"Puwede mong dalhin ang kotse ko pabalik upang hindi kayo mahirapan ni Rafael sa beyahe." Alok ni Jenny kay Roger. May lumang sasakyan pa naman kasi siyang maaring gamitin.Ngumiti si Roger sa dalaga. "Ang bait niyo naman po at pati mamahaling gamit ay walang pag alinlangang ipahiram sa akin. Pero huwag na po at maraming salamat. Nag book na po ako ng taxi na siyang maghahatid sa akin sa hotel.Nagkibit balikat na lamang si Jenny bago lumipat sa driver's seat upang siya na ang magpasok sa gate nila ng sasakyan.Hindi rin naman nagtagal at dumating ang taxi na siyang sasakyan ni Roger. Bago lumulan sa sasakyan ay nilingon pa nito ang bahay nila Jenny.Naiiyak na niyakap ni Stella ang anak at sinuri ang katawan nito kung may damage ba. "Anak, huwag mo nang ulitin ang ginawa mo, okay?""I'm sorry, mom, ayos lang po ako at virgin pa rin."Mahinang hinampas ni Stella sa braso ang anak at hindi natuwa sa biro nito. "Ang akala ko ba ay pinikot mo na? Paano ka niya panagutan niyan?"Napalabi
"Sir, nandito na po ako." Katok ni Roger sa pintuan."Pasok!" Humugot muna ng malalim na paghinga si Roger bago pinihit ang seradura. Mukhang mainit na naman ang ulo ng binata. "Sir, hindi pa po ba tayo uuwi sa pad mo?""Hindi muna at baka biglang maisipan ng babaeng iyon na pumunta rito."Pinigilan ni Roger ang ngumiti nang bumaba na ang tono ng pananalita ng amo. Isang oras lang naman ang layo mula sa bahay ng babae na pinaghatiran niya. Katuwa pa at mukhang kilala na ng amo ang ugali ng babae at sure sa naisip nito. Hinayaan pa nito na malaman ng babae kung saan ito tumutuloy."Naihatid mo na ba siya?""Yes, sir. Kinuha ko na rin po ang adress." Nakangiting inilapag niya sa maliit na lamesa ang kapirasong papel kung saan nakasulat ang adress ni Jenny."Ilabas mo ang laptop ko." Walang salitang sinunod ni Rafael ang utos ng amo. Mukhang bababad na naman ito sa trabaho. "Magpahinga ka muna diyan at alam kong napagod ka nang husto sa pagmamaneho.""Salamat po, sir." Mabilis nang hu
Dahan-dahang lumapit si Jenny sa kinaupuan ni Rafael habang inililibot ang tingin sa paligid. Maluwag iyon at malamig tingnan sa mata ang kulay ng gamit pati ang wall. "Dito mo na ilagay iyang dala mo."Nagulat pa siya nang magsalita ang binata. Nanatili itong nakatalikod sa kaniya at abala sa harap ng laptop. Bigla niyang naalala ang turo ni Alexa kaya nilunok muna niya ang hiya at kaba. "What is it?" tanong ni Rafael at binuksan ang lunch box na dala ng dalaga.Napangiti si Jenny at hindi siya sinita ng binata sa ginawa niyang pagyakap mula sa likuran nito. Ipinatong niya ang chin sa balikat nito bago sumagot. "Naparami ang luto ni Mommy kanina kaya naisipan kong dalhan ka.""Gusto ko sa babae ay marunong sa kusena."Napalabi si Jenny at padabog na umalis sa likuran ng binata at lumipat ng tayo sa harapan nito. "Katulong ako ni Mommy sa pagluluto."Nag angat ang isang sulok ng labi ni Rafael habang pinagmamasdan ang mukha ng dalaga. Bumaba ang tingin niya sa kasuutan nito at tumag
"Uhmmm, saan mo ako dadalhin?" Inis na reklamo ni Jenny pero nanatiling nakapikit."Home."Nakasingot na isinubsob niya ang mukha sa pagitan ng ulo at balikat ng binata kasabay nang pagpulupot ng mga paa sa baywang nito. Inaantok pa talaga siya dahil ang aga niyang nagising kanina at bumeyahe."Ingat po kayo, sir!" Tinanguan lang ni Rafael ang bawat staff na nadadanan hanggang sa makalabas ng hotel.Mabilis na pinabuksan ng pintuan ni Roger ang amo nang makita ang paglabas sa gusali. Ang laki na talaga nang pinagbago ng ugali nito. Nagawa nang magbuhat mg babae at parang bata ang dalaga na buhat lang ng amo niya. Pagpasok sa loob ng kotse ay nahirapan ang amo dahil ayaw bumitaw ng dalaga sa pagkayakap sa batok nito. Gusto niyang matawa nang magmura ang amo pero wala namang magawa o hindi magawang magalit nang husto. Biglang umurong si Rafael at tumuwid na tayo bago nilingon si Roger. "Ang sasakyan ko na lang ang dalhin mo upang hindi ako mahirapan."Halos patakbong bumalik sa parkin
