! yeahhhh!” Hiyaw ko , malakas akong nakikitawa sa mga grupong pumalibot sa akin . May ilang lalaking nakikisayaw sakin at magiliw ko namang inentertain ang mga ito, hinahayaan ko silang gumiling sa aking likuran habang kapit ang aking bewang. Gusto kong lunirin ang aking sarili sa alak ng mga sandaling iyon upang makalimot sa ginawa sa akin ng aking fiance at ang pangungunsinti ng sarili kong pamilya sa matinding kasalanang ginawa sa akin ng aking kapatid . Nang mapagod na akong makipag sayaw ay naglakad na ako patungo sa bar counter , nagpaalam na ako sa mga grupong kasayaw ko sa entablado, ang ilan sa mga ito ay nag-aaya sakin sa pribadong lugar at ang ilan naman ay sinasama ako sa kanilang table pero tinawanan ko lang sila at lumayo na ako. Balak ko lang magpakasaya pero hindi ko planong makipagtalik kanino man. Pagewang-gewang akong tumatawang mag-isa habang papalapit sa bar area para magpahinga saglit at kumuha ng panibagong maiinom ko. “Mam! Para po sa inyo!” Inabot ng bar tender ang isang margaritta drinks sa akin. “Kuya wala pa kong inoorder! Haha . Kakadating ko pa lang dito sa pwesto ko oh!” Natatawa kong sabi sa kanya. “Pinabibigay po ni Sir (sabay turo niya sa lalaking nasa kabilang lamesa kasama ang iba pang kalalakihang kasama nito. Kumaway pa ito sa akin pero hindi ko ito pinansin. Inirapan ko lang siya at bumalik na sa pakiki-pag usap sa bartender) naku kuya bartender hindi ko naman kilala yang lalaking yan. Pakibalik na lang sa kanya.” Sabi ko pa ulit sa kanya. “Mam bayad na po kasi ito ni Sir baka po mapagalitan ako.” Sagot naman niya sakin “No thank you Kuya! Kaya kong bumili ng sarili kong inumin. Kung gusto mo inumin mo na lang o kaya ibigay mo sa iba“ pagmamatigas kong tanggi at lumipat na ako ng pwesto papalayo sa lugar ng mga lalaking ito. “Kuya pakisunod na lang sakin ang bote ng tequila salamat. Don lang ako sa table na yun (sigaw ko dito tinuro ko naman sa kanya ang lugar kung nasaan ang sand couch na aking paglilipatan, gusto kong magsolo at ang sand couch lang ang pwesto na may pandalawahang tao lamang ang kapasidad)” Madilim na ang paligid tanging lampara lamang sa ibabaw ng lamesa sa aking tapat ang nagsisilbing liwanag . Nakaupo lang ako at nakatitig sa dalampasigan ng biglang may mag-abot sa akin ng isang bote ng tequila mula sa aking likuran. “Thank you kuya!” Sabi ko sa pag-aakalang ito ang bartender na sinabihan ko ng aking order. “Walang anuman Miss, kanina mo pa tinatanggihan ang binibigay ko sayong inumin” sabi nito sakin. Nagulat pa ako ng bigla itong magsalita sa aking tainga. Tila may kuryenteng umandar sa aking katawan dahil sa matipunong boses na nagmula sa lalaking nagsalita sa aking likuran. Napaiktad pa ako ng bahagya sa kanyang pagsulpot. “Ay puts* ! “ napasigaw ako. “Ano ba na naman yan. Sorry kuya ah pero gusto kong mapag isa lang ngayon. Hindi ako interesado sa kung anong iaalok mo.” Pasinghal kong sabi sa kanya. “Miss makikipagkilala lang naman sana ako. Wala akong gagawin sayo promise.” Maamong tingin nito sa akin. Akala niya siguro ay makukuha niya ako sa pagpapa cute niya. Lalo pa niyang pinungayan ang kanyang mata pero hindi ito tumalab sa akin. “Iba na lang dalihin mo wag ako” tumayo na ako sa aking inuupuan at lumipat ako sa ibang pwesto na naman kinuha ko muna ang dala niyang tequila dahil kanina pa ako inom na inom. Hahang