Inilapit pa ni Zion ang mukha sa camera nang masilayan ang mukha ng isang lalaking kamukha niya. "Daddy!"Sumikdo ang puso ni Charles at kusang pumatak ang luha sa mga mata. Napaiyak siya dahil nasilayan na niya ang mukha nito at mukhang excited pa itong nakita siya. Mukhang kilala na siya nito kahit ngayon lang nakausap at sa video call pa."Daddy, aren't you happy to see me?"Mabilis na pinunasan ni Charles ang luha sa mga mata at umiling, " no, anak. Tears of joy ang luha kong ito dahil nakita na rin kita. Patawarin mo ang daddy kung ngayon lang kita nakausap at hindi pa kita madalaw." Namaos ang boses niya dahil namamalat ang lalamunan sa pagpigil ng iyak."I understand po, daddy! You look handsome po like me!"Tumawa si Charles kasabay nang pagsinok. Ang daldal ng anak niya at mukhang nagmana sa ina. Muli siyang napangiti at biglang nasabik na mayakap ang anak at mahalikan. Napabuntonghininga si Fausto at biglang naawa kay Charles. Bakas sa mukha nito ang pagkasabik na mayakap
"Sorry, hindi ko mapigilan ang sarili ko!" naiiyak na paghingi niya ng tawad sa binata. Masuyo niyang niyakap ang dalaga at pinaramdam dito na ayos lang siya. "Its ok, kulang pa iyan sa ginawang pananakit ko sa kalooban mo noon."Napalabi si Stella at kumawala sa yakap ng binata. Nanatili siyang nakaupo dito pero nabunot na ang nakabaon na shaft ng binata sa loob ng pagkababae niya. "Bakit ang bait mo ngayon?""Mabait na ako mula nang bumalik ka sa buhay ko." Ipinulupot niya ang dalawang kamay sa beywang ng dalaga."Ang weird...." nasampit ni Stella at umaktong nag iisip."Why?" Hinawi niya ang buhok na kumalat sa pisngi ng dalaga habang ang isang kamay ay nanatiling nakasapo sa likod nito."Bakit ang sarap mo laging halikan at..." nag alinlangan siyang sambitin ang huling kataga at nahiya sa binata. Napangisi si Charles at mabilis na pinadaanan ng hintuturo ang matangos na ilong ng dalaga. "Ganiyan talaga kapag in love ka sa akin."Muling napalabi si Stella at hindi binili ang biro
"Ku-kuya..." nautas si Sophie at ang lakas ng kabog ng puso niya.Mabilis na nilapitan ni Stella ang binata at hinawakan ito sa braso."Ano ang ginawa mo noon?" nang aarok ang tingin ni Charles sa kapatid. Biglang naghinala siya dito nang maalala na wala siyang natanggap na tawag o message mula kay Stella noon na hospital ito."Kuya, I'm sorry! Naging makasarili ako noon at naisip na kay Elizabeth ka lang liligaya." Naluluha na paliwanag ni Sophie sa kapatid.Naikuyom ni Charles ang kanang palad at tumalim ang tingin sa kapatid. Lalapitan niya sana ito ngunit humigpit ang kapit ni Stella sa braso niya."Kuya, I'm sorry! Ako ang nakatanggap ng tawag ni Stella noon at hindi na rin ako nag abalang basahin ang message niya. Ayaw ko noon na ma distract ka pa at ang akala ko ay nagdadrama lamang si Stella upang hinid mo siya hiwalayan." Nagyuko ng ulo si Sophie at maging ang abuelo ay mukhang galit na rin sa kaniya.Mabilis na niyakap ni Stella ang binata bago pa nito masugod si Sophie upan
"What's wrong?" namamaos ang tinig na tanong ni Charles sa dalaga nang gumalaw muli ito.Mabilis na humarap si Stella sa binata nang marinig ang tinig nito. Ayaw niya sana itong magising dahil alam niyang hirap itong makatulog. Pero talagang kumakalam ang sikmura niya at gutom na gutom ang pakiramdam. Nagmulat ng mga mata si Charles at hinawi ang ilang buhok sa pisngi ng dalaga. "Hindi ka ba komportable sa kinahigaan mo?""Mabilis na umiling si Stella at nakagat ang loob ng bibig bago sumagot. "Nauuhaw ako."Mabilis na tumayo si Charles at ikinuha ng tubig ang dalaga. May maliit siyang ref sa mismong silid kaya madali lang niyang naikuha ito ng malamig na tubig.Nahihiyang tinanggap ni Stella ang tubig kahit hindi naman iyon ang gusto niyang inumin. Nangunot ang noo ni Charles nang kaunti lang ininum ng dalaga. Dim lang ang liwanag sa paligid dahil tanging lampshade ang bukas na ilaw. Hinaplos niya ito sa pisngi at bigla siyang nag aalala sa kung ano ang nararamdaman nito.Yumakap s
