"P*ta, aray!" Daing ni Jenny pagkabagsak ng katawan sa sahig."Shit, are you okay?" Inilang hakbang lang ni Rafael ang dalagang nahulog at agad na sinuri ang katawan nito."Aray, mukha ba akong okay?" Mangiyak-ngiyak niyang singhal sa binata dahil sa inis. Kasalanan nito kung bakit siya nahulog sa kama."Sorry, saan masakit?" Naitaas niya ang isang kamay na humawak sa binti nito kanina.Lalo lamang nainis si Jenny nang makita pa ring hawak nito ang cellphone at naka loud speaker na iyon."Honey, what happened? Sino ang kasama mo riyan?" tinig ng babae mula sa kabilang linya.Mukhang nagulat si Rafael nang magsalita si Tanya. Pagtingin niya kay Jenny ay napalunok siya nang sariling laway, ang sama na nang tingin nito sa kaniya. "Honey?" tawag muli ni Tanya sa pangalan ng binata. Inirapan ni Jenny ang binata bago dahan-dahang bumangon. Nang hawakan siya ng binata sa kamay ay iwinaksi niya iyon. Pero dahil sa ginawa niya ay napadaing na naman siya sa sakit at unang bumagsak kanina ang
Nakahinga siya nang maluwag nang makita larawan iyon ng binata noong maliit pa at kasana ang parents. Kinabahan pa siya kanina at baka larawan nito at ng ex-girlfriend ang naroon.Muli siyang napangiti nang makitang walang ibang gamit pambabae sa loob ng silid ng binata. Nagpasya siyang lumabas ng silid upang tingnan ang kabuuan ng bahay. Agad siyang namangha nang makita ang desinyo ng loob ng bahay. Pagtingin niya sa ibaba muka sa hagdan ay natuwa rin siya sa nakikitan. Ang ikaw na malaking pumaikot pa ang haba ay bumagay sa malawak na sala.Tingin niya ay may limang silid sa ikalawang palapag. Napatingala siya, mau ikatlong palapag pa pala iyon. Halos kasing laki lang pala ng bahay nila ang kinaroonan niya ngayon. "Mas mapera pa pala siya kaysa akin?" nahihiyang tanong ni Jenny sa sarili.Humakbang na siya pababa nang hagdan pero mabagal lamang. Baliktad na kasi sila ngayon ng binata. Siya naman ngayon ang may iniindang sakit sa tagiliran. Pagkababa sa hagdan ay hindi niya makit
Patakbong pumasok si Rafael sa kusina nang marinig ang sigaw ni Jenny at kasabay nang paglagabog ng isang bagay. Nang makita itong nakahiga sa sahig ay ganoon na lang ang takot niya."Be-be careful!" Pigil niya sa paglapit sa kaniya ng binata bago napangibit dahil totoong nasaktan siya. Napasobra ang lagay niya ng mantika sa sahig kaya madulas iyon. Mabilis na napahawak si Rafael sa lamesa bago pa siya madulas. Napamura siya nang makita ang kalat sa lababo at sahig. "Aleng Alice!"Lihim na napangisi si Jenny nang dumagundong na ang boses ni Rafael sa buong kabahayan dahil sa galit."Ano ang nangyari?" tanong ni Tanya mula sa kabilang linya."Hindi ko pa alam, hija!" ani Alice habang nagmamadaling lumabas ng silid at bitbit pa rin ang cellphone. Nakangiting umupo si Tanya sa kama at nakinig lang sa ingay mula sa kabilang linya. Mukhang may ginawa na naman ang babaeng karibal na hindi pa nakikita kaya naririnig niya ang galit na tinig ni Rafael."Hijo, ano ang problema?" tanong ni Ali
Pagdating ng doctor ay hindi umalis si Rafael habang sinusuri nito ang dalaga. "Itaas mo ang t-shirt, hija, upang matingnan ko ang iyong injury."Utos ng manggagamot.Napatingin muna si Jenny sa binata na mukhang hindi gusto ang doctor na dumating. Ang akala niya kanina ay lalaki ang doctor, saka lang niya nakumpirmang babae nang magsalita ito. Mabilis na kumilos si Rafael at walang salitang umupo sa tabi ng dalagang nakahiga. Siya na ang nag angat sa t-shirt nito na tama lang makita kung saan may injury.Napapikit siya nang lumapat ang daliri ng doctor sa balata niya ar sinuri iyon. Masakit kasi at nadagdagan ang pagkalamog dahil sa ginawa niya kanina sa kusina. Nang dumiin pa ang kamay nito ay napahawak siya sa damit ni Rafael.Napabuntong hininga si Rafael at hinaplos ang pisngi ng dalaga. Alam niyang nasasaktan ito sa ginagawa ng doctor.Bawat diin ng daliri ay nagtatanong ang doctor sa dalaga hanggang sa matapos. "Wala namang problema sa buto pero huwag munang basain. May ointm
