Share

CHAPTER THIRTY

CHAPTER THIRTY

Huminga nang malalim si Gerald. Pinagmasdan niyang maigi ang kutsara at tinidor at ang kanyang plato na may dalawang kanin. Nauna nang sumubo si Diane. Sarap na sarap ito. Ngunit siya, nag-aalangan sa pagkaing nasa harapan niya. Muli niyang nahuling tumingin si Diane sa guwapong nakasando at naghumbs-up pa ito!

"Sarap pa rin talaga ng pagkain dito idol! The best!" May kasunod pang kindat.

"Huwag nang mambola. Nilibre na kita." Nakatawang sagot ng lalaki.

"Ba't niya nilibre ang pagkain natin?"

"Narinig mo naman yung sinabi di ba?" sagot ni Diane habang ngumunguya.

"Bakit ba panay ang tingin at ngiti ng lalaking 'yan sa'yo?" bulong muli ni Gerald.

"Napansin mo pati 'yon? E, kung pansinin ko rin kaya ang di mo pagsubo. Kumain ka nga muna. Gusto mo pa yatang subuan kita e. Malinis 'yang tinidor at kutsara. Binababad 'yan sa mainit na tubig. Heto ah, tikman mo ang menudo nila dito. The best!" Napansin na lang ni Gerald na naglalagay si Diane ng ulam sa plato niya. Kumindat
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status