"Hindi ako aalis hangga't hindi mo ako pakikinggan," matigas na pahayag ni Michael.Sa pagkakataong ito ay nakikita ko na iyong RM na pinangingilagan ng lahat. Ibang-iba ang Michael na kaharap ko ngayon sa Michael na nakasama ko. Gano'n pa man ay hindi nagbabago iyong damdamin ko para sa kanya. Partida galit pa ako niyan dahil sa ginawa niyang pagtataksil sa'kin."Walang katotohanan ang inaakala mong panloloko ko sa'yo," mariin niyang dagdag.Mapakla akong napapalatak habang naiiling dahil sa narinig."So, sinasabi mo na hindi totoo iyong nakita ko?" sarkastiko kong tanong. "Gagawin mo pa akong tanga, eh kitang-kita ko kayong dalawa ni Vernice!" nanggagalaiti sa galit kong bulyaw sa kanya."Celle, kalma lang," awat sa'kin ni Dianne. "Hindi makabubuti sa'yo ang ma-stress," makahulugan niyang dugtong.Agad kong naalala ang kasalukuyan kong kondisyon kaya mariin akong pumikit at huminga nang malalim upang pakalmahin ang sarili.Nang muli akong magmulat ng mga mata at diretso kong sinama
Ilang sandali pa at magkakaharap na kaming lahat sa sala nina Dianne. Dati naman ay naluluwagana ako sa sala nila pero dahil sa presensya ng mga bisita namin ay biglang parang sumikip.Pakiramdam ko nga ay hindi kakayanin ng maliit na ceiling fan na nandito sa sala iyong init na dala ng tensiyon.Kahit saan talaga ilagay itong Lola Marga ni Michael ay astang reyna talaga ito. Well, gano'n naman talaga ito, reyna ng mga Walliz. "Now, ipaliwanang mo sa'kin kung bakit bigla-bigla kang umalis," seryoso nitong kausap sa'kin."Bakit ako iyong magpapaliwanag?" maang kong tanong. "Ako po iyong niloko ng apo ninyo," dugtong ko.Kailangan ko lang pala isipin iyong kasalanan sa akin ni Michael para magkalakas loob akong sagutin ang lola niya.Kung ako naman iyong naaagrabyado ay hindi ako dapat na manahimik lang lalo na ngayong may pinoprotektahan na ako.Wala sa sariling naipatong ko ang kamay sa impis kong tiyan. Nang mahagip ng tingin ko ang pagtutok doon ni Michael ay taranta ko namang inali
Bago tuluyang nagpaalam sina Michael ay kinausap muna ako ni Lola Mathilda.Kabadong-kabado pa ako at baka bigla ako nitong offer-an ng sampung milyon layuan lang ang kanyang apo. Kung kailan kami nagkaayos ni Michael ay tsaka pa ako masampal ng kayaman ng Lola niya.Siguro kung ibibigay niya sa'kin ang kalahati ng buong ari-arian ng mga Arizon ay pag-iisipan ko pa ang magiging offer niya pero hindi gano'n ang naging usapan namin."Mahal ka ng apo, sana ay sa susunod na may ganitong pangyayari na naman ay sa'kin ka lumapit bago ka gumawa ng desisyon." Malumanay ang boses ni Lola Mathilda habang kinakausap niya ako.Iyong kaba ko kanina ay biglang naglaho."Kung makikita kong may mali ngang ginawa si Rowan Michael ay ako ang dedesiplina sa kanya. Malabo mang may kalokohang gagawin ang isang iyon pero tandaan mong kakampihan kita 'pag nagkataon.""Pasensya na po kayo," nakayuko kong paghingi ng paumanhin.Naiintindihan ko naman iyong naratamdaman niyang inis dahil sa inakto ko. Pati ba
Kinagabihan ay sumalo sa hapunan namin ng pamilya ni Dianne si Michael. Mabilis niyang nakuha ang loob ng Nanay at Tatay ni Dianne. Mga simpleng tao lang ang mga ito kaya siguro hindi nila gaanong kilala ang katauhan ni RM. Alam nilang malaking tao ito sa larangan ng negosyo at galing sa mayamang pamilya pero hindi nila alam kung ano ang kaya nitong gawin at ang mga nagawa na nito. Pinapakitunguhan nila si Michael batay sa pinapakita nito ngayon at hindi sa kung sino ito sa pagkakakilala ng publiko. Kakaibang saya ang nararamdaman ko habang pinapanood si Michael na masayang nakikipag-usap sa tatay ni Dianne. Tungkol sa pinagkaabalahan sa palaisdaan ang pinag-uusapan nila. "Magtatagal ka ba rito sa isla?" bigla ay tanong kay Michael ni Nanay Veron na nanay ni Dianne Napansin ko ang ginawang pagsulyap sa'kin ni Michael bago bumaling kay Nanay. "Depende po kay Jocelle,"agalang niyang sagot. "Paano kung dito na titira si Jocelle?" natatawang tanong ni Tatay Dong, ang ama ni Dian
