Share

Kabanata 4

Kanina pa nagpabiling-biling sa higaan si Rhezi. She took her spongebob pillow and hugged it tight. Iniisip niya ang nangyari sa kaniya sa loob ng sasakyan ni Kraius nang hawakan niya ang kamay nito. Hanggang sa kasalukuyan ay ramdan niya pa rin ang init ng palad nito.

Rhezi sighed and pouted her lips. She looked up and saw Kraius face in the ceiling. She blinked a few times. Binitiwan din nito ang spongebob pillow at sinabunutan ang sarili. Nababaliw na siya dahil sa lalaki. Crush lang naman niya ito at wala nang iba. She's young and admiring someone is normal.

Kinabukasan ay maagang nagising ang dalaga kahit pa alas-dos nang umaga na siya nakatulog. Ginugol niya ang buong gabi sa kaka-stalk kay Kraius sa Instagram nito. Kakatitig sa gwapo nitong mukha maging sa pagpapantasya sa perpekto nitong katawan.

Magkaganoon man ay hindi pa rin kakitaan ng eyebags ang kaniyang mukha. Maging tigyawat ay wala rin. Napakakinis nang mukha ng dalaga na nakuha niya sa Spanish blood na nananalaytay sa kaniya dahil sa kaniyang ama. Habang half Chinese naman ang kaniyang ina na maganda rin ang kutis.

Mabilis ang mga hakbang ni Rhezi na nagtungo sa kanilang kusina. Suot ang kaniyang complete uniform at bitbit ang black leather backpack ay masiglang naupo ang dalaga sa bakanteng upuan ng kanilang malawak na kusina. Naabutan niya ang ina na abala sa pagluluto para sa kaniyang agahan.

"Good morning, Mommy!" masiglang bati ng dalaga sa ina. Lumapit naman ito sa dalaga at itinigil ang ginagawa.

"Hello, Love! Good morning," sagot naman nito bago hinalikan ang tuktok ng ulo ni Rhezi.

Napangiti ang dalaga dahil doon. Sadyang masyadong spoiled siya pagdating sa ina. Mahal na mahal siya nito dahil nag-iisa lamang siyang anak. Her mother has PCOS and can't carry another child anymore.

"Mommy, malapit na birthday ko. I want to tour Asia. Pwede ba 'yon, My?" tanong ng dalaga habang pinagmamasdan itong naghahain ng kaniyang pagkain.

As usual, bacon at hotdog ang hinain nito. Paborito iyon ng dalaga lalo na at may ginisang kanin at maraming bawang na kapares. Hot choco naman ang paborito niyang inumin sa umaga. Lagi din siyang pinababaunan nito ng sandwich bread kaya hindi na kataka-taka kung bakit mabigat ang kaniyang timbang.

"Sorry baby, but it's a no." Inilapag nito ang plato at seryosong tinitigan ang dalaga. "Bawal," dagdag pa ng ina nito.

Sumimangot ang dalaga. "But, Mommy, eighten na po ako! Bawal pa rin?"

Tumaas ang kilay nito. "Eighten is still a baby. So, stop this Rhezi. Bilisan mo na d'yan nang hindi ka ma-late sa klase."

Walang nagawa ang dalaga kundi ang sumang-ayon na lamang sa sinabi ng ina. Gusto niyang magprotesta dito ngunit pinigil na lamang niya ang sarili. She took the spoon and fork and started eating. Sa isip ay sa kaniyang ama na lamang siya makikipag-usap.

She wanted to tour Asia. Nakita niya kasi ang mga photos ni Kraius na naglilibot sa iba't ibang lugar nito. Gusto niya ring puntahan ang mga iyon dahil totoong nagandahan siya. Ang pinakauna sa kaniyang listahan ay ang Turkey.

Rhezi ate fast. Busog na busog na naman ang kaniyang pakiramdam at nagpapasalamat siya doon. Gayunpaman, ang plano niyang mag-diet ay hindi na naman nasimulan. Bagkus, pakiramdam ng dalaga ay mas lalo pang lumakas ang kaniyang hilig sa pagkain.

Kinutusan niya ang sarili nang matapos siya at masimot ang laman ng kaniyang plato. Pinagalitan niya rin ang sarili, kapagkuwan. Inaamin niyang isa siyang dakilang marupok. Marupok sa pagkain. At syempre, marupok siya kay Kraius.

"I have different plans for your eighteenth birthday, baby. So, cheer up!" nakangiting wika ng ina ni Rhezi matapos magpaalam ang anak.

"I understand," mahinang sagot ng dalaga. Sinadya nitong haluan ng lungkot ang boses para malaman ng ina na disappointed siya sa desisyon nito. Umiling lamang ang ginang at tinapik ang balikat ng dalaga.

