CHAPTER TWENTY-FOURHuminto ang kotse sa tapat niya. Kitang-kita niya ang pagsilip nito na para bang pinapasakay siya."Manigas ka diyan. Hindi kita papansinin kahit boss pa kita. Gawin mo na naman akong stress reliever mo," bulong niya sa sarili.Hindi siya nagpahalata ng kahit anong excitement. Ayaw na niyang umasa. Hindi na niya hahayaan ang sariling muling mapahiya. Kung lumapit siya at buksan nito ang kotse para sasakay baka patakbuhin ni Gerald ang kotse niya at muli siya nitong pagtatawanan. Alam niyang may pagkasalbahe ito at di siya kakagat sa simpleng paghinto at pagsenyas lang sa kaniya para lumapit. Kaya lang di niya napigilan magbigay ng sign sa sarili. Kung bababa si Gerald mula sa kaniyang kotse at lalapitan siya, hindi na siya magpapakipot pa. Sasakay siya at sasama kay Gerald. Nang una ayaw niyang patulan ito pero nang bumaba na ito sa kaniyang kotse at nakangiting lumapit sa kaniya ay di na napigilan pa ang sariling ngumiti din. Natupad na naman ang sign. Wala na sil
CHAPTER TWENTY-FIVEBumili siya ng beer at tumambay muna siya sa harap ng kanilang barong-barong pagdating niya. Nakatali ang buhok niya kaya litaw pa rin ang kanyabg ganda kahit simple lang siya. Sanay siyang nakasando lang at short na maiksi kapag nakatambay sa harap ng kanilang bahay kaya madalas din siyang lingunin at pagpantasyahan ng mga dumadaan. Sa kinis ng kaniyang katawan at kagandahan. Hindi puwedeng hindi siya mapansin lalo na ang mga binata o kahit mga may-asawa na nilang mga kapitbahay.Marami pa ring dumadaan, maingay ang buong looban ngunit pakiramdam niya wala siya sa lugar na iyon. Wala siyang ingay na naririnig, ni hindi niya napapansin ang pagbati sa kaniya ng mga dumadaan dahil ang atensiyon niya ay na kay Gerald. Masakit sa dibdib na isiping sa mga sandaling iyon, iba ang kayakap nito, iba ang kahalikan at kahit alam niyang nangyayari iyon, wala siyang magawa. Wala siyang karapatan para pigilan o pagbawalan si Gerald sa ginagawa niyang iyon. Hindi naging sila. Ni
CHAPTER TWENTY-SIX Kung busy si Gerald sa harap ng computer o kaya sa hawak niyang phone, alam ni Diane na may kausap itong i-mi-meet lalo na kung nakangiti ito at maagang aalis sa office. Nagpapakapusong-bato siya ngunit sa katulad niyang hindi naman sanay makipaglaro, nanunoot sa kanya yung sakit. Idinadaan na lang niya sa lahat sa paghinga ng malalim at pag-isip na maayos din siya. Makakalimutan din niya ang pagmamahal niya kay Gerald. Isang gabing hinihintay niyang daanan siya ni Sackey sa tapat ng kanilang Building nang binusinahan siya nang noon ay paalis na ring si Gerald. Siniguro muna niyang walang ibang tao sa likod niya bago niya ito nginitian. Siya lang ang nakatayo roon at hindi din naman siya nakaharang sa dadaanan nito dahil nasa bangketa na siya. Gusto ni Gerald na bumawi sa pagkapahiya niya kay Diane ilang araw na ang nakakaraan. Kaya nang makita niya itong nag-aabang ng masasakyan ay inihinto niya ang kotse para pasakayin siya. Kahit hanggang sa bahay pa nila ay i
CHAPTER TWENTY-SEVEN "Ikaw ang kausap ko, Diane. May gagawin ka ba mamayang gabi?" "Bakit ho, Sir?" "Wala ba o meron?" “Wala ho.” "Wala naman pala eh, magtatanong ka pa kung bakit?" Pabulong. "Pakidala yung ibang gamit ko. Uuwi na lang ako." Tumayo si Gerald at isinuot ang kanyang suit. Dinala niya ang cellphone niya. Mabilis na itinabi muna ni Diane ang hawak niyang panlinis at dinala ang laptop at iba pang folder na gamit ni Gerald. Naabutan na niya si Gerald sa elevator. Nang nasa loob na sila ng elevator ay nagpapakiramdaman sila. Naghuhulian sila ng tingin at kung aksidenteng nagkakatitigan ay mabilis nilang iniiwas ang kanilang mga mata. Para ba silang nadadarang sa tingin ng bawat isa. Nang nasa basement na sila ay binuksan ni Gerald ang sasakyan. Sumakay siya. Binuksan ni Diane ang passengers seat sa likod. Doon niya inilagay ang mga gamit ni Gerald. "Puwedeng sa harap mo ilagay ang latop ko?" "Sige Sir. Pasensiya na po." Mabilis na kinuha ni Diane ang laptop. Binuks