"P*ta, aray!" Daing ni Jenny pagkabagsak ng katawan sa sahig."Shit, are you okay?" Inilang hakbang lang ni Rafael ang dalagang nahulog at agad na sinuri ang katawan nito."Aray, mukha ba akong okay?" Mangiyak-ngiyak niyang singhal sa binata dahil sa inis. Kasalanan nito kung bakit siya nahulog sa kama."Sorry, saan masakit?" Naitaas niya ang isang kamay na humawak sa binti nito kanina.Lalo lamang nainis si Jenny nang makita pa ring hawak nito ang cellphone at naka loud speaker na iyon."Honey, what happened? Sino ang kasama mo riyan?" tinig ng babae mula sa kabilang linya.Mukhang nagulat si Rafael nang magsalita si Tanya. Pagtingin niya kay Jenny ay napalunok siya nang sariling laway, ang sama na nang tingin nito sa kaniya. "Honey?" tawag muli ni Tanya sa pangalan ng binata. Inirapan ni Jenny ang binata bago dahan-dahang bumangon. Nang hawakan siya ng binata sa kamay ay iwinaksi niya iyon. Pero dahil sa ginawa niya ay napadaing na naman siya sa sakit at unang bumagsak kanina ang
Nakahinga siya nang maluwag nang makita larawan iyon ng binata noong maliit pa at kasana ang parents. Kinabahan pa siya kanina at baka larawan nito at ng ex-girlfriend ang naroon.Muli siyang napangiti nang makitang walang ibang gamit pambabae sa loob ng silid ng binata. Nagpasya siyang lumabas ng silid upang tingnan ang kabuuan ng bahay. Agad siyang namangha nang makita ang desinyo ng loob ng bahay. Pagtingin niya sa ibaba muka sa hagdan ay natuwa rin siya sa nakikitan. Ang ikaw na malaking pumaikot pa ang haba ay bumagay sa malawak na sala.Tingin niya ay may limang silid sa ikalawang palapag. Napatingala siya, mau ikatlong palapag pa pala iyon. Halos kasing laki lang pala ng bahay nila ang kinaroonan niya ngayon. "Mas mapera pa pala siya kaysa akin?" nahihiyang tanong ni Jenny sa sarili.Humakbang na siya pababa nang hagdan pero mabagal lamang. Baliktad na kasi sila ngayon ng binata. Siya naman ngayon ang may iniindang sakit sa tagiliran. Pagkababa sa hagdan ay hindi niya makit
Patakbong pumasok si Rafael sa kusina nang marinig ang sigaw ni Jenny at kasabay nang paglagabog ng isang bagay. Nang makita itong nakahiga sa sahig ay ganoon na lang ang takot niya."Be-be careful!" Pigil niya sa paglapit sa kaniya ng binata bago napangibit dahil totoong nasaktan siya. Napasobra ang lagay niya ng mantika sa sahig kaya madulas iyon. Mabilis na napahawak si Rafael sa lamesa bago pa siya madulas. Napamura siya nang makita ang kalat sa lababo at sahig. "Aleng Alice!"Lihim na napangisi si Jenny nang dumagundong na ang boses ni Rafael sa buong kabahayan dahil sa galit."Ano ang nangyari?" tanong ni Tanya mula sa kabilang linya."Hindi ko pa alam, hija!" ani Alice habang nagmamadaling lumabas ng silid at bitbit pa rin ang cellphone. Nakangiting umupo si Tanya sa kama at nakinig lang sa ingay mula sa kabilang linya. Mukhang may ginawa na naman ang babaeng karibal na hindi pa nakikita kaya naririnig niya ang galit na tinig ni Rafael."Hijo, ano ang problema?" tanong ni Ali
Pagdating ng doctor ay hindi umalis si Rafael habang sinusuri nito ang dalaga. "Itaas mo ang t-shirt, hija, upang matingnan ko ang iyong injury."Utos ng manggagamot.Napatingin muna si Jenny sa binata na mukhang hindi gusto ang doctor na dumating. Ang akala niya kanina ay lalaki ang doctor, saka lang niya nakumpirmang babae nang magsalita ito. Mabilis na kumilos si Rafael at walang salitang umupo sa tabi ng dalagang nakahiga. Siya na ang nag angat sa t-shirt nito na tama lang makita kung saan may injury.Napapikit siya nang lumapat ang daliri ng doctor sa balata niya ar sinuri iyon. Masakit kasi at nadagdagan ang pagkalamog dahil sa ginawa niya kanina sa kusina. Nang dumiin pa ang kamay nito ay napahawak siya sa damit ni Rafael.Napabuntong hininga si Rafael at hinaplos ang pisngi ng dalaga. Alam niyang nasasaktan ito sa ginagawa ng doctor.Bawat diin ng daliri ay nagtatanong ang doctor sa dalaga hanggang sa matapos. "Wala namang problema sa buto pero huwag munang basain. May ointm