Napakurap-kurap ako nang bumungad sa'kin pagkamulat na pagkamulat ng mga mata ko ang magarang chandelier na palamuti sa hindi pamilyar na kisame ng kinaroroonan kong silid.Agad akong nanigas mula sa pagkakahiga nang maramdaman ang kalambutan ng kinahihigaan kong kama.Abot-abot ang kaba ko habang pinapakiramdaman ang sarili kasabay nang paggunita ng mga pangyayaring naghatid sa'kin sa kasalukuyang sitwasyon.Walang tunog akong napamura at mariing naipikit ulit ang mga mata dahil sa katangahang nagawa dala na rin ng kalasingan ko kagabi.Agad kong hinamig ang sarili at nang muli akong magmulat ng mga mata ay pigil-hininga kong inilibot ang paningin sa kinaroroonang silid.Maliban sa karangyaang sinisigaw nito ay hindi ko matanaw ang hinahanap ko... ang lalaking kasama ko kagabi.Kung pagbabasehan ang pangangalay ng buo kong katawan at ang agaw-pansin na pananakit ng ibabang bahagi nito ay malinaw kung ano ang nangyari sa'min ng kasama ko sa silid na ito kagabi.May kalabuan man ang mg
"Celle, ikakasal na iyong pinsan mo at iyong—""Huwag mo nang ituloy!" mabilis kong sansala sa pagsasalita ng kaibigan kong si Dianne. "Nag-iinit ang ulo ko tuwing naaalala ang hayop na iyon!""So, hindi ka pupunta sa kasal nila?" nakataas ang kilay nitong tanong sa'kin. "Kung pwede lang sana!" dismayado kong hinaing. "Pero king hjndi ako dadalo ay tiyak ako iyong magiging masama sa paningin ng buong pamilya namin. Ako na naman iyong masama! Ni hindi man lang sasagi sa makikitid nilang utak na ako iyong inagawan!""Hindi pa kasal... pwede mo pang mabawi," kunsitifir na payo nito sa'kin.Sinamaan ko ito ng tingin bago inirapan. "Never!" matigas kong tugon. "Over my dead ovary! Tang-ina nilang dalawa!" puno nang gigil kong dugtong."Dead ovary na talaga iyan dahil isang buwan na lang at lagpas ka na sa kalendaryo," paalala nito sa'kin."Dianne, may 31 pa iyong ibang mga buwan," umiikot ang mga matang pagtatama ko."February iyong basehan ngayon... tandaan mo na 29 iyong pinakamataas,"
"Halika, Celle, tingnan mo oh, personal na inihatid ng pinsan mo ang imbitasyon para sa'tin sa nalalapit niyang kasal," masiglang salubong sa'kin ni Mama.Pinigil kong huwag umikot ang sariling mga mata dahil sa pinakitang excitement ni Mama na para bang sarili niyang anak iyong ikakasal.Ganito naman palagi siya, pumapapel sa pamilya ni Trish sa bawat oportunidad. Isang matamis na ngiti ang ibinigay ko kay Trish. Halatang inaabangan nito ang magiging reaksiyon ko.Minsan talaga ay napatanong na lang ako sa'king sarili kung ano ang nagawa ko sa babaeng ito at bakit napaghalataan kong malaki ang inggit nito sa'kin."Congratulations," magaan kong bati kay Trish at pasimple kong tinapunan nang sulyap ang katabi nitong si James."Pasensya ka na, Ate, huh at hindi ka nailista sa entourage," mahinhing paumanhin ni Trish.Lihim na nagtagis ang mga ngipin ko dahil sa pagiging plastikada nito. Ganito talaga ito... bait-baitan sa harapan ng ibang tao pero kapag kaming dalawa na lang ay lumalab
Araw na ng kasal at hindi ko alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko. Simula pa kanina sa bahay hanggang sa simbahan ay gusto ko na lang maglaho. Halos lahat ng mga imbitado sa kasal ay pawang nakakalam sa nakaraan namin ni James. Sa kabila ng mga tinging natatanggap ko ay taas-noo ko pa ring natapos ang seremonyas ng kasal. Binalewala ko ang mga naririnig na bulungan sa paligid tuwing napapadaan ako at dumagdag pa ang palihim na pangangaral sa'kin ni Mama sa dapat kong ikilos sa harapan ng mga bisita. Nang magpalitan kanina ng vows ang mga ikinasal ay hindi ko mapigilang mapaismid. Minsan na kasing sinabi sa'kin ni James ang mga pangakong binitiwan niya sa harap ng altar para sa pinsan ko. Wala man lang binago ang gago! Ang kaibahan lang ay may kodigo ito ngayon, hindi tulad noong kami pa na saulo talga nito ang mga pangakong iyon! Gustuhin ko mang hindi na tumuloy sa reception ay hindi pwede dahil sinigurado talaga ni Trish na naroon ako. Halatang gusto niyang saksihan