Share

Chapter Fifty Eight

SAKAY ng helicopter, nilisan nila Craig at Cameron ang lumang gusali kasama ang iba nitong tauhan. Tahimik lang siyang nakatanaw sa mga liwanag na nasa ibaba.

Sa mga oras na iyon, gusto niyang tumalon na lang. Mas gugustohin na lang niya ang mamatay, ni hindi niya magawang tingnan si Cameron dahil sa galit.

Naramdaman ni Craig ang paghaplos ng kamay ni Cameron sa braso niya dahilan para mag-igtingan ang mga bagang niya.

"Ang tahimik mo ata? Huwag mong sabihin sa akin na iniisip mo ang babaeng iyon?"

"Natural lang na isipin ko siya at ang mga bata—"

"May usapan tayo, Craig!" sigaw nito.

Nilingon niya ito. "Sa tingin mo hindi ko siya iisipin pagkatapos ng ginawa mo? Gumawa kanng gulo, Cameron!"

"Nagawa ko 'yon dahil sayo! Mahal kita, Craig, alam mo 'yan!"

"Mahal mo 'ko?" Pagak siyang natawa. "Pero nagawa mong kumalantari ng ibang lalaki? Iyon ba ang pagmamahal para sayo?!"

Masama siya nitong tiningnan pagkatapos ay timutukan siya nito ng baril. "Ang usapan ay usapan. Wala kang ibang gag
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status