Share

OFW Wife of a Billionaire
OFW Wife of a Billionaire
Author: Roxxy Nakpil

Kabanata 001

KATE POV

PAKKKKK! Lumalagutok na mag-asawang sampal ang pinakawalan ko sa pisngi ng aking long time boyfriend at fiance na si Michael ng surpresahin ko ang aking pamilya . Mula sa aking pagbabalik bayan sa mahigit na dalawang taon kong paninilbihan sa Dubai bilang Showroom Supervisor sa kompanya ng pinakamalaking supplier ng mga baking items at ingredients ng mga bake shop sa buong Middle East.

"Hay*p ka Michael! (pinaghahampas ko ang kanyang dibdib sa sobrang galit, hinagis ko sa kanya ang dala kong maleta ) bakit si Charlotte pa? sa dinami-dami ng babaeng bubuntisin mo bakit ang kapatid ko pa? huhuhu ! (hagulgol kong panunumbat kay Michael) Napakawalang hiya ninyong dalawa." baling na sigaw ko naman pati sa aking kapatid nararamdaman ko naman sa aking pisngi ang walang tigil na pagpatak ng luha sa aking mga mata, sa tindi ng aking galit walang habas kong pinaghahampas si Michael ng aking dalang paper bag na pasalubong ko sana para sa kanya.

“5 years Michael! 5 years ang sinayang mo!” Sigaw ko pa sa kanya.

Lahat ng nasa aking paligid ay tahimik lamang at wala ni isang nakapagsalita sa biglaan kong pagsulpot sa aming bahay.

Nanlilisik ang aking mata ng tignan ko ang kinatatayuan ng ang aking kapatid na babae."Charlotte, ikaw! (puno ng emosyon ang bawat salitang binitawan ko para sa kaniya) Bakit si Michael  pa?! hindi ka na nahiya, ang dami-daming lalaki sa mundo, talagang si Michael pa?! lahat ng pagsasakripisyo ginagawa ko para mabigyan kayo ng magandang buhay tapos ito ang igaganti mo sakin?! Hindi mo na inisip ang mararamdaman ko. Huhuhu" nag-ngi-gnit-ngit ang galit sa aking puso sa mga sandaling iyon. Matalim kong tinitigan ang aking kapatid para magpaliwanag siya sa akin sa lahat ng kawalang hiyaan nila ngunit nakayuko lamang siya . Ni hindi siya makatingin saking mga mata. Panay ang pagpatak ng aking luha kahit pa anong pigil ang aking gawin. Hinihintay kong may magsalita mula sa aking pamilya kahit na anong paliwanag ay pipilitin kong intindihin.

"ATE! SORRYYYY! huhuhu! hindi ko sinasadya ang nangyari" ayon lamang ang naging tugon niya sa akin. Nakayuko pa rin siya at patuloy din ang paghagulgol.

"Hindi mo sinasadya?! bakit Charlotte, kusa bang nalalaglag ang panty mo at biglang pumasok ang tit* ni Michael sa loob niyang pe**ek mo ng paulit-ulit?!” nangigigil kong tanong sa kaniya.

"Kate! tumigil ka na, napakabastos ng bibig mo. Ayan ba natutunan mo sa pag-aabroad mo? kakasama mo yan sa mga kaibigan mo diyan sa abroad. Wala na tayong magagawa. Nandiyan na yan!, dapat panagutan ni Michael ang pinagbubuntis ng kapatid mo!" sabi naman ni Mama sakin. Galit akong sinigawan ni Mama na parang ako pa ang may kasalanan kung bakit ito nangyari sa aking kapatid.

"Ma, alam niyo na din pala?! kelan niyo pa nalaman ang tungkol dito?" napabaling ako ng tingin kay Mama.

Nauutal man ay nagsalita na din ang aking kapatid na lalaki “Ate, gusto ko naman sanang sabihin sayo nung nakaraan pa pero pinipigilan kasi ako nila Papa, baka daw kasi pag nalaman mo kung anong ngyari kay Ate Charlotte at Kuya Michael ay ihinto mo na ang pagpapadala sa amin. Ga-graduate na daw kasi si Ate Charlotte sa August” dire-diretsong pagsusumbong ni George sa akin, “Gago yang hay*p na yan, dapat diyan pinapatikim” galit na sigaw ni George. Umamba itong sasapakin si Michael ng biglang umawat si Papa.

