Hinintay lang ni Mauro na makabalik ang ama bago sinimulan muling pag usapan ang tungkol sa kasal."Hija, kailan mo gustong e set ang kasal at saan?" tanong ni Betn kay Diana.Bubuka na sana ang bibig ni Diana ngunit inunahan siyang magsalita ni Mauro."Tama na ang simpling kasalan dahil nagmamadali kayo. Isa pa ay ayaw ko na maraming nakakaalam tungkol sa kasal."Parang may karayom na tumusok sa puso ni Diana pagkarinig sa sinabi ni Mauro. Kulang na lang ay sabihin nitong ikinahihiya siyang maging asawa kaya ayaw na makilala siya ng karamihan. Simple lang din naman sana ang isasagot niya. Mas masakit lang talaga marinig galing sa mismong lalaking mahal niya."Hindi maari. Kaisa-isa kong apo na babae si Diana at gusto kong maranasan niya ang magarbong kasalan! May sarili kaming pera, kung dahil sa gastos ay ako na ang bahala!" Tutol ni Vincent.Napabuntonghinga si Kobe at magkakaroon na naman ng hindi pagkakaintindihan. "Senyor, hindi problema ang pera dito!""Lolo, ayos lang po. Tam
Kinabukasan, pasado nine ng umaga na sinundo si Jade ng driver ni Mauro. Hindi na siya nagtanong kung nasaan ang binata. Kasama pa rin niya si Meashell dahil iyon ang gusto ng abuelo na pabor naman sa kaniya."Bakit dito tayo dinala?" tanong ni Meashell habang nakatingala sa isang malaki at mataas na building. "Ito ang kompanya nila Mauro." Maiksing sagot ni Diana bago kumagat muli ng mangga. Pagtingin niya sa driver ay mukhang hindi na maipinta ang mukha at naasiman sa kinakain niya."Ang akala ko ba ay sa jewerly–""May importante pa pong pinuntahan si Sir Mauro kaya wala pa siya. Si Sir Kobe po ang nag utos na dito na lang muna dalhin si Ma'am Diana." Mabilis na paliwanag ng driver.Inirapan ni Meashell ang driver at hindi siya pinatapos sa pagsasalita. Ngunit ngumiti lang ito sa kaniya. Mabilis na niyang itinabi ang ibang mangga at sinilid sa bag na dala para may makain ulit mamaya ang alaga niya.Nagmadali nang bumaba sa sasakyan si Diana nang maalala na may kasunduan sila ngay
"Sir, try niyo pong isuot sa daliri ng fiancee niyo ang singsing kung kasya ba." Suggest ng sales lady habang nakatingin kay Denise.Kinuha ni Mauro ang singsing sa sales lady at lumapit kay Diana. Walang ingat na hinawakan niya ang palad nito upang isuot ang singsing sa daliri nito.Pinigilan ni Diana ang dumaing sa sakit nang mahawakan ni Mauro ang kamay niyang namamaga. Binawi niya ang kamay mula sa pagkahawak nito ngunit lalo lamang hinigpitan kaya napapiksi na siya.Nangunot ang noo ni Mauro at napatitig sa mukha ng dalaga. Halatang nasasaktan ito at mariing naglapat ang mga labi. Pagtingin niyang muli sa likod ng palad nito ay saka lang niya napansin na namumula iyon.Mabilis na binawi ni Diana ang kamay at inilayo sa binata. "Ako na ang magsusukat." Inilahad niya sa harapan nito ang kanang palad."Ano ang nangyari sa kamay mo?" sa halip ay tanong niya sa dalaga at hindi ibinigay ang singsing."Nothing," malamig niyang tugon kay Mauro at nanatiling nakalahad ang palad dito.Napa
"Oh, kumain ka na nito upang mawala na ang sama ng loob mo." Ibinigay ni Meashell ang isang hiwa ng mangga sa dalaga habang naglalakad sila papuntang entrance.Agad na sinubo iyon ni Diana. Hihingi pa sana siya ng isa nang mapansin ang dalawang taong nakatingin sa kaniya. Dahan-dahan na lang niyang ninguya ang ang nasa bibig at nagpatuloy sa mabagal na paghakbang."Hinihintay ba nila tayo?" pabulong na tanong ni Meashell kay Diana.Nagkibit balikat si Diana habang tuwid na nakatingin kay Mauro. Hindi naman nito nakikita ang mga mata niya dahil dark shade ang suot niya. Nakakunot na naman ang noo nito habang nakatingin sa kaniya. Puno pa naman ang bibig niya ng mangga at ayaw niyang maubos agad iyon. Ninanamnam pa kasi niya ang katas ng mangga. Umangkla siya sa braso ni Meashell at nang malapit na sila kina Mauro ay nagmadali nilang nilampasan ang mga ito."Where are you going?" matigas na tanong ni Mauro kay Diana."Home." Parang ngongo niyang sagot sa binata dahil may laman pa ang b
"Shit, ano na naman, Diana?" pasinghal na tanong ni Mauro sa dalaga. Mabuti na lang at walang nakasunod na sasakyan sa kanila dahil bigla siyang nagminor."Sorry, nakita ko kasi ang gustong pagkain ni Ate Meashell." Parang batang napagalitan si Diana.Agad namang nakuha ni Meashell ang nais iparating ng dalaga. "Ahh, tama po. Ang totoo kaya ako sumama kay Senyorita Diana ay para bumili ng gusto kong pagkain."Nangunot ang noo ni Mauro at tumingin sa paligid upang hanapin ang kainan. Ngunit wala siyang nakikita kundi mga nagtitinda sa tabing kalye.Nagtatanong ang tingin ni Meashell kay Diana at hindi niya alam kung anong pagkain naman ang gusto nitong ipabili sa kaniya.Sinulyapan muna ni Diana si Mauro. Nang makitang wala sa kanila ang atensyon nito ay agad siyang bumulong sa katabi.Biglang namroblema si Meashell dahil sa nais ng dalaga. Hindi niya alam kung ano ang gagawin at dapat sabihin kay Mauro upang hindi ito magduda."Are you alright? Bakit hindi ka pa bumaba upang bumili?"
