"May problema po ba, sir?" tanong ni Roger nang mapansin ang pangungunot ng noo ng amo."Kapag nagtanong ba ang babae kung maganda siya ay dapat bang sagutin ng oo?"Sinulyapan ni Roger ang amo bago muling itinoon ang tingin sa daanan. "Depende po sa hitsura ng babae. Nagagandahan ka po ba sa kaniya?" "Ano ang tingin mo kay Jenny?" balik tanong ni Rafael sa lalaki.Napakamot si Roger sa ulo kahit hindi naman makati iyon. "Maganda po, pero magkaiba naman tayo ng taste o basihan upang masabing maganda ang babae."Muling tumahimik si Rafael at nag isip."Ano po ba ang sagot mo sa kaniya, sir?" curious na tanong ni Rafael. Sa hitsura ng amo ay mukhang nagtampo dito ang pasaway na dalaga."Hindi ko sinabing maganda pero hindi rin pangit.""Ang babae po kasi sir ay sensitive sa ganiyang bagay lalo na kung nakikita ang dati mong kasintahan." "Sa tingin mo ay nagtampo siya sa akin?""Hindi lang po tampo, nagselos pa." Mukhang sigurado na tugon niya sa amo. Nang matahimik ang amo ay mabilis
Mula sa pagkadapa sa kama ay napabangon si Jenny nang makita sa isang social media ang isang balita. Nasira na naman ang araw niya nang makita na magkasama sa larawan sina Rafael at Tanya. Ngayon lang nangyari na sumama sa picture si Rafael for news. "I hate you!" Naibato niya ang cellphone dahil sa inis. Nabasag iyon dahil tumama sa dingding pero hindi siya nanghinayang. Naiinis siya dahil ang ngiti ni Tanya ay alam niyang para sa kaniya. Nagmamalaki na kasama sa larawan si Rafael ngayon. Alam niyang magkikita ang dalawa dahil sa signing contract. Pero bakit kailangan pang sumama sa picture ni Rafael? Ang nakakapikon pa ay halos yumakap na dito si Tanya.Nakailang katok na si Stella sa silid ng anak ngunit hindi sumasagot. Mabuti at hindi iyon naka lock kaya nakapasok siya. "Anak..." Hindi pinansin ni Jenny ang ina at nanatiling nakasubsob ang mukha sa unan. Napabuntong hininga si Stella nang makita ang cellphone ng anak sa sahig. Tinawag niya ang katulong upang linisin iyon l
"Sir, nandito na po tayo."Napatingin si Rafael sa mataas na gate ng bahay nila Jenny. Ilang sandali pa ay bumukas ang gate at pinapasok na sila ng guard."Hijo, napadalaw ka?" bati ni Stella sa binata. Tama lang din nakakauwi nila ng anak niya."Magandang hapon po, ma'am, susunduin ko lang po si Jenny at sa bahay siya maghahapunan."Napangiti si Stella, alam niya ang lakad ng mga ito ngayon na ang akala ng anak ay hindi matuloy. Isa iyon sa ikinamamaktol ng anak kanina pa. "Sandali, hijo, at tatawagin ko siya."Nanatiling nakatayo si Rafael kahit pinauupo muna siya ng ginang. Naiinip siyang hinintay niya ang dalaga.Pagpasok ni Stella sa silid ng anak at nakasimangot itong nakatingin sa sarili at nagkalat ang pinamili sa sahig at kama. Mukhang lahat na ay sinusukat."Mom, hindi ba ako mukhang pokpok sa suot kong ito?" Idinipa pa ni Jenny ang mga kamay at humarap sa ina. Napangiti si Stella at nilapitan ang anak. "Anak, lahat ay bagay sa iyo. Saka iyang suot mo ay ang sexy mong tin
Mabilis na tumuwid ang tingin ni Roger nang tumingin sa kaniya ang amo. Hindi naman talaga siya tumitingin kay Jenny mula nang sumakay ang mga ito sa sasakyan. Mahirap na, baka matusok ng amo ang mga mata niya. Mabilis na hinubad ni Rafael ang suot na coat at ipinatong sa hita ng dalaga. Hindi naman nakikitaan o ganaong maiksi ang dress, pero hindi niya gustong lantad ang hita nito lalo na at may ibang lalaki silang kasama.Napanguso si Jenny, para namang kadiri tingnan ang hita niya at ayaw iyon makita ng binata. Sumama siya dito pero hindi pa rin niya kakausapin. Parang si Roger ang nabibingi sa katahimikan ng dalawang sakay niya. Ang dalaga ay abala sa cellphone nitong bago samantalang ang amo niya nakapikit at mukhang nagpapanggap na tulog. Nang may madaanang flower shop ay siya na ang kusang tumigil roon.Nagmulat ng mga mata si Rafael nang maramdamang tumigil ang sasakyan. Pagtingin niya kay Jenny ay abala pa rin sa cellphone. Nagtatanong ang tinging ipinukol niya kay Roger
