"Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ni Charles kay Elizabeth nang maabutan ito sa opsina niya. Kagagaling niya lang sa conference room at mainit pa rin ang ulo niya."Honey, gusto ko lang ipaalam sa iyo na hindi na ako galit dahil sa nangyari nakaraang araw." Paglalambing ni Elizabeth sa nobyo. Siya na nanuyo sa binata at mukhang nasanay na itong wala siya sa tabi nito. Bukas na ang event at nag-aalala siya na baka mapili ito na maging asawa ng tagapagmana ng matandang business tycoon. Sandaling napatitig si Charles sa nobya. Talagang inabala niya ang sarili sa kahit ano na lang na trabaho upang makapahinga ang isip sa kakaisip sa mga nakaraan. Pati ang babae ay nakalimutan na rin niya at hindi nagawang tawagan.Mabilis na lumapit si Elizabeth sa nobya at ikinawit ang kamay sa braso nito. "Honey, mahal na mahal kita. Ayaw kong makasira muli tayo dahil sa babaing iyon."Parang napapasong lumayo si Charles kay Elizabeth at pinaalala ang taong pilit niyang kinakalimutan. Nagagalit na n
Inilibot ni Diana ang tingin sa paligid pagkapasok sa malawak na venue. Sa isang magara at sikat na hotel dinaos ang event na pag-aari mismo ng pinsan. Mayaman din sila pero naiinggit pa rin siya sa apo ni Don Fausto. Kung wala ang apo nito ay tanging sila ang natitirang malapit na kamag-anak ng matanda at tagapagmana sana."Ayusin mo ang iyong sarili, ani Vanz sa kapatid at inalalayan na ito papasok sa venue.Napabuntonghinga si Diana, kung siya ang masusunod ay ayaw niyang mag-attend. Naiinis siya at may paganito pa ang pinsan. Sobrang pa importante at talagang hindi nagpakilala sa kanila noon. Biglang may lumapit sa kapatid kaya naging abala na ito sa pakipag-usap sa iba."Diana, is that you?" bati ni Sophie sa babae. "Oh, hi!" magiliw na bati ni Diana sa babae nang makilala. Minsan na niya ito naka acquaintance dahil kay Stella at sa kapatid nito."Nice to see you again. This my friend, Elizabeth." Ipinakilala ni Sophie ang kasamang kaibigan.Ngumiti si Diana at nakipagkamay sa d
Sobrang nag-e-enjoy ang tatlo habang pinapanood kung paano sapilitang ilabas ang dalawa. Ngunit bago pa makalayo ang mga ito ay may sumita sa mga tauhan."Ano ang ginagawa ninyo?" Parang natuod ang tatlong guard nang makilala ang lalaking sumita sa kanila."Mauro, kanina ka pa ba?" Agad na ikinawit ni Diana ang kamay sa braso ng binata upang mabaling sa kaniya ang atensyon nito."Bakit hinayaan mong palabasin sila ng mga guard?" Napipilan si Diana sa naging tanong ng binata at halatang galit ito. Bigla siyang kinabahan na baka malaman nitong siya ang may kagagawan. Ayaw niyang malaman nito na hindi maganda ang ugali niya at matapobre."Hi, Mauro, long time no see!" bati ni Sophie sa lalaki.Nangunot lalo ang noo ni Mauro nang makilala si Sophie. Sa halip na batiin din ito ay nilapitan niya si Stella.Napabitaw si Diana sa braso ni Mauro at inis na sinundan ito. Talagang masisisanti niya mamaya ang tatlong guard dahil mabagal kumilos kaya nakahanap pa ng kakampi si Stella.Nagkatingi
Napabuga si Charles ng hangin sa bibig bago bumaba ng sasakyan. Napilitan siyang pumunta roon dahil kunh hindi ay ang abuelo ang a-attend. Ayaw niyang bumeyahe ito at dumalo sa ganoong okasyon dahil sa sakit nito. Pagkapasok niya sa venue ay ang kapatid ang unang nakakita sa kaniya."Kuya? Ang akala ko ay hindi ka darating?" "Nagsimula na ba?" sa halip at tanong niya sa kapatid at napatingin sa suot na relo. Thirty minutes late na siya at nasa isip ay tapos na ang pagpili."No," humalukipkip si Sophie at sumimangot sa kapatid. "Nag-announce ang emcee kanina na late mag-uumpisq dahil nagkaroon ng aberya sa apo ni Don Fausto.""Honey, ang akala ko ay hindi ka darating." Agad na kumapit si Elizabeth sa braso ng nobyo.Napatingin si Charles sa suot ni Elizabeth. Halos lumuwa na ang dibdib nito dahil sa lalim ng ukab ng naturang gown na suot ng dalaga. Mahaba ang suot nito ngunit abot hanggang singit naman ang slit sa gilid. "Bakit ganiyan ang suot mo?"Nakagat ni Elizabeth ang loob ng b
