Napabangon si Rafael nang nasa tiyan na niya ang binti ng dalaga. Ang sarap na nang tulog nito pero siya ay hindi mapakali. Bukod sa nag iiba ang pakiramdam niya dahil nasa kama niya ang babaeng gumigising sa libido niya ay ang likot pa nito. Kapag wala siya ay tiyak nahulog na ito sa higaan. Tama nga ang ina nito na hindi sapat na ipangharang ang unan lang. Napalunok ng laway si Rafael nang mahawakan ang makinis na binti ng dalaga. Dahan-dahan niyang ibinaba iyon mula sa pagkapatong sa tiyan niya. Isa pang buntong hininga ang ginawa niya bago nagpasya na alisin na ang harang sa pagitan nila at tumabi rito. Kailangan niyang yakapin ito upang hindi na makapaglikot at nang makatulog na rin siya.Nagising si Jenny na parang masikip ang paligid. Itutulak na sana niya ang bagay na nakaharang sa harapan niya nang maamoy niya ang bango nito. Bigla niyang naalala na katabi niya sa pagtulog ang binata. Nakayakap ito sa kaniya kaya pala hindi siya makakilos. "Maaga pa kaya matulog kang muli."
Inirapan ni Alice ang dalaga nang malingunan ito. "Hindi ko alam kung ano ang gusto mong kainin kaya si Rafael lang ang ipinagluto ko."Ngumiti si Jenny sa matanda kahit hindi bagay dito ang magtataray sa kaniya. "Ayos lang po, lola, ayaw ko rin namang kainin ang luto mo at baka sumama din ang loob ko.""Hindi pa ako matanda!" angil ni Alice sa dalaga at ang aga ay sinisira na ang araw niya "Lola, relax at lalo kang tatanda kapag laging galit." Nakangiti pa rin niyang ani habang binubuksan ang ref. Pakiramdam ni Alice ay kumukulo ang dugo niya habang nakatingin sa babae. Hindi siya umalis at binantayan ang bawat kilos nito. "Bakit inilabas mo lahat? Kaya mo bang ubusin iyan?"Tiningnan ni Jenny ang hawak na isang balot ng hotdog at limang itlog. "Malakas pong kumain si Rafael." Nakangiti niyang sagot dito."Hindi mo na siya kailangang ipagluto dahil nailuto ko na siya." Nairitang paliwanag ni Alice.Napatingin si Jenny sa nakahain sa lamesa. May tapa doon, hotdog at itlog. "Problema
"Manang, ano po ang ginagawa mo." tanong ni Rafael sa ginang na abala sa paghalungkat ng basurahan. Wala sa sariling napatuwid ng tayo si Alice at napatingin sa binata. "Hijo, yun pagkaing niluto ko para sa iyo ay nawawala. Tiyak na tinapon ng babaeng iyan!"Biglang dumilim ang aura ng anyo ni Rafael at hindi natuwa sa narinig. Kinabahan si Jenny, baka magalit sa kaniya ang binata. Bubuka na sana ang bibig niya upang magpaliwanag ngunit umangil na ang binata."Manang, hindi ka pa ba nakapag almusal at kung ano na ang pumapasok diyan sa isipan mo?"Natigilan si Alice at napahiya sa tanong ng binata. Pagtingin niya kay Jenny ay halatang nagpipigil ito ng tawa. Hindi na naman siya nakapagpigil at galit na tinuro ito. "Ikaw! Ang salbahe mong babae ka! Ano ang ginawa mo sa niluto kong ulam para kay Rafael?"Mukhang takot na nagtago si Jenny sa likod ni Rafael. "Hindi ko alam ano ang pinagsasabibniya, galit ba siya sa akin?" pabulong na tanong ni Jenny."Manang, ano ang pinagsasabi mo? Sak
Nakangising lumapit sj Jinky kina Jenny at pailalim ang tingin sa lalaking lumabas mula sa driver's seat. "Ang guwapo ng driver mo ha, siya ba ang bago mong lover?" nang uuyam na tanong ni Jinky.Nangunot ang noo ni Rafael at hindi nagustohan ang talas ng dila nito. Tumawa ang dalawang kasama ni Jinky at mapagmatang tiningnan mula paa hanggang ulo ang lalaking kasama ni Jenny."Kawawa ka naman, nakukuha mo lang ang mga lalaki dahil sa pera. Kay Gabriel ay ipinagkakasundo kayo dahil sa negosyo. Ngayon naman ay nagkaroon ka nang instant yayo at lover dahil din sa per. Magkano ang binabayad mo sa kaniya?" Nang iinsultong tanong ni Jinky.Mabilis na hinawakan ni Jenny sa braso si Rafael nang tangkang magsasalita. "One million a day, mayroon ka ba niyon?" nang aasar ding tanong ni Jenny sa babae."Huh, huwag mong ipagyayabang ang pera mo dahil kung wala ka niyan ay walang lalaking magkagusto sa iyo." Pang iinsultong ani Jinky.Sa halip na magalit ay natatawa si Jenny sa babae. "Are you su
