Share

Chapter 5

"Paano kayo nagkakilala?" puno ng kuryusidad na tanong ni Tito Lawrence.

"Jocelle here, is a special friend of mine," pahayag ni Mr. Walliz. Hindi ko pa siya magawang tawaging Michael dahil hindi ko maalala kung kailan ko siya tinawag nang gano'n. "Siya ang unang sumalubong sa'kin pagkatapak na pagkatapak kong muli sa bansang ito."

"Kararating mo lang noong nakaraang buwan, ah!" saad ni Tito Lawrence.

"Exactly," nakangiting sagot ni Mr. Walliz.

Hindi na niya binitiwan ang kamay ko sa halip ay tumabi na siya sa'kin habang hawak-hawak pa rin ito.

"Ikaw ba ang kasama ni Ate no'ng minsang inumaga siya nang uwi?" bigla ay pakikisabat ni Rachelle sa usapan.

Gulat na napasinghap si Trish at kunwari sindak na napatingin sa'kin.

"Inumaga ka ng uwi, Ate Celle?" gulat na gulat nitong tanong.

Eksaherada ang gaga!

"Twenty-nine na ako, Trish," sarkastiko kong sagot. "Wala nang masama roon dahil may sarili na akong isip at nasa tamang edad na ako."

Kung makapag-react ang gaga ay parang hindi ito n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status