“Ang lakas ng loob niyang pagbantaan ako, hindi ako ang lumalapit sa fiancé niya. Iyang Sandro na iyan ang kusang lumapit sakin from the very start, wala akong planong mapalapit sa kanya at alam iyon ni Lalaine,” parang ulan na bumuhos ang mga luha ng dalaga habang naglalakad palabas ng mall.Hindi pa rin niya matanggap ang lahat ng nangyayari sa kanya, hindi niya ginusto ang mahulog ang loob sa binata pero hindi naman niya kayang mapigil ang sarili na huminto na sa pagmamahal niya dito at ang tanging kaya lamang niyang gawin ay ang umiwas dito kahit pa masakit sa kanyang loob.Matuling naglakad si Aika, patuloy pa rin sa pagbagsak ang kanyang mga luha. Wala siyang pakialam kahit pagtinginan pa siya ng mga tao o pag-isipan na nasisiraan ng ulo dahil sa kanyang pagtangis.Nakauwi siyang ligtas sa place niya, pinunasan niya ang kanyang mukha at kinuha ang maliit na salamin at tiningnan ang sarili sa salamin. Nasiyahan siya ng makita ang sariling walang bakas ng pagluha, yun nga lamang a
Huminto sa pagtatrabaho si Juaquin nang makitang mag-aalaskwatro na ng hapon at hindi pa rin siya pinupuntahan ng nobyang si Lalaine.“Baka may nangyari na sa kaniyang hindi maganda,” nag-aalalang komento niya, agad niyang inayos ang mga gamit para umalis na. Napatingin siya sa kaniyang phone nang mag-beep ito, nakahinga siya ng maluwag matapos makatanggap ng mensahe sa nobya na mahuhuli ito ng dating sa opisina ng binata dahil marami pa silang ginagawa.“I’m glad you are safe,” nakangiti niyang kinausap ang kanyang selpon, lumabas na siya ng kanyang opisina. Hindi na niya mahintay si Lalaine kaya naisip niyang puntahan na lamang ang dalaga para ma-secure na rin ang kaligtasan nito.Malapit lamang ang Beauty Company sa Cristobal Company kaya naisip niyang lakarin na lamang ito dahil may maganda siyang plano para sa date nila ng nobya.Habang naglalakad si Juaquin ay iniisip niya kung sino ang maaaring pumatay sa ina ng kaniyang babaeng minamahal, iniisip niya isa- isa ang mga tao sa b
Namamayagpag ang pangalan ni AJ sa buong bansa ng Paris dahil sa kanyang ipinakitang potential sa pagmomodelo maging sa pag-acting na rin kaya agad maraming mga nagkandarapang kumpanya ang nais maging parte ng industriya nila ang dalaga.Nagkalat ang mga poster at mukha niya sa mga naglalakihang building, telebisyon maging sa social media. Labis ang tuwang tinatamasa niya sa twing may mga makakasalubong na tao at nais magpapicture kasama siya.“Hindi ba’t tama ako ng desisyong dalhin ka dito, anak?” tanong ni Olivia sa anak niya habang sila ay naglalakad.“Thank you, mom. I am so happy to have a very understanding mom like you,” matamis na sinabi ni AJ.“Basta ikaw, anak. I will do everything para sa ikabubuti mo,” tugon ni mommy Olivia. Masaya si Olivia na unti-unti ng nalilimutan ng anak niya si Juaquin at pakiwari niya ay hindi na ito magbabalak pang bumalik sa Pilipinas dahil gumaganda na ang buhay ng anak niya at peaceful na rin ang isipan ni AJ. Sigurado siyang hindi na babalik
“Sino ito? Anong kinalaman mo sa pagkamatay ni tiya Mercy?” tanong ni Juaquin. “Maaari ba tayong magkita, Mr. Cristobal para sabihin ko sa’yo ang lahat ng nalalaman ko at maibigay ko sa’yo ang ebidensiyang hawak ko,” suggest ng ginang. “Bakit hindi tayo ngayon magkita?” tanong ni Juaquin, “wala naman akong gaanong gagawin ngayon,” dagdag pa nito. Gusto na talaga niyang mahuli ang kriminal para mapagbayaran na nito ang ginawa niyang walang kapatawaran sa ina ni Lalaine, ayaw na rin niyang ilihim pa ang totoo sa kanyang nobya dahil hindi na niya kaya pang itago ito sa nobya. “Hindi maaari, nasa Paris ako,” pag-amin nito sa kanya. Nagtaka si Juaquin kung paanong umabot sa Paris ang may alam sa nangyari sa kanyang ina, isa lamang ang pumasok sa kanyang isipan at iyon ay naroon si AJ. “Sige. Kailan mo gustong makipag-usap sa akin para maipa-schedule ko na sa secretary ko?” malakas ang kutob niya na maaaring may kinalaman dito si AJ pero hindi pa niya ito makumpirma hanggang wala pang