naglalakad ay tinutungga ko na inumin ko. Narinig ko naman ang mga kasamahan ng lalaking ito na kinakantsyawan siya ng bumalik siya sa kanilang pwesto. “Wooooh wala hindi tumalab ang kapangyarihan ni Mr.Santiago hahahhaha( malakas na halakhakan ng mga ito)” “Bro first time yan aah! May nanabla sayo “ pang aasar pa ng isa sa kanya. “Hindi na effective ang mga galawan mo Bro magbago ka na kasi ng estilo sa dami mo ng babae na nadale sa ganyang style hahhahaha” sabi pa ng isa Kakamot kamot naman ito ng ulo habang nakatingin sa akin. “Mga siraulo! Mag inom na lang tayo” bumalik na sila sa kanilang pag e-enjoy. May kanya-kanya din silang mga kasamang babae sa upuan tanging ang lalaking lumapit lamang sakin ang walang kaharutan ng mga sandaling iyon. Halos isang oras lang ang nakalipas matapos noon ay nakita kong nagsitayuan na ang mga kasamahan ng lalaking ito kasama na ng mga ito ang mga babaeng katabi nila. Nakita ko naman siyang nagpaiwan sa mga ito at nag inom pang mag isa. Lasing na lasing na ang mga ka grupo niya. Napapailing na lang ako dahil alam ko na kung saan pupunta ang mga ito. Napasandal ako sa aking inuupuan at bumalik sa aking pagmumuni-muni. Naalala ko na naman ang ngyari sa akin kaninang umaga. Umatake na naman ang sama ng loob ko para sa pamilya ko. Kaya naman napalagok ako sa bote ng tequilla na aking kapit kapit. Nagulat na naman ako sa lalaking biglang nagsalita sa akong likuran. “Malalasing kang mag isa niyan Miss!” Sabi nito sakin. “Ikaw na naman, hindi mo ba ko lulubayan? Nagsialisan na mga kasama mo oh!” inis kong sabi sa kanya. Napangiti naman ito sa akin na tila nang aasar kaya lalo akong nainis sa kaniya. “Bakit ka tatawa tawa diyan?!” Tanong ko sa kanya. “Interesado ka din pala sakin. Nakita mo pang umalis ang mga kaibigan ko?” May pagkindat nitong sabi. Namula naman ako sa kanyang sinabi. Minsan hindi talaga ako nag iisip kaya ako napapahamak. Tama din naman ang lalaking ito. Talaga naman kanina pa ako pasulyap-sulyap sa kanilang grupo kaya nalaman kong naiwan na ito ng kanyang mga ka grupo.“Alam mo wag kang feeling okay?! Grupo mo lang ang pinaka maingay dito kaya talagang lahat ng tao mapapatingin sa inyo.” Pagpapalusot kong sabi sa kanya.“Okay Miss sabi mo eh! (Nakangiti naman nitong sagot sa akin) oo nga pala ako si James?! Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?!” Sabi naman niya sakin“Alam mo gusto kong mapag isa kaya pwede wag mo na kong idamay sa trip niyong magkakaibigan. Quota na ko ngayong araw sa sakit. Kaya kung pwede lang ibang babae na lang ang pagpustahan niyo, wala kang mapapala sakin.” sabi ko naman sa kanya. Tumungga lang ako ulit ng tequila at inirapan kong muli ito.“Miss hindi ka namin pinagpupustahan, nakita mo diba umalis na ang mga kaibigan ko! oh sige ganito na lang. Hayaan mo lang ako dito sa tabi mo makipag inuman sayo, at kung sino ang unang gagawa ng hindi magandang ikikilos ay siyang magbabayad ng lahat. (Sabi nito sakin) Waiter (pagtawag niya sa waiter, lumapit naman ito kagad samin.) ikaw ang saksi. Kung may gagawin akong masama sa magan
