Share

Book 4: Chapter 48-Biro

Pagkababa ni Jinky sa stage ay agad siyang nilapitan ni Kera. "Paanong siya ang CEO?"

"Hindi ko rin alam." Nakagat ni Kera ang kuko sa hintuturo.

Nanghihinang napaupo si Jinky sa upuan nang maalala ang sinabi ng lalaki kanina. Hindi manlang niya initindi ang sinabi nito kanina na dito matatapos ang career niyan. Kung hindi lang sana kayabangan ang pinairal niya kanina ay naisalba pa sana ang sariling career. Huli na para humingi ng sorry sa binata.

"Ano na ang gagawin natin?" nababahalang tanong ni Kera sa kaibigan.

Napabuntong hininga si Jinky at nanlulumo sa kinaupuan. Malabo nang makakuha siya nang malaking project ngayon. Nang magsalubong ang tingin nila ni Jenny ay inis na inirapan niya ito. Alam niyang pinagtatawanan na siya nito ngayon. Kasalanan nito kung bakit puro kamalasan ang dinadanas niya ngayon.

"Umalis na si Gabriel," bulong ni Kera habang sinusundan ng tingin ang binatang naglalakad palabas ng venue.

Naikuyom ni Jinky ang kamao, gusto man niyang sundan si Gabriel ay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Marivic Baliao
thanks sa pag update
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Ms Jee sa update Godbless
goodnovel comment avatar
Cristina Bernales Bayubay
thank you ms jee..sino kaya yong spy sa hallway hehehe
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status