Marami ang dumating na bisita sa gaganaping pakikipag-isang dibdib ni Sandro at ni Cassie sa isang garden ceremony, masaya at bihis na bihis ang lahat. Umattend ang buong pamilya ng groom at ng bride, maging ang ilan sa mga kaibigan ni Sandro at ang mag-nobyong si Juaquin at Lalaine.Nakasimangot pa rin si Lalaine dahil napilitan lamang siyang umattend dito dahil sa pamimilit ng nobyo niya na sumama siya, labas sa kalooban ay nakatayo siyang nag-aabang sa mangyayari.“Wala ako dapat dito, Juaquin. Magtatampo lalo ang kaibigan ko dahil sa pagdala mo sa akin dito,” inis niyang bulong sa binata.Hinawakan ni Juaquin ang kamay ng binata at humalik sa noo ni Lalaine, “I’m sorry, sweetie. Pagbigyan mo na ako kahit ngayon lang,” paglalambing ni Juaquin sa dalaga.“Ano pa nga bang magagawa ko? Nandito na ako,” naasar na tugon ni Lalaine sa binata.Suot ni Sandro ang puting tuxedo na mas nagpaangat pa lalo ng kanyang kapogian, iginala nito ang kanyang mga mata sa bisitang nagsidalo. Agad niyan
Naglalakad si Soledad sa labas ng subdivision nang matanaw niya ang binatang si Sandro sa labas ng bahay nila, “Oy! Ikaw! Anong ginagawa mo dito?” sigaw niya habang papalapit sa binatang mukhang kawawa.Minasdan niya ang kasuotan nitong kulay puti at natitiyak niya kung ano ang nangyari, “tumakas ka siguro sa kasal mo, ano? Kaya ka naparito para…” napaisip si Soledad, “para gamitin ang anak ko!” bintang niya.“H-hindi po, tita. Hindi na ako tumuloy ng kasal dahil mahal ko ang anak niyo,” pagpapakumbabang pag-amin ni Sandro.Nakapamewang si Soledad habang nakatitig sa binata, “hindi na ako naniniwala sa iyo, umalis ka na dito kung ayaw mong ipakaladkad kita sa guard,” pagbabanta niya. Masama ang loob ni Soledad dahil naniwala siyang maganda ang hangarin ni Sandro sa kanyang nag-iisang dalaga pero ‘yun pala ay pagpapanggap lamang ang lahat ng ito, hindi pa nakakaalis si Sandro nang humahangos na lumabas si Oliver at Gio.“Nay! Si ate nasa balita!” sigaw ni Oliver.“E, nasa balita naman
Pinindot ni Lalaine ang profile ni AJ, nanlaki ang mga mata niya nang bumulaga sa kanya ang milyong followers nito sa social media at ang nagpataas pa ng kilay niya ay ang biglang pagsikat nito bilang isang modelo sa Paris.“Totoo ba ito?” bulalas niya, naagaw niya ang atensyon ng kaibigang si Aika, “ano ba ‘yang kanina mo pa tinitignan, Lalaine?” usisa ni Aika dahil curious din siya sa kung anong tinitignan ng kaibigan.Itinapat ni Lalaine ang kanyang cellphone sa harap ng mukha ni Aika, “hindi ba nakakapagtaka naman ang biglang pagsikat niya sa ibang bansa?”“Oo nga, no? Pero bakit ka pa magtataka? Mayaman naman ang pamilya ni AJ kaya sure akong may ginawa ang mga iyan,” alam ni Aika ang history kung paano biglang sumikat si AJ na modelo sa ibang bansa dahil napakaraming articles ang nabasa niya tungkol sa dalaga. Alam niya ring maraming mga tumulong kay AJ dahil pumapabor ito sa namayapang ama ng dalaga kaya karamihan sa kanila ay pinilit at ginawa ang lahat ng makakaya mapasikat l
Nagkita ang magkaibigang sina Juaquin at Sandro sa labas ng kumpanya ni Aika, “what happened? Did you convinced them to let her continue her job as a broadcaster?” tanong ni Juaquin sa kaibigan.Nakayukong umiling si Sandro, ipinaliwanag niya sa board members ang kaniyang sitwasyon pero pagkatapos ay pinalabas na siya at sinabihang pag-iisipan nila ang kanilang desisyon. Hindi matanggap ni Sandro ang pagtanggi sa kanya ng mga board members ng kumpanya, diskumpayadon siyang magpagbibigyana ng kaniyang hiling.“Bakit hindi sila pumayag? Akala ko ba ay kaya mo silang i-handle?” kinuwestyon ni Juaquin ang kakayahan ng kaibigan.“Kung nandito ka lang para ipamukha saking mali ang desisyon ko sa pag-acquire sa company ako, umalis ka na lang,” taboy niya sa kaibigan.“I’m here to help you hindi kung ano pa man dahil kaibigan kita at dahil utos rin ng nobya ko,” natatawa niyang pag-amin.“Hindi mo na kailangang magsinungaling sa akin, Juaquin dahil alam kong kung hindi ka inutusan ni Lalaine