Nakaakbay ako kay James habang siya ay nakaalalay sa aking balakang .Pasuray-suray kaming naglakad patungo sa isang silid sa resort na aking pinuntahan. Kung saan - saan naman kaming napasok na silid , may isa pa kaming napasukan na nag se-s*x dahil hindi nito naisara ng maayos ang kanilang pintuan, matinding halakhakan naming dalawa hanggang sa mapagbuksan kami ng isa niyang kaibigan na Mayor, sa sobrang kalasingan ko ay medyo sinisinok pa ako habang nagsasalita. Nagkasiyahan kami saglit at nagsulat-sulatan sa isang papel. Hindi ko alam kung ano nga ba yun basta parehas kaming pumirma ni James , kasama nitong si William ang assistant niyang si Daniel , dahil sa lasing na ito kagaya namin ay may kinuha siya sa kanyang bag. Sinelyuhan niya ang papel na pinirmahan namin at umalis ito dahil ihuhulog niya daw ito sa mail box sa receptionist. Tawanan naman kami ng tawanan pag labas nito at nagpaalam na din kami sa kaibigan na Mayor ni James dahil ayokong makaistorbo sa kung ano mang balak
KINAUMAGAHAN SA HOTEL ROOM NI JAMESNapabalikwas ako ng bangon ng walang tigil na nag ring ang aking cellphone. Napasaplo naman ako sa aking ulo dahil pakiramdam ko ay parang binibiyak ito sa sobrang sakit nagulat pa ako ng pagbaling ko sa aking tagiliran na may lalaki akong katabi, agad kong sinilip ang aking katawan na nakatabong sa ilalim ng comforter. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita kong mayroon naman akong saplot. "Ohhhh Kate, ano na naman kayang katangahan ang pinaggagagawa mo kagabi?!" mahina kong bulong sa aking sarili bahagya ko pang hinampas hampas ang aking ulo dahil sa totoo lang wala akong maalala kung ano ang mga ngayari kagabi. Wala din akong ideya kung paano ako nakarating sa silid ng lalaking ito. Ang huling natatandaan ko lang nasa Beach Front Bar ako at mag-isang nagpapakalunod sa alak.Dahan-dahan akong kumilos at bumaba ng kama. Ayokong makalikha ng ingay para hindi ko magising ang lalaki sa aking tabi. Ayokong makita niya ako lalo na at hindi ko naman k
Kinabukasan ay sobrang galit na galit pa rin si Mama kay Ate Kate ,panay ang pagsigaw niya sa buong bahay dahil hindi man lang siya sinasagot ni Ate ang kanyang mga messages at tawag. "Bwis*t na Kate yan, hanggang ngayon ayaw pa rin akong sagutin sa tawag ko. Aba hindi siya nagpadala ng allowance para ngayong buwan at biglaan palang uuwi . Anong ipangbabayad natin sa mga bills ngayon! Ginigil talaga ako ng anak mong yan Arthur." sabi ni Mama Camilia“Ikaw nga tumawag diyan George baka sakaling sumagot yang kapatid mong magaling! Ang dami daming bayarin dito sa bahay hindi man lang nag iwan kahit magkano.”Sabi naman ni Papa“eeh kasi sinabihan mo pa si Ate na hindi niyo kailangan ang pera niya siya na nga itong niloko" pabulong kong sabi sa kanila"anong sinasabi mo George?" tanong sakin ni Mama"sabi ko anong sasabihin ko kapag sumagot na si Ate?!” Tanong ko naman sa kanila“Ikaw ng bahala magdahilan sabihin mo na din yung pang tuition ni Charlotte. Isa pa yun hindi naman pwedeng i h
Hindi naman nagtagal ay biglang nag ring ang aking cell phone. Si Ate Kate ang nasa kabilang linya. Bumubulong ito sa pagsasalita ng sagutin ko ang kanyang tawag. Hindi ko pa siya masyadong marinig pero sinabihan ko na siya sa nangyari kay Mama."ate si Mama kasi, sinugod sa ospital." sabi ko kay ate Kate"bakit anong ngyari kay Mama?" tanong naman niya sakin"galit na galit kasi sayo si Mama kahapon pa. Tinatawagan ka daw niya hindi ka naman sumasagot." natataranta kong sabi sa kanya, narinig kong napabuntong hininga naman si Ate Kate mula sa kabilang linya." kaya ayon kanina biglang inatake sa puso, namumutla siya nung una hanggang sa hinimatay na siya ng tuluyan, susunod na din ako kila Papa sa ospital ngayon." sabi ko pa kay Ate. "umuwi ka na dito ate, pasensya ka na Ate pero kasi ang alam ko walang pambayad sila Mama sa ospital, kanina inaangal pa din niya ang pambayad sa kuryente, mapuputulan na daw tayo" nahihiya ko pang sabi sa kanya."bakit nagpadala ako sa kanya nung nakaraa