Nilapitan ni Stella ang pinsan nang makita ito. Naroon sila ngayon sa Register Office ng isang kilalang judge para sa kasal ng mga ito. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na ganitong kasal lang ang gusto ni Diana. Mataas ang pangarap ng babae at maarte, pero ngayon ay ang laki ng pinagbago ng pinsan pati ang ugali."Ayos ka lang ba talaga?" tanong ni Stella kay Diana."Mukha ba akong hindi ok?" nakasimangot na tanong din ni Diana. Hindi na naman maganda ang gising niya kanina at ayaw na may kumakausap sa kaniya. Kung hindi niya lang kasal ngayon ay wala siyang balak lumabas ng silid. Simple lang ang suot niyang dress na kulay puti. Pagtingin niya kay Denise ay mukhang ito ang ikakasal at todo kapit sa braso ni Mauro.Napabuntonghinga si Stella bago tinapunan ng tingin ang kapatid at abuelo ni Diana. Halata sa mukha ng mga ito na hindi masaya."Pare, good luck sa bago mong buhay." Nakangising bati ni Charles sa lalaki.Pumalatak si Mauro at sinulyapan si Diana. Mula nang ihati
"Hija, welcome home. Mula ngayon ay ituring mong parang iyo itong bahay at huwag mag alinlangang lumapit sa amin ng daddy mo kapag may problema kayong mag asawa."Ngumiti si Diana sa ginang at nagpasalamat. Bigla siyang nangulila sa ina dahil dito. Malungkot na masaya siya dahil ramdam niyang tanggap siya ng ginang pero ang anak nito ay hindi."Mom, kayo na po ang bahala kay Diana at may importante pa akong gagawin." Bilin ni Mauro sa ina."Anak, honeymoon niyo ngayon ng asawa mo. Ipagliban mo muna ang trabaho mo ng kahit isang lingo." Malumanay na sermon ni Beth sa anak."Mom, mas mahalaga ang trabaho ko ngayon. Isa pa, ang honeymoon ay para lang sa mag asawang nagmamahalan."Mabilis na nag iwas ng tingin si Diana sa ginang nang tumingin ito sa kaniya. Alam niyang ito ang nasasaktan para sa kaniya. "Tama po si Mauro, okay lang po ako at ayaw ko ring bumeyahe ngayon."Napabuntonghininga si Beth bago sinamaan ng tingin ang anak. Kalauna'y nilapitan niya ang dalaga at inakay na ito pa
Matapos kumain ay muling nalungkot si Diana. Muli siyang nagkulong sa silid at nakiramdaman sa paligid. Si Meashell lang ang kinakausap niya sa cellphone. "Nakaalis na ako sa inyo kanina at mukhang hindi naman naghinala sila dahil dinahilan kong wala ka na sa bahay."Napangiti si Diana at nakalayo na si Meashell sa pamilya niya. "Mag ingat ka ate sa beyahe. Susunod po agad ako sa inyo.""Ayos ka lang ba diyan? Kumusta ang trato nila sa iyo?" nababahalang tanong ni Meashell. "Ayos lang, ate, nagustohan ko ang pagkaing kinain kanina.""How about, Mauro?"Sandaling napipilan si Diana at hindi alam ang isagot sa kaibigan. Narinig niyang napabuntonghininga rin ito mula sa kabilang linya."Madaliin mo na ang pag alis diyan dahil nakakaapikto sa ipinagbubuntis mo ang puro sama ng loob. Baka mamaya paglabas ng anak mo ay mukha ng ermitanyo at pasan ang mundo dahil puro sama ng loob ang pinapakain mo sa kaniya."Natawa si Diana sa birong totoo ng kaibigan. Kahit papaano ay gumaan ang loob ni