CHAPTER TWENTY-EIGHTHanggang sa naramdaman niyang kinikiliti siya ni Gerald at dahil hindi na siya halos makahinga sa pagpigil niya ng nararamdaman niyang kiliti ay gumanti din siya. Dalawang kamay niya ang ginamit niya sa magkabilang kili-kili ni Gerald kaya nabitiwan siya nito at kapwa sila namumula sa katatawa."Uyy, hintayin mo ako!" sigaw ni Gerald habang naghahabulan sila papuntang exit ng basement."Ayaw ko nga. Nangingiliti ka kaya.""Hindi na nga. Promise.""Sus? Promise daw. Di ako naniniwala sa'yo. Tingin mo pa lang may binabalak ka na eh.""Sandali nga pala.”“Bakit?”“Yan? As in yan ang damit mo sa lakad natin?"Tinignan ni Diane ang suot niya. Suot pala niya ang uniform niyang pang-janitress."May white shirt ako sa loob ng kotse. Medyo sakto naman siguro iyon sa’yo kasi pang-loob koi yon e. Magpalit ka muna kaya." si Gerald.“Okey na ‘to.”“Huwag ka nang kumontra.” Bumalik siya sa kotse at kinuha niya ang polo shirt niya saka niya ibinato kay Diane.Tumalikod lang siya
CHAPTER TWENTY-NINENapakaespesyal para sa kanya ang ngiting iyon na bihira niyang makitang gawin ni Gerald sa opisina.Every little smileThat special smile "Nang-haharass ka ha! Dito mo talaga ginawa ang paghawak sa kamay ko para di ako makatanggi ano?" pabulong at itinapat ni Gerald ang labi niya sa tainga ng kinikilig niyang katabi. Ngunit hindi sumagot si Diane. Tumitig siya sa kanyang mga mata. Sapat na ang lagkit ng tingin nito. Ang kung anong kumikinang sa mga mata nito para tigilan niya ang paghila sa kanyang palad. Parang may kung ano sa tingin nitong nakikiusap na bigyan siya ng panahong patunayan ang kanyang sarili. Huminga si Gerald nang malalim. Hinayaan na lang niya muna ang kamay niyang tuluyang ikinulong ni Diane.The twinkle in your eyeIn a little whileGive it a timeJust a little more timeSo we can get closerYou and I Napailing si Gerald. Lalo pa't nakita niyang sinasabayan ni Diane ng pabulong ang kanta. Parang kinakantahan siya nito. Bibig lang niya ang gum
CHAPTER THIRTY Huminga nang malalim si Gerald. Pinagmasdan niyang maigi ang kutsara at tinidor at ang kanyang plato na may dalawang kanin. Nauna nang sumubo si Diane. Sarap na sarap ito. Ngunit siya, nag-aalangan sa pagkaing nasa harapan niya. Muli niyang nahuling tumingin si Diane sa guwapong nakasando at naghumbs-up pa ito!"Sarap pa rin talaga ng pagkain dito idol! The best!" May kasunod pang kindat."Huwag nang mambola. Nilibre na kita." Nakatawang sagot ng lalaki."Ba't niya nilibre ang pagkain natin?""Narinig mo naman yung sinabi di ba?" sagot ni Diane habang ngumunguya."Bakit ba panay ang tingin at ngiti ng lalaking 'yan sa'yo?" bulong muli ni Gerald."Napansin mo pati 'yon? E, kung pansinin ko rin kaya ang di mo pagsubo. Kumain ka nga muna. Gusto mo pa yatang subuan kita e. Malinis 'yang tinidor at kutsara. Binababad 'yan sa mainit na tubig. Heto ah, tikman mo ang menudo nila dito. The best!" Napansin na lang ni Gerald na naglalagay si Diane ng ulam sa plato niya. Kumindat
CHAPTER THIRTY-ONE "Etong dessert mo." iniabot niya ang isang cone sa kanya at sinimulan na ni Diane na dilaan ang isang hawak niya.Tinikman ni Gerald ang ice cream. "Chocolate flavor?”“Yes. Why?”“I am not eating chocolate. Ayaw ko ne'to.""Etong akin Cheese kaso nadilaan ko na, gusto mo palit na lang tayo?""Sige na, akin na lang 'yan." Ngunit bago niya ipinalit ang chocolate flavor ice cream niya ay dinilaan muna niya iyon nang dinilaan."Wala namang babuyan. Dinilaan mo na ng dinilaan eh, tapos makipagpalit ka sa akin! Akala ko ba ayaw mo ng chocolate?" Reklamo ni Diane.“Ngayon lang. Gusto kasi kita.”“Ano?”“I mean gusto ko kasi yung sa’yo?”“Gusto mo ako? Gusto mong maging sa’yo ako?”“Gusto ko yung cheese ice cream mo, bingi!”“Ayaw ko na, dinilaan mo saka mo ibibigay sa akin yung ice cream emo.”"Hiyang-hiya naman ako sa ice cream na ipalit mo sa ice cream ko, bilang na bilang ko kaya kung ilang beses mong dinilaan yang ice cream na hawak mo. Di pwedeng pumantay?""Okey la