Napatingin si Diana sa paligid nang maradamang parang may nagmamatyag sa bawat galaw niya. Kanina pa siya naroon at may kahalubilo naman siya. Nag send siya ng message sa makatulong niya sa gagawing plano ngayong gabi."Huwag kang mag alala at ako ang bahala sa drinks."Napangiti si Diana nang mabasa ang reply ng kausap. Muli niyang inilibot ang tingin sa paligid. Nang makita si Mauro ay agad niyang nilapitan ito. "Hi, hindi mo kasama si Stella?"Tumingin si Mauro sa paligid bago hinarap si Diana. "Hindi ko alam na imbitado ka rin dito."Na offend si Diana sa tanong ni Mauro pero hindi niya ipinakita iyon sa binata. Ang arogante talaga nito kapag siya ang kaharap. Hindi siya humiwalay dito kahit pinaparamdam na ayaw nitong ka-companion siya."Kaibigan ko ang birthday celebrant kaya ako imbitado." Nakangiting paliwanag ni Diana kay Mauro.Nagkibit balikat si Mauro at muling inilibot ang tingin sa paligid."Mauro, I'm sorry."Nagtatakang bumalik ang tingin ni Mauro kay Diana. "Bakit hum
Namukhaan ni Diana ang lalaking gumagala sa paligid dala ang tray kung saan nakalagay ang wine glass. Nakit niya ito kahapon na kausap ng kapatid niya kaya nag alala siya. Wala siyang alam na may ibang plano ang kapatid ngayong gabi. Pagtingin niya kay Magda ay naglakad ito patungo sa isang sulok. Sinundan niya ito upang kausapin sana."Nakahanda na ba ang lahat?"Napatda si Diana sa kinatayuan nang malulinigan ang pamilyar na tinig. Ang akala niya ay si Magda lang ang naroon."Oo, ito ang room number na papasukin mo mamaya. Ang katabi ay room ni Mauro. May taong gagawa mamaya ng ibang trabaho upang mawala siya sa mundong ito."Kinabahan si Diana nang marinig ang sinabi ni Magda. Mukhang doble kara ang ginang at hindi lang siya ang kausap nito. Ang hindi pa niya nagustohan ay ang gagawin kay Mauro. Mabilis siyang umalis sa pinagkublihan at bumalik sa umpukan. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya at natatakot siya para sa kaligtasan ni Mauro. Nagmamadaling hinanap ni Diana si Mauro ngun
Idiniritso ni Diana si Charles sa banyo at mabilis na binuksan ang tubig sa bathtub. Nang magpangalahati ay saka iyon pinatay.Hindi na nagreklamo o tumutol si Charles sa ginagawa ni Diana. Nakakatulong sa kaniya kahit papaano ang malamig na tubig upang maibsan ang init sa katawan. "Charles, hold on. Iwan muna kita dito upang iligtas si Mauro at Stella." Mahigpit na hinawakan ni Charles ang braso ni Diana bago pa ito makalayo. "Call my sister to help you.""No, hindi ko alam ang sitwasyon na sa paligid. Kailangan kong gawin itong mag isa upang hindi maalerto ang kalaban sa paligid."Frustrated na napaungol si Charles dahil parang naging lantang gulat siya at walang magawa. "Wala nang oras, Charles, kailangan ko nang puntahan sa silid sina Mauro!" Nag aalalang turan ni Diana.Nanghihinang tumango si Charles, "I trust you, please iligtas mo si Stella." Tumango lang si Diana at nagmamadaling umalis na. Ayaw niyang maalerto ang tauhan ng abuelo na nagkalat sa paligid at baka dumanak a
Kahit hirap huminga at nanghihina, pilit na inabot ni Mauro si Elizabeth. Niyakap niya ito at pareho silang nahulog sa kama dahil sa bigat niya. Habol hininga na bumangon si Stella at sunod-sunod siyang napaubo. Nanlalaban si Elizabeth kay Mauro at tinutulak ang katawan ng binata na nakadagan dito. Pagtingin niya kay Diana ay nanlaki ang mga mata niya nang makitang sinasakal na ito ng lalaki. Mabilis niyang nilapitan ang lampshade at binunot iyon mula sa pagka plug sa kuryente. Medyo may kalakihan iyon kaya mabigat. "Ahhhhhh, bitiwan mo siya!" Hiyaw ni Stella sabaw hampas sa likod ng lalaki ng lampshade.Napadaing ang lalaki sa sakit bago ito natumba sa sahig. Muling hinampas ni Stella ito hanggang sa nawalan ito ng malay. Nagkalat sa sahig ang mga nabasag na bote at parte ng lampsahe. Binuksan niya ang ilaw at kasabay nang pagbaha ng liwanag sa paligid ay nakita niyang nakawala na si Elizabeth kay Mauro. Mabilis niya itong nilapitan at hinila sa buhok bago pa ito makabangon.Sunod