Nakahinga nang maluwag si Roger nang makitang ok na ang dalawa. Nakapagmaneho na siya na walang kaba sa dibdib. Pagkatigil ng sasakyan sa garahe ng bahay ni Rafael ay nakita niya si Tanya na nakatayo sa labas ng pintuan. Mukhang asawa na nanghihintay sa pagdating ni Rafael. Mabilis niyang kinuha ang bulaklak at chocolate. Hinintay niya ring pagbuksan siya ng pintuan ni Rafael. Unti-unting nabura ang ngiti sa labi ni Tanya nang makitang binuksan ni Rafael ang pintuan ng sasakyan at lumabas doon si Jenny. Lalong nasira ang mood niya nang makita ang hawak nito. Ngumiti si Jenny kay Tanya nang makalapit dito. Nakipagbeso-beso pa siya bago bumulong, "tapos ka na bang magluto? Gutom na kasi ako. Ang ganda pa ng flowers na bigay sa akin ni Rafael." Mariing naglapat ang mga labi ni Tanya at pingilan ang sariling itulak ang babae at nandidiri siyang magkipagbeso dito. Kung makatanong ay para bang katulong siya nito. Iniinggit pa siya sa dala nitong bulaklak. Mayroon din siyang ganoon kanin
"Ako na riyan, ang pinggan na lang ang dalhin mo sa dining room at baka mapaso ka pa rito ay ako ang masisi." Mataray na sita ni Alice sa dalaga.Inirapan lang ni Jenny ang matanda. Pagtingin niya kay Tanya ay mukhang kakainin siya kung maningin. "Mukha ba akong masarap na ulam at ganiyan ka kung maningin?" "Alam mo bang lahat ng niluto ko ay paborito ni Rafael?" nagyayabang na ani Tanya."Alam ko! Eh alam mo rin bang ako ang unang babaeng hinayaan niyang makapasok sa bahay na ito at pad niya?" nang aasar niyang sagot kay Tanya.Tumalim ang tingin ni Tanya kay Jenny at kulang na lang ay sabunutan ito. "Huwag kang magmalaki dahil kung hindi ako umalis noon ay ako ang unang nakaapak sa bahay na ito.""Kaya nga sorry ka na lang at hindi ka na nagawang hintayin ni Rafael dahil natagpuan na niya ang tunay na pagmamahal sa piling ko.""Tanya, huwag kang makinig sa babaeng iyan dahil hindi totoong mahal siya ni Rafael." Pang aalo ni Alice sa dalaga."Sige, paasahin mo pa nang husto ang pabo
"What's wrong?" nag-aalalang tanong ni Rafael kay Jenny nang makitang hawak nito ang leeg at mukhang sinasakal ito. "Ma-my medicine!" Nahihirapan niyang utos kay Rafael bago sunod-sunod na napaubo. Kinakabahang tumayo na rin si Tanya nang makitang hindi lang nagda-drama ang babae at nilapitan ito. Namumula na rin ang pisngi nito. Tarantang nagsalin ng tubig si Alice sa baso at pinaiinum si Jenny ngunit umiiling ito at panay singhap. Pagkakuha ng bag ni Jenny mula sa sala ay patakbo siyang bumalik sa dining room. Halos ibalabas na niya ang lahat ng laman ng bag nito dahil sa pagmamadaling mahanap ang gamot. "Relax, huminga ka nang malalim then inumin mo itong gamot."Mahinahon niyang kausap sa dalaga pero halos manginig ang kamay niyang may hawak na gamot at isinubo iyon sa bibig ni Jenny. "Rafael, let me help you." Tangkang hawakan ni Tanya sa balikat si Jenny ngunit hindi naituloy dahil sa galit na boses ng binata. "Stay away and don't touch her!" Parehong napatda sa kina
Ang sarap ng pakiramdam ni Jenny habang buhat siya ng binata in bridal style. Mula sa pagkapatong ng ulo sa braso ni Rafael ay sinilip niya ang dalawa. Halos umusok na ang ilong ng mga ito habang nakasunod ang tingin sa kanila. Ngumisi siya sa mga ito upang lalong galitin. "Bakit mo ako pinigilan, hija? Nakita mo iyon? Hindi totoong nahirapan siyang huminga kanina at siya ang nagpahamak sa sarili niya kaya nagkaroon ng mani ang pagkain niya!" Nanggigil na turan ni Alice."Manang, lalo ka lang mapasama sa mga mata ni Rafael kapag sinabi mo ang katotohanan. Hindi siya maniniwalang ang babaeng iyon mismo ang naglagay ng peanut sa pagkain upang ipahamak ang sarili!"Mukhang natauhan si Alice at unti-unting kumalma. "Tama ka, ang salbahe talaga ng babaeng iyon! Katulad noong una, ikinalahat niya ang basura sa kusina at pinadulas ang sarili sa sahig upang mapagalitan ako ni Rafael!"Naaawang niyakap ni Tanya ang ginang. Naunawaan niya ito dahil tulad ng ginang ay galit siya kay Jenny. Ngun