Rhezi went to school with a heavy heart. Kailangan niyang umisip ng paraan para pumayag ang kaniyang Daddy. Tanging ito na lang ang pag-asa niya para matupad ang kaniyang plano.

Her personal driver sent her to school. Tahimik ang dalaga habang binaybay ang daan patungo sa kaniyang eskwelahan. Tulad ng dati, napapailing na lamang ang dalaga habang nakikita ang walang kamatayang trapiko. Ang usok na nagmumula sa tambutso ng mga sasakyan. At ang mga taong naglalakad sa gilid ng kalsada.

Tahimik ang Saint Benilde nang marating ito ni Rhezi. Kakaunti pa lamang ang mga estudyante na naroon. She walked straight to her room. Naroon na rin ang kaniyang mga kaibigan base na rin sa message ng mga ito sa kaniya sa text.

Tulad ng dati, pinagtitinginan ang dalaga ng ibang estudyante habang naglalakad. Sanay na rin ang dalaga kaya ipinagkibit-balikat na lamang nito iyon. Bukod sa mapang-asar na ngiti ay mapangutyang tingin ang pinupukol nito sa dalaga. Irap naman ang nakukuha nito pabalik mula sa kaniya. 

Nasa second floor ang silid ng dalaga. Nang marating niya ang palapag ay puno na rin ng pawis ang kaniyang noo. Hinihingal ang kaniyang pakiramdam nang magpatuloy sa paglalakad. Bitbit ang tumbler na may lamang tubig ay napangiti ang dalaga nang tuluyang bumungad sa kaniya ang silid-aralan.

Simple lamang iyon. Puting interior upang maging maaliwalas sa mata ng mga estudyante. Isang malaking chalkboard sa harap at mga silya at mesa na gawa sa metal. At ang desk ng kanilang teacher sa harapan.

"Girl!" Halos mabingi si Rhezi sa lakas nang boses ni Tin. Hindi na namalayan ng dalaga na nakalapit na ito sa kaniya. Inakbayan kaagad siya nito habang mag ngiti sa mga labi. Isang masamang tingin naman ang kaniyang isinukli dito.

"Oh! Ano na namang ginawa ko?" inosenteng tanong nito.

"Sisirain mo ba ang eardrums ko?" balik tanong ng dalaga.

"Hindi. Pero, sisirain ko ang bag mo kapag hindi mo ako ipapakopya ng assignment natin sa Trigo!" eksaheradong sagot ng kaibigan habang iginagaya si Rhezi papasok.

Sa narinig ay agad na nanlaki ang mga mata ng dalaga. Mabibilis ang mga hakbang na nagtungo siya sa sariling upuan. Mabilis rin ang kaniyang mga kilos na kinuha ang notebook. Maging ang kaniyang notepad ay kinuha niya rin para tingnan.

"Oh, shit!" mura ng dalaga.

"Bakit?" takang tanong ni Tin. Tiningnan din nito ang kaibigang sina Mics at Carmina na nasa likuran ng upuan ni Rhezi. Nagkibit-balikat lamang ang dalawa.

Rhezi pouted her lips. Nilingon niya ang dalawang kaibigan sa kaniyang likuran. "Wala akong sagot sa Trigo."

Sabay na napabuntonghininga ang tatlo. Nanlulumo dahil pare-pareho ang mga itong walang sagot. Ang tanging pag-asa na lamang sana nila ay si Rhezi ngunit maging ito ay wala rin pala.

"Akala ko pa naman tapos ka na dahil chat ka ng chat sa akin kagabi tungkol sa crush mo!" panunumbat ni Mics.

Napalabi si Rhezi. "Kapag engrossed ka na. Nakakalimutan mo na ang responsibility mo."

"Mahirap umasa, kaya tigil-tigilan mo 'yan Rhezi," bwelta naman ni Mics at kinuha ang sariling notebook.

Napasimangot ang dalaga. Hindi naman siya umaasa. Sadyang unang beses niyang nagkagusto sa opposite sex at si Kraius iyon. Hindi niya tuloy matukoy kung ano ang dapat at tama niyang gawin. Naninibago at naguguluhan siya.

She adored him for being famous and successful. For being smart and talented. Sa dami ng awards na nakuha nito at achievements. Sa mga mabibigat na kaso na naipanalo nito nang walang kahirap-hirap. In the end, she realized that she wanted to be a lawyer just like him.

"Tama na nga 'yan. Sagutan na lang natin 'to bago pa dumating si prof," wika na lamang ni Carmina.

Rhezi sighed and faced her notebook. Maging ang kaniyang kaibigan ay ganoon din. Hindi naman siya nahirapan dahil minamani niya lang ang math. Sadyang lutang lang siya dahil sa pantasya niya kay Kraius.