CHARLOTTE POVNakaupo ako sa may silya sa labas ng aming balkon. Napapangiti ako ng makaalis na si Ate Kate sa aming bahay. Mahal ko ang aking kapatid ngunit nagkataon lang na iisa ang taong minahal namin. Umakyat na din sila Mama sa kanilang kwarto sa sobrang galit kay Ate Kate. Nagkaruon na ako ng kutob na ngayong araw ang dating ni Ate para magbakasyon dito sa Pilipinas batay sa huling video call namin ng sabihin ko sa kanya ang tungkol sa last tuition fee na babayran ko. Finals ko na din kasi, ilang buwan na lang at pa graduate na ako. Kagaya ng napagkasunduan namin nila Mama at Papa hindi ko binanggit kay Ate ang tungkol sa aking pagbubuntis dahil siguradong hindi na ito magpapadala sa amin ng sustento lalo na kapag nalaman niya kung sino ang ama ng aking pinagbubuntis. Mag-dadalawang tatlong buwan na din ang dinadala ko sa aking sinapupunan. Hindi ko inagaw kay Ate si Michael. Una naman talaga kaming nagkakilala ni Michael bago pa man maging sila ni Ate ng biglaan, kasamahan ko
Nagdaan ang mga araw at palagian na ang naging pag-aaway nila Michael at Ate dahil ito sa lalaking laging nakakasama ni Ate Kate sa kanyang picture. Kaya naman palagi akong niyaya ni Michael na mag-inom hanggang sa isang araw ay naungkat namin sa usapan ang nakaraang panliligaw niya sa akin. "Alam mo Charlotte dapat kasi ikaw na lang talaga . Bakit ba kasi ayaw mo sakin noon?" tanong nito sa akin. Napaparami na din ang aming naiinom ng mga sandaling iyon. "Michael magtigil ka nga diyan!. Engage ka na sa kapatid ko kahit pa sabihin kong gusto kita wala na din naman silbi." pagpapakipot kong sagot sa kanya. Tumingin naman siya sa akin. Napahinto siya sa paglagok ng kanyang iinumin. Dahil sa palagian na naming pagsasama ay naramdaman kong nahulog na muli ang loob sa akin ni Michael, makikita sa lagkit ng kanyang mga tingin ang matinding pagnanasa sa akin. Mag-iisang buwan na din kasi magmula ng hindi na siya kausapin ni Ate Kate dahil sa pagseselos niyang wala naman talagang baseha
JAMES POV Naparami na naman ako ng nainom na alak kagabi. Alam kong naabot ko na naman ang limit ng aking pag-iinom dahil nakakaramdam ako ng pagsakit ng aking ulo. Ganun pa man ay tandang tanda ko pa rin ang lahat ng nangyari at ginawa ko kagabi. Napabalikwas ako ng bangon ng pagkapa ko sa aking tabi ay wala na si Kate. "Hay Kate, kakaiba ka talaga sa lahat." anas ko , napapailing na lang ako ng aking ulo ng maalala ko ang masayang kwentuhan namin ni Kate kagabi pati na ang muntik kong pag angkin sa kanya. Kilala akong babaero at aminado naman ako doon, hindi ko pinapalampas ang kahit na sino basta magpakita sa akin ng motibo. Ika nga nila kapag palay na ang lumalapit sa manok ay hindi mo pa ba ito tutukain?. Pero kakaiba ang naramdaman ko kay Kate kagabi. Nirespeto ko siya ng malaman kong virgin pa siya. Hindi ko naman kasi inaasahan na hanggang ngayon ay wala pa pala itong karanasan sa pakikipagtalik dahil kahit sinong lalaking nakakita kung gaano ka wild si Kate sa dance fl