Share

Chapter Fifty Nine

NAGISING si Virginia na umiiyak. Kahit sa pagpikit ng mga mata niya ang mukha pa rin ni Prince ang nakikita niya. Naaalala niya ang sakit sa mukha ni Prince nang salagin nito ang bala na dapat ay kay Brad.

Buhat-buhat siya ni Brad ng mangyari ang insidenteng iyon. Hindi rin kasi siya kayang buhatin ni Prince dahil bugbog din ang katawan nito at puno rin ng sugat.

Nang makita niya ang oras mula sa pader ng hospital room niya ay alas-onse na ng gabi. Marahan siyang bumangon para maupo. Inabot niya ang basong nakatakip na may lamang tubig at ininom iyon.

Doon niya napansin na wala si Brad sa kwarto. Mga ganitong oras kasi nasa loob lang ito nagbabasa ng diyaryo habang nagbabantay sa kanya.

Napatigin siya sa bumukas na pinto at pumasok si Brad. "Bakit ka nagising?"

Ibinalik niya ang baso mula sa bedside table. "Napaginipan ko si Prince," aniya na mapait na ngumiti.

"Nakaburol na ba si Prince? Pumunta ka na ba doon?" tanong niya.

Umiling ito. "Hindi ako pinayagan ng ama ko na pumunta."

"Ka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status