Bago lumabas ng mall ay tumunog ang cellphone ni Rafael. Nanatili lang si Jenny sa tabi ng binata at hinintay itong makipag usap sa hindi niya kilala kung sino man ang tumawag dito. Naririnig niya lang na pinag uusapan ng dalawa at tungkol sa trabaho.Pagkababa ng tawag ay agad ibinulsa ni Rafael ang cellphone. "May biglaan akong lakad ngayon. Kaya mo bang magmaneho na?" tanong niya sa dalaga.Nakangiting tumango si Jenny at nakaunawa. "Paano ka? Puwede kitang ihatid muna sa pupuntahan mo bago umuwi.""Hindi na kailangan at nasa labas si Roger." Inakay na niya ang dalaga palabas at hinatid sa sasakyan nito. Bago pumasok sa sariling sasakyan at nakita ni Jenny si Roger at nakatayo sa magarang kotse at mas malaki iyon kaysa sasakyan niya."Mag ingat sa beyahe at diritso na nang uwi." Bilin ni Rafael sa dalaga bago isinara ang pintuan ng sasakyan."Ikaw rin, good luck sa trabaho mo!" Itinaas pa niya ang kanang kamao habang nakangiti kay Rafael. Tumamgo lang ito at nagmamadali nang lumap
Wala na sa kabilang linya ang pinsan pero nanatiling mulat ang mga mata niya. Hindi na rin siya makatulog. Dahil walang magawa ay ni search niya ang pangalan ng babaeng modelo. "Hmm, maganda siya pero mas maganda pa rin ako." Kansahaba ang nguso ni Jenny habang nakatitig sa larawan ni Tanya. Bigla siyang bumangon at bumaba sa kama. Dumiritso sa malaking salamit at tiningan ang sarili. Itinaas niya ang laylayan ng t-shirt at sinuri ang makipot na baywang. "Mas sexy ako sa kaniya." Hindi siya nakuntinto sa nakikita sa salamin at hinubad na rin niya ang suot na t-shirt. Agad na tumabad ang parang labanos sa kaputian niyang balat at ang itinatago niyang dalawang kayamanan. Tama lamang ang laki ng dibdib niya pero malusog iyon at malalim tingnan ang cleavage. Muling niyang tiningnan ang larawan ni Tanya na nakasuot ng swimsuit. "Hmmp! Kaya lang naman mukhang malusog ang dibdib niya ay dahil sa push bra." Inirapan pa niya ang nasa larawan. "Pareho lang kami ng tangkad pero mas se
Mabilis na tumayo si Rafael at bumati sa mga magulang ni Jenny. "Good evening, ma'am, sir."Napangiti si Stella ng makita sa wakas ng personal ang lalaking gustong pikutin ng anak. "Mabuti at napadalaw ka, hijo. Maupo kang muli. Ito nga pala ang asawa ko." Pakilala niya sa asawa na seryusong nakatingin lang sa lalaki.Biglang nakagat ni Jenny ang loob ng labi nang mapansin ang paraan ng tingin ng ama kay Rafael. Wala kasing bitbit ang binata kahit isa manlang tangkay ng bulaklak para sa kaniya.Tumikhim si Charles bago nakipagkamay sa isa pang bisita ng anak. "Nice to meet you.""Likewise, sir. Pasensya na kung ngayon lang ako nagkaroon ng oras upang dumalaw dito." Nabawasan nang kaunti ang kabang nadarama ni Jenny nang makitang pormal na nag uusap ang ama at si Rafael. Nang magsalubong ang tingin nila ng ina ay ngumiti ito sa kaniya."No problem, nagkakilala na siguro kayo ni Gabriel?""Ye, sir." Sagot ni Rafael."Alright, alam ko ang kuwento sa likod ng pagkakilala ninyo ng anak ko
Nangunot ang noo ni Gabriel nang makita ang dala ng isang lalaki. Maliit na paper bag lamang iyon at hindi niya malinaw nakikita ang pangalan niyon. Iniabot lang ni Roger ang dalang pangregalo ng amo dito saka lumabas din agad. Napangiti si Jenny nang makita ang hawak na ngayon ni Gabriel. Iyon ang relo na kinuha kanina sa shop. Hindi niya akalaing maglalaan nang ganoong regalo ang binata sa parents niya."Nabalitaan ko po na mahilig kayong mangulekta ng couple items kaya naisip kong bilhin ito para sa inyo." Pormal pa rin ang mukha ni Gabriel na iniabot sa ama ni Jenny ang dalang regalo.Namilog ang mga mata ni Stella nang makita ang ibinibigay sa kanila ni Rafael. Marami naman siyang alahas na ginto pero ngayon lang nakakatanggap ng regalo na ganoon kamahal.Umangat ang isang sulok ng labi ni Charles at pinigilan ang magpakita ng malaking katuwaan sa bisita. Nagkamali pala siya nang husga dito kanina. Hindi niya akalaing nalaman nitong nagpapa reserve siya ng ganoong alahas na b