"Oh my gosh! Hindi kayo maniniwala sa nakita ko kanina," hindi makapaniwalang sambit ng isa sa mga ka-blockmate ko dahilan upang magsipuntahan ang mga kaklase namin sa kaniya.
Nagtipon-tipon sila sa isang sulok kasama ng mga upuan at saka doon nag kwentuhan. Dahil dakilang chismosa si Zari, pati siya ay lumapit din doon. Napailing na lang ako dahil sa pagkachismosa nila at itinuon na lang ang aking atensiyon sa librong pinag-aaralan ko.
"Oh my gosh! What is she doing here?" narinig kong tanong ng isa sa mga kaklase namin kaya napatingin na rin ako roon. Nakita ko si Farrah na naglalakad papasok dito sa classroom at tumigil siya sa mismong harapan ko. "I told you, totoo ang balita ko," dagdag nito.
Since nakaupo ako, nakatingala ako kay Farrah ngayon dahil nasa harapan ko siya at nakatayo. Tiningnan ko siya pero tumaas lang ang kaniyang kilay at may ina
Nagtipon-tipon kami sa buhanginan sa may ilalim ng mga coconut trees para maging malilom ang pwesto namin. Pinapila kami ng four lines per department at kasalukuyan akong mag-isa rito at walang kakilala. Well... kilala naman ako ng mga ito, pero hindi ko naman sila kilala and that's useless. "Attention, students! Since first day natin ngayon ay magkakaroon tayo ng free day. You can do whatever you want to do here, except sa pag-iinuman, okay? That doesn't mean na nasa legal age na kayo ay maaari na kayong uminom ng alak dito. That's prohibited here, understood?" paliwanag ng professor namin dahilan upang maghiyawan sa disappointment ang mga estudyante rito. "Magkakaroon na tayo ng mga activities bukas kaya sulitin niyo na ang araw na ito. That's all, enjoy your day." Matapos ng announcement ay naglakad na siya papunta sa kaniyang cabin. "Nakakainis naman si Prof, ang kill joy!" narinig ko
"Hey, Princess, wake up! Wala ka sa bahay niyo para pagsilbihan ng mga maids mo!"Dahil sa pagsigaw na narinig ko ay agad akong napabalikwas ng upo at masamang tiningnan si Farrah na kasalukuyang nakapamewang at masama ring nakatingin sa akin."Bakit ka nakabihis, saan ka pupunta?" pumupungay ang mga matang tanong ko sa kaniya dahilan upang mas lalong tumaas ang kaniyang kilay."Baka nakakalimutan mo na nasa retreat at fieldtrip tayo? Malamang, may activities tayong gagawin ngayon," napapairap na sagot ni Farrah at napapakamot pa sa kaniyang ulo dahil sa frustration. "Kahit kailan talaga, buhay Prinsesa ka. But now na wala ka sa bahay niyo, kumilos ka nang mag-isa." Tinalikuran na niya ako at lumabas na ng cabin.Napahilamos na lang ako sa aking mukha bago tumayo at kumilos na para maligo. Mabilis lang ang naging pagkilos ko katulad ng ginagawa ko araw-araw tuwing may pasok kami. Nang matapos ako sa
Nagising ako dahil sa liwanag ng araw na sumisilip sa siwang ng kurtina na nakalagay sa bintana ng cabin namin. Nang igalaw ko ang aking katawan, agad akong napadaing dahil sa sakit na nararamdaman ko sa aking katawan. "Ouch! It hurts, ano ba, 'to?" narinig kong pagdaing din ni Farrah. Nilingon ko siya at nakita ko ang sakit mula sa kaniyang mukha habang nakahawak sa braso niya. "Ano'ng nangyari sa 'yo?" nagtatakang tanong ko habang nakatingin sa kaniya. "Ang sakit ng balikat ng braso ko, pakiramdam ko'y hindi ko kayang kumilos ngayon dahil sa panghihina," sagot niya. "Me too, ang sakit din ng katawan ko. I think... nabigla ang katawan natin dahil sa paglilinis kahapon. Mabuti na lang at hindi na natuloy 'yung activity natin kahapon," sambit ko habang pinipilit na igalaw ang katawan ko ngunit sakit lamang ang nararamdaman ko. Hindi na namin nagawa ang activity namin kah
"Oh my gosh, Chanel!" narinig kong sigaw ni Zari mula sa area kung saan ko siya iniwan. Nakita kong tumakbo rin siya palapit sa akin kasabay nina Geo at Dior na nagtatago kanina sa likod ng puno. Nakita ko rin na natataranta sila habang nakatingin sa kalagayan ko ngayon. Si Dior ay lumilinga-linga sa paligid upang makahanap siguro ng bagay nakakatulong para maialis ako rito. Si Geo naman ay nag-aalalang nakatingin sa akin habang pilit na inaabot ang kamay niya. Kasalukuyang nakabaon ang aking mga paa sa isang napakalaking butas at may mga sanga sa ilalim ko kung saan nakabaon ang mga paa ko. Hindi ko na rin maramdaman ang mga paa ko dahil sigurado ako na may sugat na ito. "Humawak ka sa kamay ko, Chanel. Ilalabas kita riyan," desperadong ani Geo. Pasimple akong tumingin kay Dior ngunit nakita kong nakatingin din siya sa akin habang umiiling. "Come on, Chanel! Baka ma-infection pa ang sugat mo!"