"May napili na po ba kayo, senyor?" tanong muli ng isang reporter."Yes, ang anak ko mismo ang pumili sa kanila bago pa naganap ang aksidente. Ngunit hindi ko alam kung sino sa kanilang dalawa ang mas nakakahigit para sa kabutihan ng aking apo."Mula sa paglalakad, nagtataka si Stella sa mga narinig. Hindi niya alam na ganito ang mangyayari at walang sinasabi ang abuelo. Tumigil siya sa paghakbang mula sa likod ng intablado at hinintay na tawagin siya ng abuelo. Kampanti siya na ang mapili na maging asawa niya ay kaya niyang manipulahin. Nabawasan ang alalahanin niya nang malaman na hindi dumating si Charles. "Ladies and gentlemen, please welcome my one and only, granddaughter!" Sandaling tumigil sa pagsasalita si Fausto at inilahad ang palad sa bukana kung saan lalabas ang apo.Unting-unting nanlaki ang mga mata ni Elizabeth nang lumabas na ang babaing kanina pa nila gustong makilala. Sa damit nito siya napatitig at pamilyar sa kaniya iyon. Pagtingin niya kay Sophie ay ganoon din a
Nagmamadaling pumunta ng palikuran si Diana nang halos hindi na siya makahinga dahil sa kinikimkim na galit sa kaniyang puso. Hindi niya matanggap na si Stella ang kaniyang pinsan. Pagkapasok sa banyo ay hinahapo siyang humarap sa salamin. Nanlilisik ang mga matang nakipagtitigan sa sariling reflection sa salamin."Sa dami ng tao, bakit ikaw pa?" Dumaklot ang mga daliri niyang nakahawak sa sink. "Bitch, hindi lang ang trono sa kompanya ang inaagaw mo sa akin ngayon. Hindi ako makapapayag na pati ang lalaking gusto ko ay makuha mo rin!"Napangisi si Elizabeth habang nakasandal sa likod ng pintuan. Hinayaan niya lang na sarilinin muna ni Diana ang galit nito kay Stella. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya sa kaalamang may katuwang siya upang sirain ang pagkatao ni Stella. Tanging kay Mauro lang si Stella ngumiti nang makipagkamay na sa kaniya ang dalawang lalaki. Ramdam niya ang mainit na tingin sa kaniya ni Charles pero hindi siya nag-abalang lingunin ito."Lolo, thank you fo
Nakangiting lumapit si Diana kay Stella at nakipag beso-beso dito. "Hindi ko akalaing ikaw lang pala ang pinsan kong matagal ko nang gustong makadaupang palad."Nakangiting gumanti siya ng halik sa babae. Marami ang nakatingin na sa kanila ngayon at bawat galaw niya ay binabantayan. "Alam kong nag-enjoy ka ng husto at pinagtatawanan ako sa pang-aalipusta ko sa iyong pagkatao. Wala ka naman sigurong balak gumanti? Besides, hindi ko kasalanan kung natawag kitang slapsoil?" sarkastikong bulong muli ni Diana kay Stella.Si Stella na ang yumakap sa babae at gumanti sa pagbulong. "Hindi ako galit, dear, hindi rin ako apikto sa panlalait mo noon dahil alam mo ang dahilan. Ngayon, hindi ka naman siguro nagagalit sa akin kung si Mauro ang isa sa napili ni Lolo na maging asawa ko?" nang-aasar niyang tanong kay Diana."Bitch!" she hissed, kung pwede niya lang sakalin ito habang kayakap. "Show me what you got!""Sure!" Marahan niyang tinapik-tapik sa likod si Diana bago kumawala sa pagkayakap.
"Gumawa ka ng paraan na kay Mauro maikasal ang pinsan mo," kausap ni Vincent kay Vanz.Hindi makapaniwalang napatitig si Diana sa abuelo. Naroon sila sa library nito ngayon upang pag-usapan ang tungkol kay Stella. "Lolo? Bakit po si Mauro? Hindi po ako makakapayag at akin lang siya!"Galit na sinampal ni Vincent ang apo na babae dahil sa galit. "Estupida! Kabaliwan ang sinasabi mong pagmamahal na iyan! Hindi importante ang pagmamahal na iyan para lang masira ang pundasyon ng pamilya natin! Importante ngayon ay ang mahawakan sa leeg ang lalaking mapangasawa ng pinsan mo upang maagaw ang kompanya!"Mabilis na nilapitan ni Vanz ang kapatid at niyakap ito. Naawa siya sa kapatid pero kailangang sundin ang abuelo. "Magpaubaya ka muna ngayon. Kapag nawala sa landas natin ang babaing iyon ay mabawi mo rin ang lalaking gusto mong mapangasawa."Umiiyak na itinago ni Diana ang mukha sa dibdib ng kapatid. Hindi lang naman ito ang unang beses na nasaktan siya ng abuelo. Pero sobra siyang nasasakta