"Rhezi, ang crush ginagawang inspirasyon hindi distraksyon," wika ni Tin. Kakatapos lamang ng mga itong sagutan ang assignment sa Trigo.

"I know," sagot naman ng dalaga habang nakayuko.

Ilang sandaling nag-usap ang apat bago nagsidatingan ang kanilang mga kaklase. Kasulod lamang din nito ang kanilang prof sa subject nilang Trigo. Kinuha kaagad nito ang kanilang assignment bago nag-lecture ng panibagong topic sa araw na iyon.

Buong maghapong lutang si Rhezi kahit pa pilitin nito ang sariling makinig sa mga sinasabi ng guro nito. She scolded herself for being occupied and distracted these past days. She felt worst. Nawalan siya ng gana lalopa't umuukilkil sa isip niya ang sinabi ni Tin. Alam niyang may punto ito. Alam niya ring sumubra siya sa dapat na paghanga na nararamdaman niya para kay Kraius.

"Hoy, taba! Bakit ka nakanguso? Para ka tuloy baboy!" tukso ng isa niyang kaklase. Kakatapos lamang ng last period nila at abala na ang lahat sa pag-aasikaso ng kani-kanilang gamit.

Rhezi looked at her classmates direction. She glared at him. Ang lakas mang-asar nito kahit pa patpatin at hindi naman kagwapuhan. Bukod pa roon, mas mayaman ang pamilya niya kompara sa pamilya nito.

"Tumahimik ka nga Jericho! Isang pitik na lang kita, eh! Tumba ka na!" balik asar naman ni Rhezi dito. Hindi na sana ito papatulan ng dalaga ngunit dahil bad mood siya ay damay-damay na ang lahat. "Ang papangit niyo!"

Nagtawanan ang kanilang mga kaklase sa sinabi ng dalaga. She looked at her classmates face. Napailing na lamang ang dalaga habang pinagmamasdan ang mga ito. Puno ng kolorete ang mukha ng ibang babae habang feeling gwapo naman ang mga lalaki. Kung ikukompara sa kaniya, walang-wala ang mga ito.

"Mas pangit ka! Mataba pa! Sinong magkakagusto sa'yo?" sulsol naman ng isa niyang kaklase.

Hinarap ito ni Rhezi at binigyan ng masamang tingin. Itinaas niya rin ang kamay at binigyan ito ng middle finger. Nagtawanan muli ang kaniyang mga kaklase habang pigil na pigil naman si Rhezi ng kaniyang mga kaibigan.

"'Pag ako pumayat, who you kayo sa akin! Lalo ka na, Jericho!" Tinuro niya ang kaklaseng si Jericho "Saka, may jowa ako mga chismoso! Baka kapag makita niyo maglaway kayo. Pwe!" matapang niyang saad sa lahat.

"Hey, what happened here? Why are you shouting chubz?"

Lutang si Rhezi ngunit hindi siya bingi. Nang tingnan niya ang pintuan ng kanilang classroom ay bumungad kaagad sa kaniya ang mukha ni Kraius. Nakakunot ang noo nito habang seryoso naman ang tingin. He's in his usual business coat while leaning on the door and playing with his car key.

Rhezi was still stunned. Kung hindi lamang kinurot ni Tin ang tagiliran ng dalaga ay hindi pa ito magigising sa pagkawindang. Biglang nagising ang lahat ng kaniyang himaymay. Nilingon niya ang kaibigan at sinamaan ng tingin. 

"Sino 'yan?" bulong naman nina Mics at Carmina sa kaniyang likuran. Maging si Tin ay nagtatanong rin ang tingin na nakatutok sa dalaga. 

"Jowa ko," walang kaabug-abog na deklara ng dalaga. Dahil tapos na siya sa pag-aayos ay nilapitan niya si Kraius at nginitian ng matamis. "Ang tagal mo naman!" pagalit niyang wika dito.

"What is happening?" bulong ni Kraius sa dalaga.

"Sumakay ka na lang," wika naman ng dalaga. Tumango ang binata kaya mabilis itong hinawakan ni Rhezi sa braso at hinila ito papalayo.

Ganoon pa rin ang pakiramdam ni Rhezi. Habang nakahawak siya kay Kraius ay ang hindi maipaliwanag na kuryente na dumadaloy sa kaniya ay naroon. Ang pagtibok ng kaniyang puso ng mabilis at ang pagtambol.

Inaamin ni Rhezi na sabog at lutang na siya dahil kay Kraius. Maging ang kaniyang logic ay natitibag nito. Alam niyang mali ngunit, si Kraius na yata ang distraksyon niya sa buhay.

@sheinAlthea

Shein Althea

Unedited. Typos and errors ahead

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status