“Isa ka pa George magtigil ka din sa kakaganyan mo. Isarado mo yang bibig mo baka gusto mong pasabug*n ko yan, sinabihan na kitang wag kang makielam” pananakot pa ni Papa kay George.

"Puts* naman (napapahampas ako sa aking ulo, hindi ko maipasok sa isip ko kung bakit pumayag sila Mama na hayaan si Charlotte at Michael na ipagpatuloy ng mga ito ang kanilang kababuyan! Hindi ko lubos maisip na dito na pala tumitira si Michael kasama ni Charlotte sa loob ng limang buwan) tshhhhhh lahat pala kayo alam niyo na noon pa?!. Ma, Pa. Ano ?! wala kayong balak sabihin sakin kasi natakot lang kayo na hindi na ako magbigay ng suporta sa inyo? (Naghihimutok ang aking puso, pakiramdam ko lahat na lang sila ay pinagkaisahan ako) sana man lang inisip niyo din na malalaman ko din ito at kung anong magiging epekto nito para sakin . Kung sinabi niyo ito ng mas maaga sa akin sana ay naihanda ko ang sarili ko sa paghaharap-harap namin" galit kong sabi sa mga ito

"Aba Kate! hindi naman ata maganda ang tabas ng dila mo. Bakit hindi mo tanungin yang magaling mong fiance kung bakit niya tinuhog kayong magkapatid. (gigil na dinuro ni Papa si Michael) " sabi naman ni Papa sakin. "Kaya magtigil ka sa kakasisi sa kapatid mo. Hindi porket ikaw ang sumusuporta samin pagsasalitaan mo na kami ng ganyan! napakayabang mo!,(galit na sabi ni Papa sakin, inaawat ni George si Papa ng sugurin ako nito at ambahan ng sampal)”

"Pa, sana naman kahit papano nagka-concern kayo sakin. Huhuhu! Sana sinabi niyo sakin ang nangyari, anak niyo din ako. At kapatid ko ang nabuntis ng fiance ko. Sana naisip niyo iyon, kinunsinti niyo pang dito tumira yang si Michael, sana nung nalaman niyo pinalayas niyo dito sa bahay yan! kaya pala panay ang tinginan ng mga kapitbahay natin ng bumaba ako sa taxi. (napapailing ako habang tuloy ang pagtulo ng aking luha)” galit na galit kong sabi kila Papa.

"aba napakayabang mo ng sumagot samin, pinagmamalakihan mo na kami ngayon, hindi ba si Charlotte ang argabyado dito. Sayo na yang pera mo?! Tingin mo hindi kami mabubuhay ng wala ang mga binibigay mo samin. Nakapag abroad ka lang ganyan ka ng umasta?! Wag kang mag-alala lahat ng pinadala mo samin ibabalik namin sayo pati pinang-paaral mo sa kapatid mo at kay Michael! Tutal sasampa na ng barko si Michael bilang kapitan kwentahin mo kasingku-singkuhan ng naibigay mo sa amin. Engrata kang bata ka (galit na sabi ni Mama sa akin) Kapatid mo ang magbubuntis at magpapakahirap hindi ikaw. Ngayon pano pa makakapasok sa kanyang eskwelahan si Charlotte ng lumalaki ang kaniyang tiyan ng hindi man lang naikakasal?!" sabi naman ni Mama sakin

Sumisikip na ang dibdib ko sa kakaiyak hindi ko maintindihan ang mga magulang ko. Tumalikod na lang ako sa mga ito at tila binging walang narinig sa lahat ng salitang binabato pa nila sakin. Dala lamang ang aking shoulder bag at hand carry luggage ay dire-siretso lang akong lumabas ng aming bahay. Kahit anong pigil ang gawin sakin ni George ay tila namanhid na ang aking katawan na walang maramdaman at marinig.

Walang lingon lingon ay sumakay ako sa taxi na nagdaan sa aming lugar.

“Kuya sa airport po tayo!” Humagulgol kong sabi sa driver .

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status