"Hijo, huwag mo nang hayaang mahulog sa kama ang anak ko at baka hindi na kayo makabuo niyan ng marami kong apo." Patuloy na pakiusap ni Stella sa binata at pinalungkot ang mukha."Mom?" Nandilat ang mga mata niya at mabilis na bumangon upang agawin na sana ang cellphone kay Rafael ngunit napaigik siya at sumakit ang braso. Mabilis na ibanaba ni Rafael ang cellphone sa kama at dinaluhan ang dalaga. Agad na sinuri ang braso nitong naitukod sa kama oara bumangon sana. "Are you okay?""Aray, ang sakit!" Parang bata na daing ni Jenny at nakailang buga ng hangin sa bibig."Anak, huwag kasing malikot. O sige na off ko na ang tawag upang malaagaan ka nang husto ni Rafael." Nakangiting paalam ni Stella sa anak sa halip na mag alala.Kung kaharap lang ni Jenny ang ina ay nairapan na niya ito. Mukhang tuwang-tuwa pa sa nangyari sa kaniya at gusto na siyang ipa gangban kay Rafael."Be careful. Masakit pa ba?" Inalalayan niyang makasandal sa headboard ang dalaga. "Ayos na ako, salamat. Pagpasen
"Sigurado ka na sa nanay mo ito?" tanong niya sa binata habang marahang dinidiligan ang mga bulaklak at baka mabalian ng sanga or dahon."Yes, ito na ang buhay na bagay na alaala ko mula sa yumao kong ina."Napabuntong hininga si Jenny. Nagkasala pa siya kanina sa isipan at nilait niya ang mga bulaklak. Pahamak talaga na matanda iyon. Gusto na magalit sa kaniya si Rafael para mapaalis sa bahay."So ang bahay na ito ah hindi mo itinayo dahil sa dati mong kasintahan?" tanong niyang muli sa binata."Saan mo ba nakuha ang mga idea na iyan?" Nangunot muli ang noo ni Rafael."Kay Manang Alice." Nakalabi niyang sagot. "Ang sabi niya ay paboritong halaman ang mga iyan ng dati mong kasintahan."Napabuntong si Rafael. "Ang katulong nila Tanya at si Aleng Alice ay magpinsan kaya naging close na rin sila. Totoong paborito din ito na halaman ni Tanya dahil lahat nang pinahahalagahan ko ay minamahala niya rin."Lalong humaba ang nguso si Jenny, "sipsip.""What?"Mabilis na ngumiti si Jenny, "noth
Napabangon si Rafael nang nasa tiyan na niya ang binti ng dalaga. Ang sarap na nang tulog nito pero siya ay hindi mapakali. Bukod sa nag iiba ang pakiramdam niya dahil nasa kama niya ang babaeng gumigising sa libido niya ay ang likot pa nito. Kapag wala siya ay tiyak nahulog na ito sa higaan. Tama nga ang ina nito na hindi sapat na ipangharang ang unan lang. Napalunok ng laway si Rafael nang mahawakan ang makinis na binti ng dalaga. Dahan-dahan niyang ibinaba iyon mula sa pagkapatong sa tiyan niya. Isa pang buntong hininga ang ginawa niya bago nagpasya na alisin na ang harang sa pagitan nila at tumabi rito. Kailangan niyang yakapin ito upang hindi na makapaglikot at nang makatulog na rin siya.Nagising si Jenny na parang masikip ang paligid. Itutulak na sana niya ang bagay na nakaharang sa harapan niya nang maamoy niya ang bango nito. Bigla niyang naalala na katabi niya sa pagtulog ang binata. Nakayakap ito sa kaniya kaya pala hindi siya makakilos. "Maaga pa kaya matulog kang muli."
Inirapan ni Alice ang dalaga nang malingunan ito. "Hindi ko alam kung ano ang gusto mong kainin kaya si Rafael lang ang ipinagluto ko."Ngumiti si Jenny sa matanda kahit hindi bagay dito ang magtataray sa kaniya. "Ayos lang po, lola, ayaw ko rin namang kainin ang luto mo at baka sumama din ang loob ko.""Hindi pa ako matanda!" angil ni Alice sa dalaga at ang aga ay sinisira na ang araw niya "Lola, relax at lalo kang tatanda kapag laging galit." Nakangiti pa rin niyang ani habang binubuksan ang ref. Pakiramdam ni Alice ay kumukulo ang dugo niya habang nakatingin sa babae. Hindi siya umalis at binantayan ang bawat kilos nito. "Bakit inilabas mo lahat? Kaya mo bang ubusin iyan?"Tiningnan ni Jenny ang hawak na isang balot ng hotdog at limang itlog. "Malakas pong kumain si Rafael." Nakangiti niyang sagot dito."Hindi mo na siya kailangang ipagluto dahil nailuto ko na siya." Nairitang paliwanag ni Alice.Napatingin si Jenny sa nakahain sa lamesa. May tapa doon, hotdog at itlog. "Problema