"Are you sure na sasama ka pa rin sa amin kahit ganiyan ang kalagayan ng paa mo?" nag-aalalang tanong ni Zari habang nakatingin sa paa kong may benda pa rin hanggang ngayon."Nakailang tanong na kayong tatlo, pero hindi na talaga magbabago ang isip ko. Kilala niyo ako, kapag sinabi kong gusto ko, makukuha ko," sagot ko. Pasimple kong sinulyapan si Dior at nakita kong nakatingin lang siya sa mga estudyante na nagbubuhat na ng mga boxes ng relief goods donation na ipamimigay namin sa mga tao na nakatira sa bundok."Fine... pero bubuhatin ka ni Geo, okay?" ani Zari dahilan upang samaan siya ng tingin ni Farrah. "What's your problem, b*tch?""No! It should be Kuya Dior dahil siya ang boyfriend ni Chanel," mataray na ani Farrah habang masama ang tingin kay Zari. Nakapulupot din ang kaniyang kamay sa braso nito dahilan upang mag init ang ulo ko. Kainis. Alam na nga nilang may past silang dalawa tapos ganiyan pa siya kung makal
Kasalukuyan na kaming naglalakad papunta sa maliit na bayan na nasa ibabaw ng bundok. Balita ko, marami raw roon ang mahihirap dahil na rin sa kakulangan sa pera since malayo sila sa kapatagan.Habang naglalakad ako, pakiramdam ko ay may sumasaksak sa akin mula sa likuran. Dahil doon ay pasimple kong nilingon ang tao sa likuran ko at nakita ko ang grupo ng mga babaeng madalas na nang bubully sa akin. Nagtatawanan sila habang nagbubulungan at sumusulyap-sulyap pa sa akin. Kung titingnan sila, iisipin ng ibang tao na may masama silang binabalak sa akin.Hindi ko na lang sila pinansin at pinagpatuloy ang aking paglalakad kahit medyo kumikirot na naman ang sugat ko sa paa."Excuse us!" madiin at mataray na sambit ng isang tinig. Dumaan siya sa gilid ko at hinawi ako paalis dahilan upang mapaupo ako sa lupa. Nang tingnan ko ang dinaanan niya kanina, nakita kong maluwag pa naman ang daan doon ngunit sinadya pa rin niyang dumaa
DIOR's POVKasalukuyan akong naglalakad habang nililinga-linga ang aking ulo at paningin upang hanapin si Chanel. Nawala kasi siya sa paningin ko kanina noong nag sintas ako. Natanggal kasi ito at nang lingunin ko si Chanel, nawala na ito sa paningin ko. Kahit magkagalit kami ngayon as a couple, hindi mababago ang katotohanan ako ang bodyguard niya kaya binabantayan ko pa rin siya.Imbes na pababa ng bundok ang lakad ko, papanik muli sa bundok ang ginagawa ko. Mabuti na lamang at hindi ko napapansin ng mga professors dahil sa ginagawa ko. Iniisa-isa ko rin ang mukha ng mga kaklase namin upang makita si Chanel ngunit nakarating na ako sa huling estudyante, pero hindi ko pa rin siya makita.Ako na lang mag-isa ang narito dahil medyo napalayo na sila sa akin dahil patuloy pa rin ang paglalakad nila pababa. Muli kong nilibot ang aking paningin ngunit wala akong nakita na kahit anong bakas ni Chanel.
"Chanel, come here. Kuya has a surprise for you.""Really, Kuya? What's that?""Come here and see it for yourself."Tinakpan niya ang mga mata ng kapatid gamit ang mga maliliit niyang kamay. Inakay niya ito palabas ng kanilang bahay at huminto na nang marating nila ang lugar na inihanda niya."Kuya, bakit ang tagal? I'm so excited na, oh.""Okay. Open your eyes, Princess."Dahan-dahang iminulat ng batang babae ang kaniyang mga mata at tiningnan ang nasa kaniyang harapan. Noong una ay tanging malabong rebulto lang ng isang tao ang kaniyang nakikita kaya kinusot niya ang kaniyang mga mata hanggang sa luminaw na ito.Muli siyang tumingin sa taong nasa kaniyang harapan at nakita ng kaniyang mga mata ang mukha ng isang batang lalaki. Ngumiti siya rito at kumaway pa ngunit nakat