Share

CHAPTER 28

Kagaya ng inaasahan, naging mailap nga saakin sina Mama at Papa kinabukasan. Hindi nila ako kinakausap, pero nang mag umagahan, pinatawag ako sa kuwarto para sumabay kumain sa kanila. Naging tahimik ang mesa, ramdam ko 'yong awkwardness kaya binilisan ko ang pagkain para makaalis agad ako at bumalik ang nakasanayang sigla sa hapag-kainan.

Maghapon akong nagkulong sa kuwarto, si Zachary at si ate Zekainah lang ang kumakausap saakin. Si Papa, pinapansin naman ako pero nanginginig ako sa lamig ng pakikitungo niya saakin. Si Mama, ni hindi ako tinatapunan ng tingin at para lang akong hangin sa bahay. Wala naman akong reklamo doon dahil kasalanan ko naman kung bakit naging ganoon ang pakikitungo nila saakin. Alam kong huhupa rin ang galit nila, pero hindi ko alam kung hanggang kailan sila mananatiling ganiyan.

" Tendy..." Napatingin ako kay Colleen na may hawak na balat ng candy. Wala ngayon si ate Zekainah, abala sa paglalako ng mga paninda niya kaya saakin muna pinaalagaan ang anak niya.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Marlo Bandong
thanks author sa update... habang tumatagal gumaganda Ang story... more update papo please..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status