Share

Kabanata 63

Marami ang dumating na bisita sa gaganaping pakikipag-isang dibdib ni Sandro at ni Cassie sa isang garden ceremony, masaya at bihis na bihis ang lahat. Umattend ang buong pamilya ng groom at ng bride, maging ang ilan sa mga kaibigan ni Sandro at ang mag-nobyong si Juaquin at Lalaine.

Nakasimangot pa rin si Lalaine dahil napilitan lamang siyang umattend dito dahil sa pamimilit ng nobyo niya na sumama siya, labas sa kalooban ay nakatayo siyang nag-aabang sa mangyayari.

“Wala ako dapat dito, Juaquin. Magtatampo lalo ang kaibigan ko dahil sa pagdala mo sa akin dito,” inis niyang bulong sa binata.

Hinawakan ni Juaquin ang kamay ng binata at humalik sa noo ni Lalaine, “I’m sorry, sweetie. Pagbigyan mo na ako kahit ngayon lang,” paglalambing ni Juaquin sa dalaga.

“Ano pa nga bang magagawa ko? Nandito na ako,” naasar na tugon ni Lalaine sa binata.

Suot ni Sandro ang puting tuxedo na mas nagpaangat pa lalo ng kanyang kapogian, iginala nito ang kanyang mga mata sa bisitang nagsidalo. Agad niyan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status